Chapter 11

133 9 0
                                    

So yun na nga nandito na kami samin tapos si daddy ung unang nakakita namin pero bakit ganon? dati naman lagi syang galit or masungit pero bakit pag kay Bryce ok lang?



"Bryce nandito kana pala! halika umupo kana dito kakain na tayo, pinagluto kita!" aba at tuwang tuwa pa ang mommy ko, anong nangyayari.



"Good evening tita! paganda kayo ng paganda ah" huh? close na sila?



Tumawa sa kanya si mommy at medyo hinampas hampas ang braso nito "ikaw na! paganda pero patanda den, alagaan mo maige ang baby namin ah!"



"Oonga alagaan mo yang prinsesa ko! sinasabi ko sayo Bryce, alam mo ang kaya kong gawin kapag sinaktan mo yan" haluh?! pati banaman si kuya?




"Teka nga! wait! saglit hinay hinay" pag pipigil ko sa kanila "bakit ganan kayo?"




"Anong bat ganto kami anak?" tanong ni daddy, painosente sila huhuuu.




"Ayan ganyan, diba? pag may gusto saking mang ligaw, galit kayo? odikayaaaa palalayasin nyo, yung huling nanligaw sakit nabalitaan ko pinabugbog nyo pa? pero bakit kay Bryce? tuwang tuwa kayo?"




"Bakit ayaw moba Aviana?" tanong ni Bryce at nagpapacute pa.



Hinawakan ko sya sa buhok at medyo sinuklay un "hindi sa ganon Bryce, nagulat lang ako kase hindi naman sila ganya"



Tinawanan nyako at saka humawak sa tagiliran ko "mamaya nako mag papaliwag"



Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Bryce, anong ipapaliwanag? mygad sumasakit ang ulo ko sa kanila.



"Bro kelan ka pala nag tanong sa kapatid ko para mang ligaw?" tanong ni kuya habang nakain.



"Nung nag Mall kami, September 7 sa labas ng cinema, biglaan eh HAHAHA" sagot sa kanya ni Bryce na para bang close na close talaga sila.



"Anak kelan mo sasagutin si Bryce?" tanong ni mommy.



Nasamid ako sa tanong ni mommy juskooooo.



Agad akong inabutan ng tubig ni Bryce at medyo tinatapik ang likod ko, sila daddy naman ay nagtatawanan kaya lalo akong napasimangot sa kanila.



"Ewan koba sa inyo, ang weird nyo ngayon ahhh" inis na sabi ko.



"Kahit gano pa po katagal tita, handa akong antayin ang anak nyo" sabi nya habang nakatinhin sakin.



Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nya, lagi syang ganto, napaka sweet nya at lahat ng sinasabi nya mararamdaman mong totoo.



Pagkatapos namin kumain ay nag aya si Bryce sa garden, magpapaliwanag daw ang loko. Umupo kami sa damuhan, para romantic hehe.



PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN NI AVIANA AY INAYA KONA SYA SA GARDEN NILA PARA MAGPALIWANAG.



"Ah Aviana sigurado akong naguguluhan ka perooo" tumingin ako sa kanya "hayaan mokong magkwento".



"siguraduhin mong matutuwa ako ha"



"3years ago kase..."



F l a s h b a c k



Matagal na kaming magkaibigan ni Kenji, nakilala ko sya sa basketball, pero sa tuwing inaaya nyakong pumunta sa kanila laging wala si Aviana, ayokong makita nyako kase nahihiya ako pero hindi pedeng malaman ni Kenji na may gusto ako sa kapatid nya.



Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon