Pag gising ko ay napangiti agad ako sa pwesto namin ni Bryce, naka yakap sya sakin at ang mukha ay nanatiling nasa leeg ko, bali yung kanyang katawan ay medyo naka dagan sakin, gets nyo? HAHAHAHA.
Nakakaloka ang ganap kagabi jusko eksena talaga yung pesteng yun, pero inaamin ko sa sarili ko na nagalit talaga ko kagabi, putris naunahan pako halikan si Bryce. Teka halik? amputek!! hinalikan ko nga den pala si Bryce kagabi huhuu, nagustuhan nya kaya? banaman kase Aviana eh! bat ko nga ba sya hinalikan? peste talaga yung babaeng yun buset nainggit tuloy ako, isa pa nga WAHAHAHA.
Sinuklay ko ang buhok ni Bryce gamit ang daliri ko, ang gwapo talaga, kung ganto banaman makikita mo pag gising mo edi buo agad araw mo jusko. Habang pinaglalaruan ko ng buhok ni Bryce ay tumunog abg cellphone ko, kinuha ko yun. 5 AM lang pala? bat ang aga ko nagising. May text sakin si Camilla na agad ko namang binasa.
From: Camilla
Hoy napaalis na namin yung Cat na yun, akalain mo nga namang mayaman pala yung kutong lupang yun.
Buti naman napaalis na nila, ayokong masira ang bakasyon namin dahil lang sa petseng yun.
To: Camilla
Buti pumayag? eh ang lakas ng topak non eh.
From: Camilla
Sus nag wawala nga kanina bat daw sya pinaalis, ay anong gusto nya? tayo umalis? sipain kopa sya HAHAHA.
Attitude talaga tong si Camilla eh HAHAHA pero hindi naman sa lahat ng oras, depende padin sa sitwasyon o sa taong kaharap nya.
To: Camilla
Hoy may kukwento ko wag mo muna sasabihin sa kanila ha! kukutusan kita sinasabi ko sayo nako.
From: Camilla
Oh ano yun? nag away kayo ni Bryce? Break na kayo? WHAHAHA.
To: Camilla
Shunga!
To: Camilla
Nagkiss kami kagabi, unang beses yun! ako nga humalik, nainggit ata ako kay Cat HAHAHA.
From: Camilla
OMG!!!! SHEMSSSS!!!
From: Camilla
Talaga? depunggal ka ang landi mo uy!
From: Camilla
So ano nga? masarap? ano lasa? sana all may nahahalikan.
To: Camilla
Oo masarap! inggit ka? kiss mo si Julian! HAHAHAHA.
From: Camilla
Amputek eto nga ang heyop tulog na tulog naka yakap pa sakin.
Sa wakas nag ka jowa na den si Camilla HAHAHAHA ilang taon na tong nganga, pero sila na ngaba? sabagay kami nga di Bryce dipa naman kami pero sweet na, ay bahala na ang mahalaga masaya si Camilla.
From: Camilla
Pero wag ka, ganda ng katawan. Dipala to natutulog ng di hubad edi eto kitang kita ko ang kagandahan ng katawan! langya ang sarap!
Ay ang lande bat ganon, kaibigan koba to? HAHAHAH.
To: Camilla
Hoy! napaka kire nito HAHAHA osya maglaway ka muna sa katawan ni Julian.
Binuksan ko yung IG ko para malibang, nag story pala don si Bryce. Picture ko yun na nakain ng ice cream at naka tawa tapos may naka lagay na 'cute' ang sumunod naman ay video namin habang nag haharutan sa may dagat at ang huli ay ako na nakatalikod papunta sa room namin, eto ata yung time na nilayasan ko sila dahil ang naka lagay ay 'ang cute mo naman magalit' grrrr talagang nagawa nya pakong picturan ha.
Nag open ako ng camera sa IG, nag picture ako kasama si Bryce na tulog na tulog sa leeg ko nilagyan ko sya ng 'aww mybaby'. Tinignan kopq yung story ng iba pa naming kasama, puro picture lang namin yun dito kaya nilapag kona ulit ang cellphone ko sa side table.
Unti-unti kong inaalis ang braso ni Bryce na nakayakap sakin dahil mag CR ako. Nagmulat sya at halatang antok na antok pa.
"San ka pupunta?" tanong nya sakin.
"Mag CR lang po" sama kaba? HAHAH.
"Bilisan mo baby" atat na atat jusme para namang ang layo ng CR.
Pagka ihi ko ay humarap ako sa salamin para tignan ang mukha ko, mukha pa naman akong tao kaya ok lang, nqg toothbrush lang ako tapos bumalik na den sa kama. Mulat paden si Bryce pero papikit na, inaantay talaga ko, kala mo naman tatakasan sya HAHAHA.
"Ang tagal mo" sabi nya at hinila nako ulit pahiga sa kama. Nakaunan ako ngayon sa braso nya at ako naman ang naka yakap sa kanya, "Aviana" tawag nya sakin.
"po?"
"I love you" pakilig naman to! agang aga ang harot harot bat ganon.
Pinisil ko ng bahagya ang ilong nya "i love you too, mag sleep kana ulit, antok na antok kapa oh".
Pagkasabi ko non ay pumikit na sya at mukhang naka tulog na nga, nakatulala lang ako at nag aantay na dalawin ako ng antok.
Nagising ako ng may pumipisil sa pisngi ko, nag mulat ako at nakita ko si Bryce na tawang tawa sa ginagawa nya sa pisngi ko, naka yakap paden ako sa kanya, wala manlang nabago sa pwesto namin.
" Naman ehhhh panggulo ka sa tulog" iritang sabi ko.
Hindi paden sya natigil sa pag pisil ng pingi ko "baby tanghali na ano kaba, 9 AM na oh? ayaw moba mag swimming? fly boarding? scuba diving? or gusto mo nalang manatili saking piling"
Natawa ako sa sinabi niya, kinurot ko sya sa tagiliran kaya tumawa den sya, nag tawanan kami ang saya saya HAHAHAHAHA.
"Agang aga Bryce jusko, kulang kaba sa tulog ha? o nasobrahan ka?" tanong ko sa kanya.
"Oo nasobrahan ako" edi kaya.
"Tulog ka kase ng tu-" hindi ko naituloy ang sinasabi ko.
"Nasobrahan sa pagmamahal mo WHAHAHAH" jusko po pakilig nanaman to, hindi ko naitago ang ngiti ko, kahit kelan talagang sweet nito eh "ayiehhhh, ang cute naman mag smile ng baby ko" pang aasar pa nya.
"Hoy ikaw! bat mo inistory na galit ako! sakalin kita eh" kunwaring inis na sabi ko.
Tumawa lang sya "ok lang na sakalin moko basta sa pamamagitan ng pagmamahal mo" awittttt "hoy cute ka kaya don HAHAHA gagalit pa di den naman ako matitiis, o eh bakit ako ni story mo den naman ng tulog".
" Wala trip ko lang baket angal kaba".
"Joke lang boss to naman galit agad" niyakap nyako ng mahigpit "sus ayaw pa umamin na napogian sya kaya ako ini story" bulong nya pero narinig ko.
Pinitik ko sya ng mahina sa tainga "ha may sinasabi ka?"
"Wala sabi ko mahal kita" wala na putek wala na ang inis ko, jusko ang rupok ko.
____________________________________
Aye!💖 sorry kung ngayon lang nakapag update madami lang po ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/220115891-288-k911347.jpg)
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...