Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang ay masaya ako. Pag mulat palang ng aking mga mata ay ngiti na ang nakalapat sa aking labi, lalo ng ng maalala ko ang mga pang yayari kahapon.
"binibining aking iniibig, maaari ba kitang ligawan upang maiparamdam ko sayo ang labis kong pag hanga sa taglay mong kagandahan at ang pagmamahal kong sa iyo lang nakalaan"
Wala akong ibang naramdaman kahapon kundi saya lamang, iba pala talaga sa pakiramdam pag may taong handang magmahal sayo maging ano o kung sino kaman. Pero nakakaramdam din ako ng takot na baka dumating ang araw na mapagod sya sakin, na makakita sya ng mas magmamahal sa kanya, na baka hindi naman pala talaga ako para sa kanya.
"Hashiiiii ano bayan Aviana agang aga" pag kausap ko sa aking sarili sa harap ng salamin " erase. erase. erase. hindi sya ganon ok? tiwala lang"
Maliligo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. May chat sakin si Bryce na agad kong binasa.
From: Bryce
Good morning! kumain ka ha, susunduin kita para sabay na tayo pumasok.
Pero hindi ito ang nakapag pangiti sakin, kundi ang chat nya kagabi.
From: Bryce
Gaano man karami ang babae dito sa mundo
Iisang lang ang nagpapatibok ng puso ko
Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan
Gaano man kahirap ay handa kitang ipaglabanHUWAAAAA baket ang lambing lambing mo, tong lalaking to talaga kahit kelan napaka harot eh.
To: Bryce
Good morning din! sigi antayin kita, ligo nako hehe
Agad akong naligo at nag bihis, bumaba nako para kumain. Si mommy at kuya lang ang nadatnan ko sa lamesa.
"Good morning mommy and kuya!" agad na napalingon sakin ang dalawa, lumapit ako kay mommy para humalik sa pisngi "si daddy nasaan po?"
"Ah ang daddy mo? maagang umalis madami daw syang aasikasuhin sa kompanya" sagot ni mommy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
Lumapit sakin si kuya at humalik sa pisngi "ang ganda ata ng gising ng prinsesa ko ah" panunukso nya.
"Talagang maganda ang gising ko kaya wag mong sirain" biro ko kay kuya na pinipisil ang pisngi ko.
"Aviana baby napapadalas ata ang pag hatid sundo sayo ng gwapo mong kaibigan ah" pang aasar ni mommy, pero si kuya naman ay tatawa tawa lang.
Nakakapanibago si kuya ah, sa mga nanligaw sakin dati lagi syang mainit ang ulo, dahil daw prinsesa nyako kuna at ayaw nyakong masaktan. Pero ngayon bakit parang ok lang sa kanya, tapos masaya pa sya huh. Dikaya may girlfriend naden to? di malabo dahil madami namang may gusto sa kanya, pero bakit di nya sinasabi sakin? Aishhh tamana nga pag iisip ang mahalaga may Bryce ako ehehehe.
"Aviana tara na hatid na kita" tawag sakin ni kuya pero tinawanan ko lang sya.
Kinuha ko ang bag ko "susunduin ako ni Bryce kuya kong pogi" pang bobola ko lara di mag tampo "blehhhh" didila dila pang pangaasar ko sa kanya at saka lumabas, agad kong nakita si Bryce na naka sandal sa sasakyan nya at nakapasok ang isang kamay sa bulsa.
Shemsss ang hot "Hi! salamat sa pag sundo" nakangiting bati ko sa kanya, agad nyang kinuha ang mga gamit ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, syempre sya ulet nag suot ng seat belt ko.
Nang makapasok sya sa sasakyan ay may inabot sya sakin. Pulang rosas, anueba agang aga haaa."Para sa pinaka magandang babae sa paningin ko" malambing nyang sabi at agad kong tinanggap ang rosas.
"Ayiehhh thank you, parte naba to ng panliligaw mo?" panunukso ko.
"Kahit hindi kita ligawan handa akong gawin lahat ng bagay mapasaya kalang" pagkasabi nya non ay nag simula na syang mag drive.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga banat nya, hindi ko maramdaman na palabas nya lang to dahil sa tuwing magbibitaw sya ng salita. Mi hindi mo masasabi na nagagawa nyato dahil lang sa nanliligaw sya.
Pagka dating namin sa school ay pinagbuksan nyako ng pinto at kinuha ang gamit ko, ayan sila, ayan na ang mga matang mapang husga, ng mapansin ni Bryce na medyo na hihiya ako ay hinawakan nyako sa likod at bumulong.
"Hayaan mo sila, handa akong ipag sigawan sa mundo na gusto kita, gustong gusto kita" sa simpleng yun ay nawala lahat ng hiya at takot ko.
Ang daming bulong bulungan sa paligid pero hindi namin pinansin, nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakita namin ang mga kaibigan nya sa tapat ng hall na mukhang inaantay sya.
"Eto na pala ang lover boy namin eh" pang aasar nung isa "Julian Elisterio, ang pinaka masipag samin" pagpapakilala nya. Gwapo den sya hindi ko yun maitatanggi, matangkad at mapunti, mukhang matalino dahil sa salamin nya.
Lumapit naman sakin yung isang medyo singkit pero ang lakas ng dating, matangkad at maputi den "Vincent Lee pero Vince nalang" inilahad nya sakin ang kamay nya na agad kong tinggap "Ang pinaka cute samin"
Sunod na nagpakilala yung medyo kulot na matanggad, gwapo den sya sa totoo lang, and may dimples omg ang cute "Paul Reden Chander" inilahad nya sakin ang kamay nya na aking tinanggap "sasabihin ko sana na ako ang pinaka gwapo pero dahil sa tingin ko ay si Bryce ang pinaka gwapo sayo, ako nalang ang pinaka mabait samin"
"Tapos na kayo?" asar na tanong ni Bryce.
"Sus selos kalang kase nahawakan namin ung kamay ni Aviana" pang aasar lalo ni Vince sa kanya.
"Ewan ko sa inyo mga saltik" humarap sya sakin "Aviana mga saltik ko nga palang kaibigan, wag ka lalapit masyado sa kanila, baka mahawa ka ng kasaltikan"
"Sus tara na nga hatid na natin sa Aviana" pag aaya ni Paul.
Habang naglalakad kami ay hindi nawawala ang mga bulong bulungan sa paligid, sinong di huhusga eh apat na gwapo naka paligid sakin ngayon, si Vince na nasa unahan ko, si Paul at Julian na nasa magkabilang gilid ko at syempre si Bryce na nasa likod ko.
Agad den silang nagpaalam ng makarating ako sa room ko. Umupo ako saking upuan at agad namang lumapit ang nag iisang totoong kaibigan ko sa room na to.
"Taray naman ng kaibigan kk hinatid ng apat na gwapo, alam mobang sila ang pinaka pinagpaoantasyahan dito" kinikilig kilig pang sabi ni Aquila.
"Wag mo ngang purihin yan, kaya nag iinarte yan eh" at eto nanaman si Cristina, ang leader ng mga hipon.
Humarap ako sa kanya at tumayo "so kung ako nag iinarte? anong tawag sayo?" maarteng tanong ko
"Tawag sakin?" bahagya syang lumapit "maganda, yan ang tawag sakin" at inirapan pako ha.
"Ah maganda kana nan? kung maganda ka edi ako na ung sobrang ganda?" pang aasar kopa.
Sumama lalo ang mukha nya sa sinabi ko "hoy ikaw wag kang feelingera na akala mo kinaganda mo yung laghatid hatid nila sayo, dahil samin sya babagsak dahil kami naman talaga ang gusto nila!"
"Haysss tinamo nga naman ang mga walang magawa sa buhay, pati sarili pinapahiya, alam nyo kung gusto nyo sila, edi go, tignan ko lang kung pansinin kayo"
Tumawa sya na parang baliw "matakot ka pag nilapitan ko si Bryce, isang sabi ko lang na gusto ko sya iiwanan ka nya" pananakot nya na hindi naman tumalab sakin.
"Osige, pero sa pagkakatanda ko" umasta ako na para akong mag iisip "allergic sya sa hipon" agad namang nag tawanan ang mga kaklase ko, dahil sa kahihiyan ay bumalik sya sa upuan nya.
____________
Hayiiiii!! thank you sa mga nag babasa, vote den kayo💖
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...