"EKstreme Tower tayo dali!" ayan nag yayakag nanaman si dora.
"Pag yan makatanggal kaluluwa! Sipain talaga kita!" sigaw ni ate Jeanne kay kuya "ihuhulog kita don nakita mo nako".
"Love naman nandito naman ako, di naman kita hahayaan" paglalambing ni kuya pero inirapan lang sya ni ate.
Iniharap ako ni Bryce sa kanya, nakatalikod kase ako at pinapanood sila kuya mag away "kaya moba? pede naman tayong di sumama sa kanila" tanong nya sakin habang naka hawak sa mga kamay ko.
Tumingin ako don sa mga naka sakay don sa tower na yun, pinag iisipan ko kung kaya koba, pero diko naman malalaman kung diko susubukan "tara try den natin" naka ngiting aya ko kay Bryce.
"Sure ka?" paninigurado nya sakin at tumango ako, hinila kona yung dalawa na hanggang nag tatalo kung sasakay ba o hinde.
Habang nasa pila kami ay naka sandal lang ako kay Bryce, nilalaro nya ang buhok ko. Pinagmamasdan ko lang ang mga tao, karamihan kaibigan ang kasama, yung iba siguro girlfriend or boyfriend nila yun.
Humarap ako kay Bryce at binigyan nyako ng nag tatanong na tingin "bat kata ganon no?" tinaasan nyako ng kilay "bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, yung iba sa maling tao pa napupunta".
Hinalikan nyako sa noo at ngumiti " wala namang maling tao eh, hindi lang tayo napunta sa taong para satin, yung taong nakalaan para satin, hindi naman kase natin sila pedeng tawagin na mali, kase sa aminin man natin o sa hindi, ginusto nyo yun eh dahil napasaya nyo yung isa't isa" seryoso nyang sinasabi ang mga salitang yun, hindi ko alam kung san nya nakukuha ang mga ganoong salita, malalim ang kahulugan "may tao kang makikilala na sobrang magoapasaya sayo, mamahalin ka, pero aalis den sila, pero hindi ibig sabihin ay mali sila, kung napasaya ka ng taong yun, mas mapapasaya ka ng taong nakalaan talaga para sayo".
Lalo ko syang hinangan, sobrang lawak ng pang unawa nya, bibihira ang taong ganto mag isip, karamihan ang nagiging rason nila kung bakit sila nasasaktan ay napunta sila sa maling tao. Tinitigan ko sya mabuti, tila ba sinasaulo ko lahat ng parte ng kanyang mukha, hindi nakakapagtakha na madami syang napaiyak, ganto banaman kagwapo at katalino makilala mo tignan ko lang kung dika ma inlove.
" Bat ganan mokk tignan? poging pogi ka nanaman sakin" tatawa tawa pang asar nya sakin.
"Tse!" inirapan ko sya "iniisip ko lang kung san mo nakuha yang mga salitang yan! eh dika naman nagseseryoso date!"
"Sure ka?" taas noong tanong nya sakin "alam mo baby, bago ko maging gago, naging seryoso muna ko".
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, akala koba sabi ni kuya di nagseseryoso to date, fake news talaga ang hayop.
" Yung ex ko" kwento nya.
"Alin sa kanila? HAHAHA" pambabara ko sa kanya sa kanya at pinisil nya ang ilong ko.
"Si Seann" nag iwas sya ng tingin "wala eh una kong girlfriend yun, binigay ko lahat, mas minahal ko yun kesa sa sarili ko, laht ng gusto nya binibigay ko, 9 months den kami, buti nga diko napakilala kila mommy eh HAHAHA pero hindi ko sya tinitignan bilang isang maling tao para sakin, napasaya ko non eh, minahal ako non at minahal ko yun, pero ganon talaga baby, aalis sila dahil hindi sila para satin, kita mo ngayon" hinawakan nyako sa baba ko at iniharap maige sa kanya, daretso syang tumingin saking mga mata "umalis sya, bumitaw ako dahil may ibang taong magpapasaya sakin, at ikaw yuuuunnnn" pinisil nanaman nya ilong ko, piste ansaket ah.
"Bat sabi ni kuya!" sigaw ko.
"Luh bat nadamay ako" balik na sigaw ni kuya.
"Sabi mo hindi marunong mag seryoso si Bryce!"
Tinawanan pako ng buset "oo nga! noon, pero don sa una seryoso, maliban nalang sa sumunod, sayo? wala malalaman pa naten! HAHAHHA".
Tinaasan ni Bryce si kuya ng middle finger "seryoso nako dito sira ulo, pakakasalan ko to".
" Funny mo no? di pa nga tayo eh!" excited masyado.
"Ayunnn, di pa naman pala kayo eh HAHAHA" asar ni kuya "tara na tayo na next, Avi?" humarap sya sakin at tinaasan ko sya ng kilay "ihulog mo yang lalaking yan HAHAHHAA".
Magkakatabi kami nila kuya, habang papataas ay ramdam ko ang kaba, pataas ng pataas ay paganda ng paganda ang nakikita ko, at ng nasa tuktok na kami ay nakita kona ang kabuuan ng laguna papunta narin to sa impyerno dahil-
" MOMMYYYYY!!!!!!!!!!!! LORDDDD HELPPPPP IBABA NYOKO DITOOOOOO" sigaw ko at mahigpit na nakakapit sa kamay ni Bryce.
"BWISET KA KENJI!!!!! JUSKOOOOO AYOKO PA MAMATAY!!" sigaw naman ni ate.
"HAAATTTTTDOOOOGGGGGGTT MAHAAAALLLLLL KITAAAAA JEANNEEEEEEE!!!!!!" malandeng sigaw ng kuya ko.
"OHGOOOODDDDDDD" sigaw ni Bryce.
Pagbaba namin ay pinaghahampas na ni ate si kuya na tawa lang ng tawa "gago ka! yung kaluluwa ko naiwan ko sa taas!"
"Balikan natin dali!" asar ni kuya.
"Bwiset!" at ayun nauna na si ate palabas.
"Bat parang dika naman natakot?" tanong ko kay Bryce.
"May nakakatakot ba?" mayabang na tanong nya.
"Epal mo!"
Inakbayan nya nako at sabay kaming lumabas.
Naglalakad lakad kami ng tumawag ka Bryce, kinahu nya ang cellphone na nakalagay sa kanyang bulsa at sinagot ng tawag "Yes dad" kausap nya daddy nya, bat kaya "mamaya? oh sige po, anong oras po? nasa EK kami eh, dyan nalang kami dadaretso" yun lang at pinatay nya na ang tawag. Humarapnsya sakin at natatawa.
"Oh bakit?" mataray na tanong ko.
"Gusto kana nila makilala, mag luluto si mommu ng dinner kaya don tayo dadaretso" nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya.
"Huh?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yan Avi kabahan ka! baka dika magustuhan ng parents ni Bryce paktay ka bunso" pananakot ni kuya "wala pa man ding kayo WHAHAHA" napansin ni ate ang pag simangot ko kaya pinitik sya sa taenga si kuya "aray naman love!"
"Napaka tukso neto".
"HAHAHA wag kang kabahan, mabait sila, sure ako magugustuhan ka nila, kita mo nga oh excited silang makilala ka kahit sinabi kong wala pa namang tayo" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Bryce "sasakalin daw ako ni mommy pag hindi kita pinakasalan, kaya ayun sabi ko kung dikita mapapakasalanan agad dahil kelangan mopa mag aral, aanakan nalang muna kita! WHAHHAHA" binatukan ko sya sa kalokohan nya.
"Hoy! anong anakan? gusto mo mameet si kamatayan ha?" ines na tanong ni kuya pero tinawanan lang sya ni Bryce.
"San ka nga pala mag Law school?" tanong nya sakin.
"Baka sa ateneo naman para maiba HAHAHA".
" Galing kang La Salle, tapos UST ngayon, tas Ateneo next, bat dimo naden itry mag UP? HAHAHAH " baket dora ko eh.
"Try ko den kaya pumasok saaaa" kunwari pang nag iisip ako.
"Saaa?" pang gagaya nya sakin.
"Sa puso mo".
__________________________________
Thank you sa mga sumusubaybay.
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...