Chapter 7

153 7 0
                                    

Habang nanonood kami ay hinahanda kona ang sarili ko sa oras na tanungin ko sya mamaya. Eto na ang oras na pinaka hihintay ko, ang simulan ng iparamdam sa kanya ang labis na pag ibig ko.

Papalabas na kami ng sinehan ngayon nang hilahin ko ang kamay nya "ahmmm, Aviana may itatanong sana ako" kinakabahan ako pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko lalo napag itong babaeng ito ang kaharap ko.

"Pwede bang---"

"pwede bang ano?" tanong nya sakin.

Lumuhod ako sa harapan nya, dalawang tuhod ko ang nakalapat sa sahig "binibining aking iniibig, maaari ba kitang ligawan upang maiparamdam ko sayo ang labis kong pag hanga sa taglay mong kagandahan at ang pagmamahal kong sa iyo lang nakalaan"

Nagulat sya sa pagluhod ko sa harap nya di makapaniwalabsa tanong ko.

"omygad Bryce wag mokong binibigla ng ganan" mangiyak ngiyak nyang sabi "teka bakit dalawang tuhod ang nakaluhod sayo?" tinatawanan nyako ngayon dahil sa itsura ko pero.

"dahil nangako ako sa sarili ko na luluhod ako sa harapan mo ng iisang tuhod kapag handa ka ng pakasalan ako" mas lalo syang nagulat at namula dahil sa mga sinabi ko, hindi koto sinabi para mapa oo sya, sinabi ko ito dahil ito ang totoo, gusto ko syang makasama habang buhay.

"Aviana!! pumayag kana!"

"Kung ako sayo oo ang sagot dyan"

"Sis bilis baka biglang mag bago isip nan"

"be break den kayo"

"huwaaa sana all"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ng mga tao, nakatutok lahat ng atensyon ko kay Aviana, kinakabahan ako baka hindi sya pumayag per hindi ako susuko, hinding hindi ako susuko.

Hinawakan ni Aviana ang kamay ko at pinatayo ako "may magagawa paba ako eh eto kana sa sarap kot pinapasaya nako, syempre oo"

Thank you Lord!!! sa wakas nasabi kona, at pumayag sya. Parang gusto ko mag janitor dito sa Mall sa sobrang saya.

"YES!!!!!" hindi ako nahiyang sumigaw at agad ko syang niyakap, nagriliian ang mga masa paligid namin.

"Ang swerte naman ni ate ng pogi ni kuya"

"Bagay na bagay sila, sana all talaga"

"Ang sweet ni kuya ngayong nanliligaw palang sya, pano pa kaya pag sila na"

"SANA ALL MAY JOWA"

Nagtawanan ang mga tao sa mall dahil don sa sumigaw. Pero hindi kong magawang tumawa dahil hindi mawala ang ngiti saking mga labi dahil sa mga nangyari ngayon.

Nagpatuloy kami sa paglilibot dito sa mall ng mapatigil kami sa isang laruan dito, pumasok kami sa loob at bumili ng token. Tumigil kami sa isang claw machine na ang laman ay We Bare Bears, eto pala gusto ni Aviana edi sana sa Miniso nalang kami pumunta para madali HAHAHA pero syempre handa kong paghirapan mapasaya ko lang sya.

Sa unang subok ay hindi ko nakuha dahil nalglag "ano bayan bat nabitaw" parang bata si Aviana ng sabihin na yan na ikina ngitinko, ang cute talaga nito.

"Ako hindi kita bibitawan" sabi ko at muling sumubok, sa pagkakataong to ay nakuha kona si ice bear.

"Yeyyyy!! ice bear" nagtatalon sa tuwa si Aviana ng makuha namin si ice bear sa claw machine.

Tumatawanv lumapit samin si Brent "Tihh dimo naman sinabi yan pala gusto mo, edi sana pumasok na tayo sa miniso"

"He! eto gusto ko etoooo" parang bata talaga.

nag punta kami sa basketball na part ng lugar na ito ng mahagip ng paningin ko si Aldrin. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo, hindi kopa nakakalimutan ang paglapit mo sa prinsesa ko ah, humanda ka sakin.

"Hi Aviana! tagal kitang di nakita ah, na miss mobako?" kapal ng mukha mo ah, ako miss nan hindi ikaw, sipain koto eh.

"Hi Aldrin, hindi kita namiss HAHAH jk" ano ka ngayon barado ka, tanong pa.

Tumawa si Aldrin at mas lumapit kay Aviana "Kasama mo pala mga kaibigan mo eh" tumingin sya sakin, oh ano gwapo no? "sino to? bago mong friend?" tanong nya.

"Ah eto nga pala, Bryce si Aldrin, Aldrin si Bryce--" hindi kona pinatapos ang sasabihin nya.

"Future husband ni Aviana" pagmamayabang ko.

"Ang damot naman ng Bryce, gusto kanya kalang ayiehhhh"

"Oh diba may gusto ka kay Aviana diba Aldrin" asar na tanong ni Camilla.

"Ha?oo, gusto lang naman eh" nagaalin langang sagot nya.

Tumawa si Amber at bahagyang lumapit "pano bayan naunahan lana ng manok ko, bagal mo kase eh"

"Dipanga sila sila kasal eh, may chance pa" pikon na ang bebe syokoy.

Tumawa ako para maasar sya, sige mapikon kalang " sayo na nanggaling hindi PA, ibig sabihin hindi pa kase nagpaplano PA at lumayo ka sa kanya at baka maPA, ikaw na bahala mag isp kung ano ung pa"

"Ay alam ko ung pa! PAnget ka" pang asar talaga tong Brent pero ayos yan.

"Oh ano tara basketball tayo" mayabang nyang pag aya sakin.

Tumingin muna ako kay Aviana at "Tara, gusto mo atang mapahiya" pakikisakay ko sa trip nya.

Nagsimula na kaming maglaro at nasa tabi ko lang si Aviana, Ang mga kaibigan nya naman ay kanya kayang tingin samin habang naglalaro, mali ka ng inaya Aldrin. Sa lahat ng gusto moko kalabanin don pa sa larong kaya kaya den kitang laruin.

Natapos ang laro at nanalo ako, 83 points ang meron akonat sya naman ay 67.

"Ang galing mo naman pala talaga mag basketball" bati sakin ni Aviana na agad na kinasimangot ni Aldrin, ayos lang yan manood kalang para lalo kang masaktan.

"Nice game boys, pero team Bryce padin ako" sabi ni Kylie at umirap kay Aldrin. Ako namana y tahimik na pinapanood lumabas si Aldrin, sabi ko naman sa kanya mapapahiya lang sya eh.

Nagpatuloy kaming mag laro hanggang sa mag aya ng umuwi si Aviana.

"Bryce tara na umuwi inaantok nako" sabi nya at naghihikab na.

"Guys tara na umuwi pagod na si Aviana" nag tanguan naman ang mga kasama namin at naglakad na papuntang parking ng mapansin kong iba na ang pag lakad ni Aviana.

Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya mag lakad "ok kalang ba?" tanong ko sa kanya at inayos ang buhok nya.

"Medyo masakit na kase ang paa ko" bat kase sya nag heels, ito talaga nako.

"bubuhatin na kita, sa susunod ng gala natin wag kana mag heels, ayokong nahihirapan ka" agad ko syang binuhat at bitbit ng isang kamay ko ang heels nya, pagdating namin sa tapat ng sasakyan ay chaka ko lang nakita na nakatulog na pala sya, napagod nga siguro to.

Naihatid ko sya sa kanila at agad din naman akong umuwi dahil may pasok pako kinabukasan ng maaga. Tulog na ang mga tao samin kaya nag daretso nako sa kwarto. Naligo ako at saka napagpasyahang matulog, pero nag chat muna ko kay Aviana.

To: Aviana

Gaano man karami ang babae dito sa mundo
Iisang lang ang nagpapatibok ng puso ko
Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan
Gaano man kahirap ay handa kitang ipaglaban.

Goodnight Aviana


















_________

Goodnight!! 💖

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon