"MERON SYANG AKO NA WALA SAYO AT HINDING HINDI MAPAPASAYO SAYO!" hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin yun sa kanya. Kelan ba kase ako tatantanan ng babaeng to, ilang masasakit na salita oaba ang gusto nya para lubayan nyako.
Tumatawa sya na lalong kina inis ko "ah talaga? meron syang ikaw na wala ako? eh kung sabihin ko kung anong nangyari sa cr? WHAHAHAHA" baliw na to.
"Oh sige ano yun, sabihin mo pero siguraduhin mong hahanga ako kung hinde ay dadampi tong palad ko sa mukha mo" nagulat ako ng nagsalita si Aviana, lahat ay sa kanya nakatingin. Ang ibang napapadaan ay napapatingin samin dahil umeksena nanaman tong babaeng to "bilisan mo mahal ang oras ko, mas mahal pa sa kalukuwa mo".
" Cat please umalis kana" pakiusap ko sakanya pero inirapan lang ako ng pota.
Humarap sya kay Aviana "hindi mo gugustuhing malaman pa"
"Please umalis kana, gumagawa kana ng eksena oh, nakakahiya sa mga tao" muli kong paki usap.
"Hayaan mo syang sabihin ang mahibangan nya" hindi nako muling nag salita dahil hindi naman sila makikinig sakin.
" Ah talaga gusto mo?" amputek peste talaga "nahalikan ko lang naman sya kanina! nauna pako sayo, boba!"
pota naman oh.
"Ah yan na yun?" natatakot nako sa tono ng pananalita ni Aviana, bakas ang inis sa bawat salitang binibitawan nya. Unti-unti syang lumapit kay Cat "sa tingin mo mapapahanga monako sa kalandian mo nan?"
"Ano kaba! di hamak na mas magaling ako kesa sayo" pota pang asar, pag to talaga tinoyo dahil sayo nako.
"Oh talaga?" nabigla kaming lahat ng malakas na sampalin ni Aviana si Cat kaya napasubsob nanaman ito, pota lampa "sino mas magaling satin ngayon?" palavarnn! "sa susunod galingan mo, yung tipong dalawang palad kona sasampal sayo sa sobrang pagkahanga ko".
Tumawa nanaman si Cat na para bang ok lang sa kanya, pulang pula ang pisngi nya na tinamaan ng sampal ni Aviana "talagang hahanga ka sa kakayahan ko, dahil sa oras na galingan ko, sa simpleng pag galaw mapapasakin ang minamahal mo" pag kasabi nya non ay umalis na sya.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ng mawala sa paningin namin si Cat, Talagang gumawa pa ng eksena ha? hindi ko ala kung anong trip nan bat ganan yan. Ang dami namang lalaki sa mundo eh bakit pa ako?
Humarap ako kay Aviana, para akong tinakasan ng lakas ng makita ang mga luhang bumabagsak mula sa kayang mga mata, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko sya kayang makitang ganito.
"Baby..." yon lamang ang nasabi ko ng iwan nya kami don, sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.
"Kausapin mo naman ako ohhh" pag mamakaawa ko sa kanya pero nanatili lang syang naka tingin sakin "mag usap naman tayo, mag kukwento ko".
" Ano pang ikukwento mo eh nasabi na nya lahat?" sabi na nga ba eh, hayup talaga tong Cat na to.
Umupo ako sa tabi nya "kase naman eh, nag cr kase ako kanina tapos nan doon pala sya eh malay koba tapos bigla nalang nyakong hinalikan, tinulak ko naman sya agad ehh" kinuha ko ang kamay nya pero agad nyang binawi yun sakin "sorry napo".
Hindi nyako pinansin at humiga na sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko, bat ba kase ako pa nagustuhan ng hayup na yun eh. Bad trip na talaga bwiset, wag talagang makalapit lapit sakin ulit yon nako.
Humiga narin ako sa tabi nya, nakatalikod sya sakin kaya yumakap nalang ako sa kanya, rinig ko ang pag hikbi nya, nakakadurog. Ako yung mas nasasaktan kapag nakikita ko stang naiyak, sabi ko sa sarili ko hindi ko paiiyakin to eh, hay nako buhay, ang sarap pumatay.
" Baby, wag kana magalit pleaseeee" hindi ko kayang matulog ng mag kaaway kami, mababaliw ako baka bigla nalang ako iwan nito.
Humarap sya sakin, para akong sinasaksak habang nakikita ko ang namumugto nyang mata, pagod sa kaiiyak. Bat ba kase nangyari to eh.
"Sorry baby" bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo "wag kana umiyak, tahan na" pinunasan ko ang pisngi nya gamit ang kaway ko "ayokong naiyak ka alam mo yun, sorry diko nasabi agad, natatakot kase ako na magalit ka sakin".
"Hindi naman ako galit sayo eh, sa kanya ako galet kase bat naman hinalikan ka nya, inunahan pako ng pota" natawa ako sa sinabi nya "at ikaw naman, bat dimo sinabi agad sakin, para naaway ko agad HAHAHA".
Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya "talaga hindi ka galit?" tumango sya sakin "dimoko iiwan?" umiling sya "love moko?" ngumiti muna sya bago tumango " i love you baby".
"i love you too".
Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nya, eto ang paboritong pwesto ko, gustong gusto ko na nag papa baby sa kanya.
"Bryce...." tumunghay ako sa humarap sa kanya.
"Bakit?"
"Masarap ba sya humalik?" naubo ako sa tanong nya.
Tungunuuuu.
Tinawanan nya ko kaya lalo akong napasimangot "Bakit? HAHAHA tinanong lang nama kase kita ano kaba!"
Pinitik ko sya sa ilong "ewan ko sayo pang asar ka, kita mo namang inis na inis ako don tas tatanungin moko kubg masarap? edi syempre hinde! halik mo lang naman ang masarap".
" Ah talaga baaaa?" tumango ako sa kanya at muling sinubsob ang mukha sa leeg nya "pano mo nasabi eh hindi mo pa naman ako nahahalikan?".
Pag to hinalikan ko tigil to.
Wag moko subukan nako WHAHAHA.
Humarap ako sa kanya, abno talaga tong babaeng to "alam mo ikaw? ang lakas ng topak mo no?"
"Anong ako? ikaw tong malakas ang topak dyan eh!" luh bat ako? "hinalikan ng hipon HAHAHAHA pero mukha den syang isda, kakaiba na talaga ang mga peste ngayon, nag iiba iba ng itsura" sabay kaming natawa sa kalokohan nya, kahit pala talaga ang bait nito may natatagong kalokohan paden.
"Wag mo na ipaalala! nasusuka ako!" ewww, kadiri bwiset kainis banamn may pag halik pa.
Tinawanan nya ko at ang mas nakakaines padon hindi nyako tinantanan sa pang aasar "pano muna yung suka? WHAHAHAH" amputek!!!!!
"Ewan sayo" diko na sya pinansin at sinubsob kona ulit ang mukha ko sa leeg nya dahil antok na antok nako.
"Bryce..." tawag nya sakin habang nilalaro ang buhok ko gamit ang daliri nya "Uyyyy" hindi ko paden sya pinansin kaya kiniliti nya ko. Mautak ang potek.
"Bakit? aasarin mo nanaman ako?" tinawanan nyako "antok na antok nako baby gusto kona matu-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla nyakong halikan "goodnight" pumikit na sya at akoy naiwang nakatulala, halos mapunit ang labi ko sa pag ngiti. Bumalik nako sa pwesto ko sa leeg nya at natulog na.
_________________________
AYE! THANK YOU SA MGA NAG BABASA MALAPIT NA MAG 2K READS, SORRY SA MABAGAL NA LAG UPDATE DAHIL MAY TOPAK ANG WIFI. MAHAL KO KAYOOOO💖
![](https://img.wattpad.com/cover/220115891-288-k911347.jpg)
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...