Chapter 1

368 26 0
                                    

     Pag mulat ng aking mata ay isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi, naalala ko na ito na ngapala ang huling taon ko sa kolehiyo, sa wakas matutupad kona ang mga pangarap ko, handa nakong marinig na tawagin akong Atty. Alessandra Aviana Capillan. Diba bongga, akalain mo nga namang makakatapos nako eh tamad naman ako, kaya kayong mga nangangarap, laban lang! walang susuko, magtatagumpay den tayo.



Yiehhh excited, kelangan pa naman mag law school HAHAHA, ilang years pa, pero lavarnn!!.



"ALESSANDRA BABY BANGON NA!!!" ayan nanaman ang maingay kong mommy, ang best alarm clock ko. Bumukas pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy, nakangiti at halatang mas excited pang pumasok kaysa sakin.



"Good morning mommy" tumayo ako sa kama at yumakap kay mommy. "mommy si daddy nasaan po?" nakangiting tanong ko.



"Andon na sa baba anak, tara na sa baba at inaantay na tayo ng daddy mo dun para kumain" inayos ko muna ang kama ko at naligo saka masayang bumaba ng hagdan, agad kong nakita si daddy sa aming hapag kainan.



"Good morning daddy!" agad na napalingon si daddy sa gawi ko at masayang sinalubong ako, humalik ako sa pisngi nya at saka sya niyakap.



"Good morning din baby" masayang wikang bati ni daddy. "excited kana bang pumasok? huling taon mona sa college, magkakaron nako ng anak na abogado, proud na proud ako sayo anak".



"Daddy hindi na ngapo ako baby eh, dalaga nako oh, magiging abogado na nga po eh hahahaha" sabi ko kay daddy "excited napo ako pumasok syempre kaso ngalang, kinakabahan ako kasi syempre ang hirap kaya mag abogado, masyadong madaming pinaglalaban, chaka kelangan kopa mag law school sooo ilang taon pa bago ko maging attorney talaga" natatawang sabi ko.



"Aba himala, maagang nagising ang prinsesa ko!" sabay sabay kami napalingon sa hagdan, agang aga ang ingay ingay nanaman ng kuya ko. "good morning attorney" bati nya sakin sabay halik sa pisngi.



"Alam mo kuya, ang ingay ingay mo agang aga" naka ngusong wika ko.



"Aba syempre naman, kelangan laging masaya" sagot nya sakin saka umupo sa upuan.



"Hoy para sabihin ko sayo Dr. Kenji Capillan, iba ang masaya sa maingay na unggou" inis na sabi ko. Ewan koba ganto talaga kami mag lambingan ng kuya ko sa umaga, banaman kase daig pa babae sa ingay nya, buti nga di naririndi sa kanya mga pasyente nya eh.



"Osya Aviana anak magdasal na at para tayo'y makakain na" wika ni mommy.



"Panginoon maraming maraming salamat po sa pagkaing nakahain ngayon sa aming harapan, sa mga biyayang natatanggap namin araw araw, sa inyong gabay at pagmamahal saming inyong mga anak, naway kami inyong patuloy na gabayan sa lahat ng oras at pagkakataon"



"AMEN" sabay sabay naming sabi at nagsimula ng kumain.



Pagkatapos kumain ay muli akong umakyat ng aking kwarto upang kunin ang aking gamit, sigurado naman akong si kuya ang maghahatid sakin, kahit gano pa kaingay si kuya mahal na mahal ko un, napaka swerte ko kaya, prinsesang prinsesa talaga ko kay kuya, ayaw na ayaw nyang masasaktan ako. Pagkakuha ko ng gamit ay agad nakong bumaba.



Kinuha ni kuya ang gamit ko "attorney akin na yang bag mo sumakay kana sa sasakyan ako maghahatid sayo"



"Yes doc" sumakay nako sa sasakyan ni kuya, eto nanaman, papel nanamn ang aking kaharap, wala eh, kelangan talaga pra sa pangarap hindi ako susuko, isang taon nalng oh, abogado nako, ngayon paba ako aatras.



20 minutes bago kami makarating sa school dahil medyo malayo ito sa aming bahay. Pagkarating namin ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko.



"HI ATTORNEY!!" tili ni Camilla, ang pinakamaingay sa tropa, ang future pediatrician namin.



"Eto talaga kahit kelan napaka ingay" biro ko sa kanya, napatingin naman ako kay Amber dahil parang may kung sino syang tinitignan mula sa malayo "Hoy babae ano namang tinitignan mo dyan, ikaw nagshashabu kaba? kanina kapang ganan ah" natatawang sabi ko sa kanya upang makuha ang kanyang atensyon.



Humarap sya samin "Hindi moba napapansin ung lalaki medyo malayo satin, ayun oh don sa may puno malapit sa building na un" tinuro nya ang building na kanyang sinasabi, sa pag kakaalam ko ay don nag roroom ang mga magpupulis "alam mo noon kopa kase napapansin ung lalaki na nakatingin sayo, kung nasaan ka, andon den sya, naaalala moba nung umuwi tayo ng gabi na tas nakainom tayo, nakita ko den sya non eh, dikaya crush ko non?"



"Alam mo ikaw nakashabu ka nga no, ayan ka nanaman sa mga hinala mo eh" sabi ni Camilla sa kanya.



"Pero malay nyo naman totoo natong sinasabi ni Amber, ayaw mo non mag kakajowa ka ng pulis whahahaha" natatawang sabi ni Kylie na nakatingin din sa lalaki.



"Anong pulis? ulaga ka hindi yan pulis kelan kapa nakakita ng napasok diyan na pulis?" sabagay oo nga naman, weyt lang may ganon ba dito sa UST? ay hatdog wala akong alam HAHAHA



Kung matagal na syang binabantayan ng lalaking to bakit hindi manlang nya napansin or naramdaman, o dikaya kinausap na sya kung talagang may gusto sa kanya.



"Alam nyo kayo puro kayo kalokohan, kung may gusto yan sakin lalapit yan ano banaman kayo" nakasimangot ako ng sabihin ko un upang hindi nila mahalata na medyo nagka interes ako, syempre pag nalaman nila turuksuhin nila ko, ganan naman sila eh tapos tutulak tulak kapa, medyo nakakahiya kaya whahahah.



"HOY NICHOLAS BRYCE MARIANO ANG KAISA ISANG ANAK NG NAGMAMAY ARI NG SIKAT NA KOMPANYA SA ASIA AY TILA BA NASISIRAAN NA NG BAIT" nagulat ako ng sigawan ako ni Julian, hanep talaga to eh kalalaking tao kung makasigawa daig pa babae "ayan kananaman sa kahibangan mo pre, alam mo kung ako sayo lalapit ako kay Aviana at sasabihin kong matagal kona syang crush, kalaki mong lalaki tapos torpe ka whahahaha".



Binatukan ko sya ng medyo malakas "ang ingay mo ano kaba pagsayo may nakarinig bugbog ka talaga sakin".



"Bat kase hindi mopa ligawan, sa tingin ko naman bagay kayo eh, sino bang babae ang hindi mo napasagot eh halos lahat ata nagkakandarapa para lang mapansin mo eh" nagtatakang tanong nya sakin.



Hindi ko sya sinagot at naglakad na kami papunta sa room. Sa totoo lang hindi sa natotorpe ako pero hindi kase ito ang plano ko, hindi pa ito ang tamang oras para magpakilala sa kanya. Nang
makaupo ako sa may bandang likuran ay sinagot kona ang tanong sakin ni Julian kase sa ingay nito hindi to titigil.



Humarap ako sa kanya "Hindi pako karapatdapat sa kanya sa ngayon, may mga bagay pakong dapat ayusin bago ko sya lapitan, ayoko naman na lalapit ako ng hindi sigurado, ayoko namnag saktan un mukha naman syang mabait talaga"



"Sa bagay pre, gago ka kase eh whahahah sa dami ng niloko at pinaiyak mo hindi ko den sigurado kung papansinin ka nyan" napapaisip nyang sabi "pero sa tingin ko naman nag bago kana, ilang taon monaden yang binabantayan ha hanggang ngayon hindi nawala ung nararamdaman mo, mas lumala pa nga ata whahah pre  baka naman mabaliw kana ha"



Hindi kona sya pinansin dahil pumasok na si Mrs. Ancayan, pero hindi paden mawala sa isip ko si Aviana. Siya lang ang kaisa isang babae na nakakapag pasaya sakin kahit hindi ko sya nakakausap, makita ko lang sya nawawala lahat ng pagod ko.















_______________________

THANK YOU SA MGA NAGBABASA 💖

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon