Chapter 26

24 1 0
                                    

"Bunso ano may balak kapabang matapos sa paliligo!!" rinig kong sigaw ni kuya, excited palibhasa ngayon lang nagka jowa, wala pa nga akong isang oras dito sa kwarto.

Napili ko nalang mag suot ng denim shorts chaka crop top na black. Pagkabihis ko ay nag lagay lang ako ng konting make up at saka lumabas. Andon na si Ate Jeanne, bihis narin si Bryce at ako nalang talaga inaantay.


"Bryce oh naka short" puna ni kuya sa suot ko.


"Tsss" humarap sakin si Bryce "ano naman?" humarap sya kay kuya at nakataas pa ang isang kilay, naol na awra "eh kaya ko naman makipagpatayan para sa kanya?"


Napatingin ako kay Bryce, eto nanaman, nag uunahan nanaman sa bilis ang tibok ng puso ko. Napaka sweet talaga nito.


"Ayan sigi nababara ka tuloy" pinagtawanan ni ate Jeanne si kuya "HAHAHA hina mo naman love".


" Luh anong mahina, kung sya kaya nyang makipag patayan para kay Avi, ako kaya kong mamatay para sayo" banat ng kuya ko "pero pank bayan, wala pang kalaban, pera patay na patay nako sayo" omygad kadiri si kuya, so ewwww.


"Patayin kita dyan eh HAHAHAHHA" biglang biro ni Bryce kaya nahampas sya ni kuya ako naman ay eto tawang tawa sa kalokohan nila.



"Wala mahina ka love" tinutukso paden ni ate Jeanne si kuya "mamamatay ka banaman, doctor ka naman buhayin mo sarili mo HAHAHAH".



" Tara na dali! aym sow excited na kase people no wag na kayo mag laban dyan dahil parehas naman kayong mahina" pag aaya ko sa kanila.



"Ah mahina?" tanong sakin ni Bryce at agad naman akong tumango.



Palabas na sana ko ng bigla akong buhatin ni Bryce "Ah mahina" nagpupumiglas ako para maka baba pero malakas talaga sya "eto ba ang mahina bby? dikanga makababa?" binaba nya ako at lumabas na kami. Isang sasakyan nalang ginamit buti nandito si kuya Joel, driver namin sya ngayon kase wala si kuya Rey, kasama sya nila mommy.


Unang sumakay si kuya tapos si ate Jeanne tapos ako and huli si Bryce. Mukhang medyo matagal ang byahe dahil traffic, alam nyo naman sa pinas, traffic dito traffic doon.



Nakaakbay sakin si Bryce kaya ginawa kong unang ang braso nya, wala naman akong balak matulog kaya naisipan ko nalang interviewhin si ate Jeanne, nakayakap ang isang braso ni kuya sa kanya.



"Ate" tawag ko sa kanya at agad naman syang humarap sakin "pano ka niligawan ng magaling kong kuya?".


Tumingin muna sya kay kuya at tumawa "diko nga den alam, di ngayan nagpaalam kung pede manligaw, dare daretso, una may nag papadala ng bulaklak sakin sa office tapos walang name ang nakalagay lang 'your future' corny no?"



"yuk kuya! kadiri ka, your future ang potek, sana ayos kalang" tukso ko kay kuya.



Humarap sya sakin saka sumagot "sweet kaya, chaka future nya naman talaga ko?" confident huh? "diba diba?"



Inirapan lang sya ni ate at tinuloy ang kwento "edi ayon nga, tapos sunod nyang moves, may pa letter na ang heyop, diko inakala na doctor dahil maayos ang sulat".



" Aha!" nagulat ako kay Bryce, bigla banamang nasigaw "so para kay Jeanne pala yung letter na pinasulat mo sakin?"



Napakamot sa ulo si kuya "oo kanya alangan namang para sa mommy mo" oo nga naman.



"Hanggang sa pinuntahan nya nako sa office, tapos yun kinausap nyako, diko pa nga sya nakilala agad, tapos ayun sinabi nya na sya yung sira ulong nagpapadala ng bulaklak" diko makakaila na masaya sila sa isa't isa, kinikilig pa si ate habang nagkukwento, si kiya naman ay abot langit ang ngiti.



"Oh diba sweet ko" sabi ni kuya "tinamo nga love kinikilig kapa".



" Pano ka naman napasagot nitong best friend ko?" seryosong sagot ni Bryce na ngayon ay nakayakap na sakin.



"Pinapunta nyako sa hospital non, tapos sabi nya pumasok ako sa room 208, edi pagka labas ko sa work, don nako agad dumaretso, akalain ko banaman na puro lobo pag pasok ko tapos kalat ang bulaklak tas may balloon don 'say yes' diba ang galing? say yes hindi manlang yung tanong yung ginawa, kaya ayun napilitan akong sagutin sya".



Agad na nagprotesta si kuya " hoy anong napilitan? eh may pag iyak kapa non" ang kyut nila "sa pogi kong to sira ulo nalang hindi sasagot ng oo".



" Sa sira mong ulo abnormal nalang seseryoso" HAHAHAHAHA tiklop kay ate, under naman pala.



"Oh edi inamin mo deng abno ka" hindi nakasagot si ate kay kuya, kitang kita ko ang pamumula nya, sumubsob nalang sya dibdib ni kuya kesa nakita nyakong natawa, iiling iling akong humarap kay Bryce.



"Hmmm?" binigyan den nyako ng nagtatanong na tingin.



Kelan kaya ko nito tatanungin? 2 days nalang January na, ang bilis ng panahon, ilang araw nalang panibagong taon, panibagong kalokohan nanaman HAHAHAHHA.



"baby may tanong ako" sana naman maayos yung tanong mo.



"Ano po?" balik kong tanong sa kanya.



"Anong english ng bulak?"



"cotton? cotton ngaba HAHAHA"



"Eh anong english ng bulaklak?" amputek ng Bryceeeeee.



Napahawak pako sa noo ko "seriously? edi flower".



" Mali!" luh bat mali? "alam mo kung ano?"



"Flower nga kase!" lakas naman kase ng tama ni Bryce ngayon bat ba ganto to.



Tawang tawa ang loko wala namang nakakatawa "bat ba tawa ka ng tawa?" inis na tanong ko.



"Eh kase HAHAHHA" urghhhhh "ang english-- HAHHAHAA ng-- bulaklak ay-- cottonton HAHAHHAHAHHAHHAHAHHAAHAHAH" ay pota.



Hindi ako natawa sa joke nya, natawa ako kase natawa sya sa corny yang joke.



"Ano bayan Bryce HAHAHA" tawang tawa den ang kuya ko, sabagay parehas naman silang may sira sa ulo di na nakakapag takha "corny mo bro, kung ako sayo tinutulog ko nalang yan".



" Anong corny don? HAHAHAHA" hanggang ngayon tawag tawa paden sya sa sarili nyang joke "kesa naman sayo! corny manligaw".




" HAHAHAHAHAAH CORNY PA NGA HAHHAHAHA" sige ate iganti moko, asarin mo den si kuya "alam mo love corny ka den naman nag aaway pa kayo, kung ako den sayo tinutulog ko na yan".



" Alam mo den ba, kung ako sayo"



"Ano?" tanong ni ate sa kanya.



"Sayo nalang ako".



" YUKKKK KADIRI KA KUYA! DIKO LUBOS MAISIP NA SASABIHIN MO YAN" sigaw ko sa kaya, pati tuloy driver namin tawang tawa.



"Sir Doc sa gwapo nyong yan ganan kayo HAHAHA" asar ni kuya Joel "Ikaw attorney? ganan ka den?"



"Kuya Joel di pako attorney, ilang taon pa, college life ko palang iiwanan ko" ilang taon pa kong mag aaral nago maging ganap na abogado juskooo "Pero para po sagutin ang tanong nyo, hindi po ako ganan, si kuya lang po ang baliw samin".



" Yes kuya Joel, baliw pako, baliw na baliw kay Jeanne " puknam ka kuya!!!













_________________________

Hi sa mga nag babasa 💖

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon