Hindi ako mapakali habang palabas kami ng bar, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi nya sakin. Hindi ko inaasahang sasabihin nya yun. Tama ang sinasabi nila sakin, pero bakit ako, bakit sa dinami rami ng babae, bakit sakin sya nagkagusto.
Tumigil kami sa paglalakad ng makarating kami sa parking ng bar na ito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobrang bilis dahil sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikaw tuwa or makaramdam ng takot.
Binasag ni Bryce ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa "ahmmm Aviana, ok kalang?" nag aalalang tanong nito sa kanya ngunit nanatiling sa langit nakatingin.
"Oo ok lang ako, salamat nga pala kanina" hindi din ako makatingin sa kanya, pero kelangan kong linawin ang mga sinabi nya kanina para matahimik na ako.
"Ahmmm, Bryce ung name mo diba"
"Ha? oo Bryce, Nicholas Bryce Mariano" pormal nyang pagpapakilala.
"Tungkol nga pala don sa sinabi mo dun sa manyak na lalaking yun, seryoso kaba don?" nahihiya kong tanong sa kanya.
Humarap sakin si Bryce at tinignan ako sa mata "tara alis tayo dito" nabigla ako sa sinabi nya.
"Haa? san naman tayo pupunta, chaka pano ung mga kasama mo? baka hanapin ka nila"
Ngumiti sya sakin "hindi yan, tara na"
Hinila nyako papunta sa kotse nya, pinagbuksan nyako ng pinto. Wala akong alam kung san man kami pupunta, ang nasa isip ko ngayon ay ang malaman kung totoo ba ang mga sinabi nya. Habang nasa byahe ay wala samin ang nagsasalita, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Tumigil ang sasakyan sa lugar kung saan payapa. Tanging mga puno lang at kung ano ano pang halaman nag nandito. Ang ganda ng lugar, matatanaw mo ang mga gusali na nagliliwanag dahil sa mga ilaw.
Naglatag ng kumot si Bryce sa lupa at umupo don "Aviana lika dito" tinuro nya ang pwesto sa tabi nya at agad naman akong sumunod sa gusto nya. Umalis sya sa pwesto nya at may kinuha sa sasakyan. Nilabas nya ang mga pagkain at nilagay sa pwesto namin.
"Uy kain ka ha, baka magutom ka eh" nakangiti sya ng sabihin nya yun.
Nagsimula akong kumain at oagkatapis ay uminom at nahiga. Kanina pang nakahiga si Bryce sa tabi ko, parehas kaming nakatingin sa madilim na kalangitan na binibigyan ng liwanag ng buwan at mga bituin.
"Tungkol nga pala don sa sinabi ko kanina, lahat ng yun totoo" nagulat ako hindi dahil sa nagsalita sya, nagulat ako dahil sa mga sinabi nya.
"ha? totoo?" umupo ako at tumingin sa kanya.
Umupo din sya at timingin sa aking mga mata "oo lahat yun totoo, matagal na kitang gusto, ilang taon na pero hindi ko magawang lumapit sayo dahil natatakot ako na baka hindi moko pansinin, masyado pa tayong madaming kailangang gawain kaya hindi muna ako lumapit sayo, pero ang makita kang binabastos ng iba ay hindi kona kayang palagpasin pa".
"Pero bakit ako? bakit ako ang nagustuhan mo?"
"Kelangan ba talaga ng rason para magkagusto sa isang tao? hindi paba sapat na iba ang sayang nararamdaman ko kapag nakikita ka?" nakangiting sabi nya sakin.
Muli akong humiga sa tabi nya, hindi ako makapaniwala na may gusto talaga sya sakin "omygadddd, nalilito paden ako".
" Isipin mo nalang, sa buhay mo, may isang lalaki na pinapangarap kang makasama, handang mag antay hanggang sa maging tama para sayo, na mayroong isang lalaki na handa kang ipaglaban at ipagsigawan sa buong mundo na may gusto sya sayo"
Sobrang sarap sa pakiramdam na may gantong lalaki pa pala, na may handang mag antay sakin hanggang sa oras na pede na. Hindi ko inaakala na dadating ang panahon na may lalaking magsasabi nito sakin.
"Ano bayannnn, ang tahimik, kwento ka naman Bryce para naman makilala kita" natatawa ako ng sabihin ko un dahil kanina pa kaming tahimik na dalawa.
"Anong gusto mong ikwento ko?"
"Ikaw, sino kaba?" pang aasar ko
"Ako? Ako si Bryce na hulog na hulog sayo HAHAHAHA"
Parang may kung anong kuryente ang dumalaw sa buong katawan ko. May tuwa akong nararamdaman kasabay ng pag uunahan ng tibok ng puso ko. Iba ang naging dulo sa pakiramdam ko ng sabihin nya yun, pabiro man ngutin mararamdaman mo ang sinseridad sa pag kakasabi nya.
Hinampas ko sya ng bahagya "ikaw talaga sari sari kana no HAHAHA"
"Hoy totoo yun" nahiga narin syang muli sa tabi ko "3 years nakong may gusto sayo, madalas kapag may pupuntahan ka lagi parin akong nasa likod mo, naaalala moba nung nag inom kayo? birthday ata yun ng kaibigan mo tapos mag isa kang pupunta ng parking tapos natumba ka sa kalasingan? HAHAHAHA"
"Tapos pag gising ko nasa bahay nako?" natatawang nahihiya ako.
"Oo yun HAHAHHA ako ang naghatid sayo sa bahay nyo, binuhat kita papasok sa kotse mo tapos ako nag drive tapos pagkarating ko sa inyo, nag doorbell ako tapos umalis nako HAHAHA ayokong magpakita sa pamilya mo muna baka anong isipin nila, basta ang mahalaga ay ligtas kitang naihatid, akala ko nga ihahatid ka ng kaibigan mo eh kaso nauna pala sila" tawang tawa sya habang nagkukwento.
"Pero alam mo nahalata ka ng mga kaibigan ko kaso di ako naniwala HAHAHAHA"
"Talaga? bat dika naniwala?" kunot noong tanong nya sakin.
Humarap ako sa kanya "Bakit? dahil gwapo ka, imposibleng magka gusto ka sakin".
Hindi agad sya nakapag salita dahil ata sa sinabi ko, abay totoo naman na gwapo sya. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagngiti nya na pinipigilan nya at umiwas sakin.
" Totoo bayan? HAHAH" mygad di wag ka maniwala hahaha.
"Humarap kana ba sa salamin" tanong ko sa kanya at agad syang tumango "edi alam mong gwapo ka"
Lumipas ang sigundo, minuto at oras na tahimik kaming magkasama, parehas na nakatingin sa magandang kalangitan. Sa buwan at bitwing nagsisilbing liwanag at palamuti sa itaas. Hindi kona namalayang naka tulog na pala ako.
NAGISING AKO kinabukasan na nasa loob na ng kwarto ko. Hinatid siguro ako dito ni Bryce. Bumaba na ako para mag breakfast, si daddy palang ang nasa lamesa at si mommy naman ay nasa kusina pa. Medyo kinakabahan ako baka mag tanong sila sakin.
"Sino yung lalaking naghatid sayo kagabi?" at ayan na nga nag tanong na nga.
Humarap ako kay daddy at daretsong tumingin sa kanya para kunwari di ako kinakabahan hahahaha "ah si Bryce po kaibigan ko".
"Kaibigan ha?" tumatawa tawa si daddy, minsan talaga lakas ng sapak nito eh "Bryce ano?"
"Nicholas Bryce Mariano po daddy".
Nagulat si daddy sa sinabi ko "ang anak ni Theodore Mariano?" dami namang tanong mygadd.
"Opo daddy bakit po?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Lalong tumawa si daddy " aba anak hindi moba yun kilala? sila lang naman ang nag ma may ari ng Acing Star Group of Companies. Yan ang pinaka malaking kompanya sa Asia"
Omygadddd, anak sya ng nagmamay ari ng pinaka malaking kompanya sa asia? mas malaki sa kompanya namin? omygaddd shems! lamunin ako ng lupa! HAHAHAHA
____________________
Hi!! salamat po sa pag babasa ng unang story na ginagawa ko, pa vote po kung na eenjoy nyo!
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romansa"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...