Habang nasa byahe kami hindi ako mapakali, bakit ba kase biglaan tong gusto ni Bryce eh. Di manlang ako nakapag handa, buti nalang may baon akong damit na maayos. Unang beses to mangyayari sa buhay ko, di pa naman kase ako nagkakaron ng relationship noon na kagaya nito, sabagay di pa naman kami ni Bryce pero ay basta kinakabahan ako! HAHAHA baka kase di nila ko magustuhan o baka may iba silang gusto para kay Bryce.
"Avi..." tawag sakin ni kuya, tinaasan ko naman sya ng kilay "kinakabahan kana no HAHAHA" hindi ko alam kung nagtatanong ba sya or nang aasar lang.
"Wag ka kabahan" pinisil pisil pa ni Bryce ang kamay ko, sana naman next time iba na pisilin nya, yung pisngi ko naman, wag kayong madumi mag isip "magugustuhan ka nila, mamahalin ka nila, at kung hindi man, walang mababago, mahal padin kita".
"Bat naman kase biglaan ihh" hindi ako mapakali, pakiramdam ko anytime maiihi ako sa kaba "di ko tuloy nahanda yung sarili ko, galing pa man din tayong EK gara ng tubig don!"
Inamoy nyako bandang ulunan ko "mabango kapaden naman ah? ako nga yung ligong ligo don sa tubig hayop HAHAHA" pano kase sa lahat ng rides na may tubig, sya ang nababasa.
"Ano bayan ang tahimik" puna ni ate, ang tahimik naman kase talaga di ako sanay.
"May naisip ako!" ayan nanaman ang kuya ko "kanta nalang tayo" aya nya samin.
"Maganda yan, sige ganto sagutan tayo ng kanta" dagdag ni Bryce "una ka bro, anong kanta mo para kay ate Jeanne, tas pagkatapos sasagutin naman nya yung kanta mo, tapos chaka kami ni Avi".
"Osige sige" umasta pa ang kuya ko na parang nag iisip "ah alam kona" may binulong sya kay Bryce na hindi ko narinig at inabot ang gitara.
"Game na ah" sabi ni Bryce at sinimulan na ang pagtugtog ng gitara.
"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you" hinawakan ni kuya ang nga kamay ni ate, nakakatuwa lang na nakikita ko na masaya talaga sila sa isa't isa, wala nakong mahihiling pa para kay kuya kung hindi ang maging masaya sya.
"I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go
But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take some time to lend an ear
To this ordinary song" ang ganda talaga ng boses ni kuya, sa family namin sya ang may pinaka magandang boses, sunod si daddy tapos ako pero hindi ako gaano nakanta, si mommy naman ay walang hilig sa pagkanta.
"Parang tanga to! HAHAHAHA" biro ni ate pero namumula sa kilig.
"Kilig ka naman" asar ni kuya "pano bayan? anong sagot mo?" tanong.
May binulony den si ate kay Bryce siguro yung kanta dahil nakanta kame HAHAHA.
Nagsimula na ulit tumugtog si Bryce kasabay ng pagkanta ni ate "You always ask me
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...