Chapter 22

26 6 0
                                    

Natapos ang bakasyon namin ng masaya, nung huling araw ay nag laro lang kami dahil nakakapagod mag gala. Nasa manila na ulit kami ngayon, pero hindi paden malinaw sakin ang mga sinabi ni Bryce, hindi ko paden maisip kung ano yun, kung bakit sinabi nya yun. Ayoko naman mag isip ng mag isip na may kung anong dahilan yun pero ay nako bahala na.



"Hoy bunso!" sigaw sakin ni kuya.



"Ano ba!" sigaw ko pabalik sa kanya "nakakagulat ka naman eh!" bigla banamang nasigaw.



"Hoy kanina pako nag sasalita dito dika nakikinig, tulala ka nanaman dyan, mas malalim pa sa balon yang iniisip mo, bay galaw galaw baka pumanaw" huh? kanina pa sya nag sasalita? ano nabang nangyayari sakin.



"Ok kalang ba?" tanong sakin ni kuya.



"Ok lang naman ako" bat naman ako di magiging ok? "ikaw tong mukhang di ok, doctor pero mukhang pasyente".



Binato nyako ng unan pero tinawanan ko lang sya, sarap sarap talaga asarin ng kuya ko " so ano nga yung kinukwento mo" usisa ko.



"Tinde ka ah!" angil nya "dika nakikinig dyan eh" sml kuya? hahaha "yun nga mamaya papakilala ko sa inyo girlfriend ko, para bago mag Christmas kilala nyo na".



" MY GIRLFRIEND KA?!!" gulat na tanong ko.



"Oo meron ano ikaw lang pede?"



"May pumatol sayo?" asar ko at hinampas nyako ng unan, nakapa bully ah.



"Alam mo ang epal mo bunso" pikon na sya uy "oo meron na di na ikaw prinsesa ko".



Ansakit sa pandinig nung huling sinabi nya, ewan koba pero bat parang natakot ako.



" Uy bunso joke lang, prinsesa paden kita nadagdagan nga lang kayo" hindi ko napansin na nag uunahan na pala ang luha ko "love ka ni kuya wag kana umiyak joke lang eto naman ngayon na ngalang magkaka jowa iiyak kapa, ano makikipag break nako? naiyak ka eh".



Hinampas ko sya "sira ulo mo" kainis naman kase "sabi mo kase dimonako prinsesa eh! ang daya naman eh!"



"Joke lang naman, kahit magkaasawa at magkaanak nako prinsesa kapadin ni kuya" sabi nya sakin habang nakayakap sako sa kanya "wag kaa umiyak parang tanga naman to eh".



" Maganda kuya?" tanong ko sa kanya.



"Sobra bunso" kinikilig kilig pa ang loko.



"Yan ba yung Erlyn?" tanong ko sa kanya.



"Luh hinde no! sabi ko naman sayo kaibigan ko lang yun, jinojoke lang kita, chaka nililigawan yun ni Doc Migo".



"Eh sino?" jusko sino nanaman kayang babae ang nauto ng kuya ko huhu kaawa awang babae.



"Si Jeanne" luh sino yun?



"Sino yun? diko kilala" ay antanga Avi ipapakilala pangalang pala.



Kilig na kilig pa kuya ko mukhang dog hehehe "accountant sya" ayos yan dami pera "kaklase ko sya nung high school, crush ko den pero dahil nga magdodoctor ako pinagpaliban ko muna, ayan binalikan kona HAHAHA".



" Naol binabalikan"



"Wala ka namang ex kaya wala kang babalikan" bay hayup ere ah, may Bryce naman ako ok lang.



"Ah ganon? gusto mo siraan kita sa girlfriend mo? kwento ko kalokohan mo?" pag babanta ko.



"Hoy ano nanaman yun!" ines na sabi nya "sigi pag siniran mo kukwento ko den kay Bryce kalokohan mo" binato ko sya ng unan, epal eh "oh ano bunso dali game".



" Mommy si kuya oh nang aasar nanaman!" sumbong ko kay mommy na nasa kusina.



"Kenji yan ka nanaman ah, kukurutin ko singit mo" yeyyyy labyu talaga mommy.



Napakamot sa ulo si kuya "mommy si bunso naman nauna eh!" odiba, ang tatanda na namin pero ganto paden kami kay mommy, lalo na si kuya, jusko malapit na mag asawa nakapulupot paden sa mommy.



Nanonood kami ng movie habang nakain ng ice cream ng biglabg dumating si daddy "Hi daddy" tumayo ako at nag kiss sa kanya.



"Hi baby" nag kiss sya sa noo ko "oh Kenji, hiwala anak wala ka sa Hospital? akala namin don kana titira?" biro ni daddy.



"Pahinga muna daddy, baka namimiss nako ni Avi kakaawa naman" hinila ko buhok nya.



"Epal mo kuya no" ines na sabi ko.



"Avi baby nagkukwento ba sayo si Bryce?" seryosong tanong sakin ni daddy.



"Huh? hindi daddy bakit po?" kinabahan ako bigla.



"Edi hindi mo alam?"



"Syempre daddy ngayon mo palang sasabihin" kaloka naman tong si daddy.



Huminga muna sya ng malalim "Unti unti ng nawawala ang investors nila Bryce, at ang balita namin ay malaking pera na ang nawawala sa kompanya nila, kokonti nalang ang kinikita, pero nakakapag takha lang na hindi manlang satin sila lumapit" kinabahan ako bigla sa sinabi ni daddy, pero bakit hindi sinabi sakin ni Bryce yun?



"Eh paano nangyari yun? eh maganda naman ang takbo ng kompanya nila?" tanong ni mommy.



"Oo nga daddy chaka magaling naman mamahala ang daddy ni Bryce" dagdag pa ni kuya.



"Yun na nga den pinagtatakha namin" napabuntong hininga pa ang daddy "pero ang balita namin ay meron daw silang bagong labas na sasakyan, maayos naman daw nagawa pero ng ibenta na madaming bumili pero lahat ay nag reklamo, madami kaseng naaksidente at muntik ng maaksidente, bigla nalang daw nawawalan ng preno o dikaya naman ay biglang bumibilis ang takbo, madaming nasa hospital ngayon".



" Hala edi yung dagsang pasyente samin nung nakaraan ay baka dahil don sa ganong aksidente" kwento ni kuya "pero bakit nag kaganon eh maganda naman at maayos sila mag gawa?"



Nakakapag takha na nangyayari ang mga to, hindi ko lubos maisip na sa galing ni tito magpatakbo ng kompanya ay mangyauari sa kanila to.



Umakyat ako sa kwarto ko, napag desisyonan ko na tawagan su Bryce para mag tanong, naka tatlong ring bago nya nasagot.



"Hi baby, bat napatawag ka?"



"May hindi kaba sinasabi sakin Bryce?" tanong ko sa kanya.



Rinig ko ang bigat ng paghinga nya mula sa kanilang linya "siguro na kwento na ng daddy mo pero oo may problema ngayon sa kompanya namin pero kaya yun ni daddy"



"Pero bakit di kayo humingi ng tulong samin, kaya naman namin kayo tulungan, pede naman kami magpadala ng titingin sa mga sasakyan nyo, baka may mali lang pede pa makita yun"



"Ginagawan na naman ng solusyon ni daddy, wag ka mag alala baby pag kelangan na talaga namin ng tulong mag sasabi agad ako sa inyo" malambing nyang sabi.



"Osya sigi na, malalagpasan nyo yan, FIGHTING!"



Tumawa pa sya sa sinabi ko "i love you"



"I love you too" at pinatay kona ang tawag.

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon