Chapter 5

169 12 0
                                    

NAGPATULOY ANG GABIN namin ni Aviana na puro kwentuhan, sobrang saya sa puso na nakakausap ko ung taong mahal ko, pinapahalagahan at pinapangarap ko. Iba pala talaga ang saya pag nakakausap mona sya, lumipas kase ang ilang taon na hanggang tingin lang ako, ang mahalaga sakin ay makita sya, hindi ko man makausap pero patuloy akong mahuhulog para sa kanya. Dadating din ang araw na magiging tama na ako para sa pagmamahal na kaya nyang ibigay.



"Aviana alam moba, nung una kita makita sa school, natulala agad ako, sabi ko grabe naman tong babaeng to, ang ganda, sobrang nakakabighani. Iba eh, iba talaga yung saya sa puso pag nakikita kita, hindi man kita makausap sapat na sakin ang makita ka sa araw araw" natatawa ako sa sarili ko, nagiging malambot ako pag dating sa babaeng to "naalala mo nung nag muse ka kila Aldrin, grabe ung pagtitimpi ko HAHAH kalaban ko sila tapos sa kanila ka napunta, pede namang sakin bat pa sa iba, pero ang ganda mo non, sabagay maganda ka naman araw araw".



Hindi sya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya, hindi nako nagulat ng nakatulog na pala sya. Agad kong nilikom ang mga gamit at sunod syang nilikom jokiii hahahah agad ko syang binuhat papasok sa sasakyan.



Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanyang mukha. Tuwing maaalala ko ang mga pag uusap namin kanina ay hindi ako nakaramdam ng takot sa mga pedeng mangyari sa biglang pag pasok ko sa buhay nya, gusto ko munang kalimutan ang mga iniisip ko. Dahil sa kanya nagkaron ako ng lakas ng loob, nawala lahat ng takot ko, mula noon hanggang ngayon sya ang nagiging lakas at inspirasyon ko sa araw araw.



Nakarating kami sa bahay nila, agad akong mag doorbell at lumabas ang daddy nya " good evening po sir hahatid ko lang posi Aviana, naka tulog napo kase"



"Good evening din, salamat sa paghatid sa anak ko" naka ngiting sabi ng daddy nya sakin "Tulungan mo nalang ako mag akyat sa kanya sa kwarto kung ok lang sayo"



"Ah sigi po ok lang po, ako nalang po magbubuhat sa kanya" tito kahit ako naden mag alaga sa kanya ahahah iniabot ko ang gamit ni Aviana sa daddy nya at iniakyat na sya sa kanyang kwarto.



Nagpaalam na ako sa daddy nya "Sir una na po ako"



"Kaibigan kaba ng anak ko?" nakangiting tanong nya.



"Ah opo kaibigan nya po ako Sir" kinakabahan ako taiiiii.



Tumawa sya sakin "Tito nalang anak" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.



Tito nalang anak



Tito nalang anak



Tito nalang anak



Nagwawala ang puso bat ganon baka magising si Aviana eh sya lang naman laman ng puso ko WHHAHAHAHA. Inihatid ako ni TITO hanggang gate ng bahay nila.



MAAGA AKONG NAGISING kinabukasan, nababaliw na ata ako, para akong aso kakangiti, halos mapunit na ang labi ko sa saya. Iba ka talaga Aviana, pati labi ko nabihag mona, ano kayang susunod? ang maging tayo na? WHHAHAHA langya baliw na talaga ako.



Bumangon ako sa kama at agad na naligo. Habang nasa hagdan ako pababa ay tumunog ang cellphone ko. May nag chat sakin at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko kung kanino galing.



From: Aviana

Good morning Bryce
Salamat sa pag hatid sakin kahapon ❣



Huwaaaaa!!!! Lamunin ako ng lupa!!! Pano bayang buo na agad ang araw ko nito WHAHAH tekat makakain nat makapag ligpit, dumihan ko kaya lahat ng plato tas ligpitan ko den? okaya wag ko pag trabahuhin yung mga kasambahay namin? ahhahaha.



To: Aviana

Wala yun ano kaba, good morning den, kumain kana?



Nakarating ako ng kusina at nadatnan ko don si daddy at mommy, parehas nila akong iniintay para sabayan ko sila sa pagkain.



"Good morning, daddy kelan kapa umuwi?" tanong ko ng makaupo na ako.



"Kanina lang madaling araw" mukhang maganda den ang gising ni daddy kahit kulang ang tulog ah.



Kukuha na sana ako ng pagkain ng bigla ulit nagchat si Aviana.



From: Aviana

Oo kumain nako, ikaw ba? kumain kana ahhh



Iba ka talagang mag pakilig! grabe ang kuryenteng dulot mo sakin ah, wag ka mag alala, gagantihan kita whahahh wala natong atrasan.



To: Aviana

Eto napo kakain na, wait lang ah



Agad kong sinend yun at nagsimula ng mag lagay ng pagkain sa plato ng biglang magsalita si mommy.



"Ang saya saya naman ngayon ng anak ko ah" pang aasar sakin ni mommy "hinay hinay sa pag ngiti baka mapunit ang labi" sabay silang tumawa ni daddy.



"onga bat ang saya mo ngayon?" isa pa itong si daddy pang asar den.



Mas lumapad ang ngiti ko "aba syempre naman, pinansin nako ng bebelabs ko" hindi lang bebelabs, future wife nade WHAHAHAH.



"Aba kelan namin sya makikilala ? minsan kalang magka ganan anak" ang saya ni mommy ng sabihin nya yan sakin per mas masaya ako syempre di ako papalamang.



"Soon mommy, soonnnn makikilala nyo na sya, pag napasagot kona whahahah, alam nyo naman ako"



Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto, may chat na nang galing kay Aviana.



From: Aviana

Bryce baka gusto mo sumama samin bukas mag mall, papakilala kita sa friends ko hihi



Huwattt?!!! ipapakilala nyako? senyales na bato? whahahah bukas ko na sya tatanungin kung pede ako manligaw para romantic dagdag points yun uy!



To:Aviana

Sure, ikaw paba eh malakas ka sakin, pede bang sunduin kita?"



Sana pumayag sya, para naman matagal ko talaga syang makasam, minsan lang to lulubos lubusin kona, dalhin ko kaya sa simbahan para daretso kasal na? whahaha baka idaretso libing ngalang ako ng daddy nya, ay si TITO pala hehehe.



From: Aviana

Sigi antayin kita, 11:00 moko sunduin ah antayin kita❣



"YESSSSSS!!!! HUHUUUUUUUU!!!! ANG GALING GALING MO TALAGA BRYCE, ITO NA ANG SIMULA!!!"



Nagtatalon ako sa saya dahil kay Aviana, kahit kelan talaga saya dulot nito sakin eh! Hahahaha sa susunod gaganti ako! gaganti ng pagmamahal para sayo ayiehhh ehhehehe, konti nalang para nakong babae nito.



Naputol ang pagsasaya ko dahil natawag si Vince, panira talaga ng moment to eh.



"Siguraduhin mong maganda yang sasabihin mo dahil babalatan kita ng buhay kung hinde" pabiro kong sabi.



"Bro si Julian nababaliw na, tumawag si tita muntik na daw mag lason"



Langya naman oh napaka panira ni Julian ng ah, yan ang hirap sa mga walang label eh, landian ng landian pero hindi naman kayang ipaglaban.



"Osige tara puntahan natin, una na kayo" naiinis kong sabi at pinatay ang tawag.





_____________

Hi! kung may gusto kayong sabihin sakin tungkol sa story chat nyo lang ako❣ salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote eheheh.

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon