Chapter 10

138 8 0
                                    

Pagkahatid namin kay Aviana ay umiksena nanaman sila Aldrin, mga hindi ata talaga magsisitigil. Hindi ko gustong magkasala pero sa oras na lumapit nanaman sya ng sapilitan sa prinsesa ko, magkamatayan na.



Natapos ang klase namin ng nakatunganga lang ako. Aishh namimiss kona si Aviana, pero ayos lang susunduin ko naman sya hehe.



"Bro tara na para makita mona bebe mo WHAHAHA" pagmamadali sakin ni Paul.



"Teka nga, gusto mo lang naman makita si Amber" kunwari pato poporma lang den naman.



Habang naglalakad kami ay may pumigil sa kamay ko, napatigil kami sa paglaakad at humarap sa likod, laking gulat ko ng makita ko nanaman to naknampupu eh eto yung babae sa bar eh.



"Hi, naaalala moko? kung hindi isipin mo nalang na ako ang mapapangasawa mo" malandi nyang sabi na humahawak hawak pa sa braso ko.



"Ah miss hehe, sino kaba?" tanong ni Vince sa babaeng maharot.



"Ah ako ba? my name is Cathlyn Montemayor, pero para sa inyo Cat nalang and para kay Bryce pede monakong tawaging babe" ampupu naiirita ko pasalamat to babae sya.



Tumawa sila Vince sa kanya kaya kumunot ang noo nya "Anong nakakatawa?"



"Ikaw" hindi kona napigilang tumawa ng sabay sabay nilang sabihin yun, mga sira ulo talaga.



"Alam mo kase Cat or kung sino kaman, sa pagkakalam naming lahat, Aviana ang pangalan ng mapapangasawa nya" sarkastikong sabi ni Paul.



"No! maghihiwalay den sila" osige magpakahibang kapa.



Lalong tumawa ang mga sira ulo kong kaibigan sa kanya "yun ay kung papayag ang lover boy" tumingin sya sakin at nag tanong "Bro ano? sino bang pakakasalan mo?"



Tumingin muna ako sa babaeng maharot "Ano nga ulit pangalan mo? Cat? bagay sayo".



"Ah talaga? maganda ko eh kaya bagay talaga" mas malandi nyang sabi.



"Cat, pusa yun diba? bagay nga sayo, pusang gala" Pare parehas kaming nagtawanan sa sinabi ko "Alam mo meow meow, Aviana ang pangalan ng babaeng pakakasalan at mamahalin ko, wag ka mag alala, pag nag karon kami ng alagang pusa, pangalan mo papangalan ko, sigi na alis na kami, pupuntahan kopa kase ung mapapangasawa ko eh".



Pagkasabi ko non ay iniwan na namin sya, nakakadiri may pahawak hawak pa sakin.



" Bro kilala mo ba yun?" usisa sakin ni Julian.



"Yun yung babae sa bar na nagpapahalik sakin, kadiri bro napaka landi" inis na inis ako sa babaeng yun, nakakahiya sya.



"Ah! yun yung dahilan bat pagpasok mo palang sa bar ang sama ng mukha mo WHAHAHHA anak ng pating bro sinusundan kana, baka kahit kaluluwa mo sundan non" pang aasar ni Paul.



"Magsitigil nga kayo! kadiri talaga, ang pangit naman jusko" saway ko sa kanila kase malapit na kami sa room nila Aviana pero mukhang dipa tapos klase nila dahil mga nasa loob parin.



Sumandal muna kami sa pader habang nag aantay para pag labas nila may poging nasa pader WHAHAHAHAHA. Pagkatapos ng klase nila ay isa isa na silang nag ayos ng mga gamit, sandamakmak na papel hanep talaga, kaya hulog na hulog ako kay Aviana eh, ang talino talaga.



Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon