Chapter 16

65 5 0
                                    

"i love you".

Nabigla den ako sa sinabi ko, hindi ko alam bat sinabi ko yon. Pero yon kase talaga yung nararamdaman ko para kay Bryce. Nadala ako sa nararamdaman konpara sa kanya, hindi ko pinag aralang mahalin sya, nagkusa ang puso kong mag bukas at papasukin sya.



Hindi agad sya nakapag salita, nanatili syang nakatingin sakin. Kinakabahan tuloy ako baka ako lang yung nag mamahal.



Ang hirap mag mahal ng taong hindi naman para sayo.



Yan ang kinakatakutan ko, pero handa akong sumugal para sa kanya. Nagtitiwala ako sa mga pinangako nya.



Kumurap kurap muna sya bago nakapag salita " Ha? mahal mo ako?" abot langit ang ngiti nya at tila ba hindi makapaniwala sa mga narinig nya.



"Oo Bryce" sabi ko at tumango tango pa sa kanya.



Umiwas sya sakin ng tingin bago tumayo "THANK YOU LORD!!!!!" sigaw nya kaya nag tinginan sila samin.



"Hoy Bryce, anong thank you Lord? bro baka masunog ka nako" pang aasar ni Julian sa kanya.



"Parang ang saya mo? eh nasira nga ung moment mo kanina? halik na naging pitik pa HAHAHA mahina ka dre" wow naman Paul grabe ah para namang sweet si Amber sa kanya eh tiklop nga sya sa kaibigan ko HAHAHA.



Nagulat ko ng bigla akong buhatin ni Bryce at dahil muli sa dagat, binaba nya ako ng nasa tubig na kami "mas mahal kita" yumakap sya sakin at isinubsob ang mukha sa leeg ko.



"Hoy hindi ibig sabihin na mahap na kita eh tayo na ha, dikapa tapos manligaw HAHAHA" biro ko sa kanya.



Tinawanan nya ako sa hinawakan ako sa pisngi "hindi ako nagmamadali, 3 years nga na hindi ka nakakausap nakaya ko nao pa kaya ngayong mahal mo narin ako" humalik sya sa noo ko "araw-araw kitang liligawan kahit maging tayo na, kahit pumuti na ang buhok nating dalawa"



Naligo lang kami saglit at umahon na den ng mag gabi na dumaretso muna kami sa kwarto namin para magpalit. Nagsuot lang ako ng color pink na dress na hanggang kalahati lang ng hita ko.



Lumabas si Bryce galing bathroom, naka suot sya ng brown button-down polo shirt white short.



"Tara na gutom nako HAHAHA" pag aya ko sa kanya.



Pag dating namin sa table ay nandon na sila Julian na mga na ccellphone nanaman, si Paul at Amber nalang ang kulang, mukhang nagbabangayan pa ata ang dalawa.



Pag dating ng dalawa ay sinalubong sila ng sermon ni Brent "mygad bat ang tagal nyo gutom nako buti diko nakain tong mga to".



" Pano lase tong si Paul ang daming arte, daig pa babae, bakla ata to eh" mukhang may topak nanaman si Amber.


Agad namang nag reklamo si Paul "hoy anong bakla? hindi ako bakla, sa gwapo kong to? dino, magugustuhan banaman kita".



"Tigilan nyo na yan gutom nako, awayan ng awayan pag karurupok den naman" ako na ang pumigil sa dalawa dahil magkakahaba nanaman dahil hindi naman magpapatalo tong dalawa.



Pagkatapos namin kumain ay nag aaya sila mag laro ng spin the bottle pero nagpaalam muna ko na mag ccr lang muna.



Pag pasok ko ay humarap ako sa salamin at inayos ang sarili, naglagay ako ng konting lipstick. May babaeng tumabi sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa pero sya mukhang paa.



Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon