Chapter 14

90 6 0
                                    

"Gurl bilisan nyo naman oh! excited nako ano banaman yan!" hanep talaga tong si Kylie eh. Parang unang beses nya palang makakapunta sa Island nila.


"So ano? ako nanaman mag isa? kayo? susunduin kayo dito ng mga bebelabs nyo? oedi sana all may jowa!" nag inarte nanaman ang bakla HAHAHA pano kase sya lang walang partner "bilisan nyo na baka ang mga fafi nyo magsidating na, kaloka kayo".


Pagbaba namin ng hagdan ay nandon na sila Bryce, syempre ngiting ngiti nanaman sila. Ang gugwapo talaga, pero pinaka gwapo ang Bryce ko.


Oh? nandito paden ang abno kong kuya? " Hoy Bryce, pag yang kapatid ko napahamak ha, ililibing kita ng buhay, papatayin talaga kita" sus daming sinabi mamimiss lang naman ako.


"Matagal nakong patay, patay na patay sa kapatid mo" huwaaa!! enebe! pede bang isa pa?


"Ang haharot nyo baga, tara na baka langgamin pa tayo dito" pag iinarte ni Amber.



"Nandito naman ako ah! dibako sweet? kulang paba Amber? ouchhhh" sizttt omygadddd bat ganan na ang mga lalaki ngayon? parang lahat bakla.




Binatukan ni Amber si Paul na syang ikinatawa namen, hanep ng akala ko nung una magiging sweet tong dalawa, asot pusa den pala.



So dahil abno kami nag kotse lang kami pero may kanya kanya kaming driver para di mapagod ang boys sa pagdadrive ng malayo. Mas gusto daw kase nila ang ganto kesa mag eroplano.



Kasalukuyan ako ngayong naka harap sa may bintana pero dahil mahaba pa ang byahe matutulog muna ako. Hindi ko alam kung anong pwesto ang gagawin ko buti nalang napansin ni Bryce yun ehehe "humiga ka na sa hita ko, wag ka mag alala may unan HAHAH" pede bang wala ng unan? chiki HAHAHHA.



"Eh baka mahirapan ka? pano ka tutulog?" teka syempre pakipot muna unti.



Nilagay nya na ang unan sa hita nya chaka ako hinila pahiga, wala nakong nagawa dahil inaantok naden naman ako. Habang nakapikit ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, sinusuklay suklay nya ng kaliwang kamay ang buhok ko habang ang kanang kamay ay nakayakap sa bewang ko.



Hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil ewan ko den HAHAHA basta nagising ako yun ang mahalaga. Pag mulat ng mga mata ko ay nakita ko ag gwapong mukha ni Bryce, nakasandal sya at nakapikit, nanatili ang mga kamay nya sa ulo at bewan ko.



Bumango ako para sya naman ang patulugin ng ayos dahil di na ako inaantok, nagising sya sa pag bangon ko dahil nga naka yakap sya sakin.



"Oh bat gising kana? tulog kapa dito malayo pa naman tayo" napana alaga talag nito huhuuuu.



Nginitian ko sya dahil sobrang sarap sa pakiramdam na ganon sya "ikaw naman ang matulog, mahirap po ang matulog ng naka upo masakit sa likod" kinuha ko ang unan na nasa hita nya at inilagay naman sa hita ko.



"Baka mahirapan ka eh wag na ok lang ako promise"



"Dalina isa" sinamaan ko sya ng tingin kaya pambilis sya ng higa, takot talaga.



Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko dahil sa posisyon namin. Nakahiga sya sa hita ko pero nakayakap sakin ang kanang braso nya, habang ako naman ay sinusuklay nag buhok nya gamit ang kanang kamay at ang kaliwang kamay ko naman ay kinakalikot ang mukha nya, ang gwapo kase eh huhuuu, ang tangos ng ilong at ang lambot ng labi.



Ang sarap.



Mahalin ehehehe.



Naramdaman ko lang na nakatulog sya ng medyo lumuwag ang pagkakayakap nya. Pinakatitigan ko ang halos perpekto nyang mukha, hindi na nakakapag takha kung dumating ang oras o araw na magkaron ako ng kaagaw sa kanya. Kahit ako maikipag agawan ako makuha ko lang sya, wala na kong hihilingin pa dahil lahat ay nasa kanya na.



Tumigil ang sasakyan namin para kumain dahil mahaba ang byahe at gutom. Nandito kami sa Jollibee ngayon ewan ko bat dito nila napili kumain.



Hindi ko alam kung pano ko gigisingin si Bryce dahil ang sarap ng tulog nya, ng mapansin ng mga kasama namin na hindi pa kami makababa ay lumapit sila samin. Syempre di nila kita yung posisyon namin kaya laking gulat nila ng buksan ni Brent ang pinto.




"Omygad!!! ayiehhhh ang sweet" ang ingay talaga ni Kylie.



"hanep ah napaka tamis"



"Shemsss sana sakin nalang nakahiga si fafi Bryce!" heyop talaga tong baklang to.



Hindi ko pade alam kung pano ko sya gigisingin kase baka topakin sya pag nasira ang tulog nya kaya nag tanong ako sa kanila "pano ko to gigisingin? huhuuu"



"Ah teh tapikin mo baka magising tapos kanta ka den ng lullaby song" langya ang hirap kausap ni Camilla "malamang medyo tapikin mo!"



"Try mo kaya yugyugin" suggestion ni Amber.



"Wag mo nalang maya gisingin?" sabi ni Kylie.



"Ano teh ikaw lang kakain? ayaw mo pakainin si fafu Bryce? eh kung bigla yang magutom? ano kakainin nan?" may point naman si bakla.



"Edi kainin nya si Aviana!" amputek ng si Vince!



"Ay bet! rawrrr!" pag sang ayon naman ni Kylie.


Medyo lumapit si Brent kay Bryce "pero pede den naman ako nalang kainin mo eheee" anong ikaw? aken yan uy.



"Anong ikaw? aken lang yan!" pag lilinaw ko.



"Ayun naman pala! gusto den HAHAHAHA" pang aasar ni Vince pero sinimangutan ko lang sya pero pinagtawanan nila ko.



"Halikan mo nalang para di magalit pag nasira ang tulog" sarap namang maging tropa nitong si Julian napaka supportive.



Talaga ba? kiss ko nalang? yung iba kase kinikiss nila para di magalit pag magising eh, gagawin koba? gawin kona baka si Brent pa humalik dito maka patay pa ako.



"Halikan mona bilis gutom na kami" pag mamadali ni Paul.



"Napaka atat!" sigaw ko sa kanila.



Nagtatalon naman sa tuwa ang mga kaibigan ko at yung kaibigan namin ni Bryce ay tawang tawa.



"Teh ang bagal ha teka nga ako na hahalik" lalong lumapit si Brent at akmang hahalik kaya pinitik ko sya sa noo.



Napahawak sya sa noo nya "ano ba! bagal mo kase eh! biles jusko gutom na kami, pag ako talaga di nakapag pigil kakainin ko yang mga fafi nyo".



Lumapit ang mukha ko kay Bryce, kinakabahan ako sa gagawin ko pero bahala na, kelangan nya kumain pero natatakot talaga kong gisingin sya dahil iba magalit ang mabait.



Malapit ko na sya mahalikan ng mapansin ko ang pag ngiti nya na agad nya namang pinigil, pinisil ko ang ilong nya.



" Arayyyy!!!" sigaw ng loko.



"Para paraan ka ha, gising ka naman pala eh! mautak ka boi" asar na sabi ko.



Tinawanan nya lang ako chaka bumangon, inayos nya ang damit nya chaka bumaba at inalalayan ako.











____________________

Sorry po sa matagal na update masama lang po ang damdam ko.

vote!💖

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon