Nakapag kwento nako kay Aviana pero parang hindi ma sya kuntento sa nalaman nya ah HAHAHAHA handa akong mag kwento dahil lahat ng nakapaloob don ay binabalot ng pagmamahal ko para sayo.
"Teka eh anong nangyari 3 years ako? pagkatapos nyo mag usap ni kuya?" usisa nya sakin.
"Wala naman, pinatunayan ko sa kuya mo na nagbago ako, nakarapatdapat ako para sayo" handa kong gawin lahat para sayo Aviana, taliwas man sa kinasanayan ko "lagi kitang binabantayan mula pa noon".
" Pano?" daming tanong ah, pag ikaw kinilig, edi ayos WHAHAH.
Kasalukuyan syang naka upo sa mga hita ko, nakatitig sa madilim na kalangitan. Grabe talaga ang ganda nito eh, nag iisa, hindi na kataka takang ang dami kong mabugbog dahil dito HAHAHA.
"Kapag nasa school ka, sinusundan kita hanggang sa makapasok ka, pag pauwi, binabantayan kita hanggang sa makauwi ka, sasakalin ako ng kuya mo pag may nangyari sayo" sinuskulay ko ang buhok nya gamit ang mga daliri ko "dati nga ganto eh nung may sakit ka...."
F l a s h b a c k
Nakakapagod ang araw nato, tapos dikopa nakita si Aviana. Pero balita ko may sakit daw kaya di naka pasok, lalo akong di mapakali dahil nga may sakit sya.
Kalagitnaan ng panonood ko ng movie ng biglang tumunog ang cellphone ko, napatigil ako sa panonood at tinignan kung sino natawag.
Oh bat kaya natawag si tita, hating gabi na ah.
"Hello tita bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Ah Bryce tutulog kana ba?"
"Hindi pa naman po"
"Anak punta ka naman dito, may sakit kase si Aviana, eh wala naman ang kuya nya eh ang daddy naman nya wala den tapos yung mga kasambahay namin pinagbakasyon muna namin, eh hindi ko naman alam na lalagnatin pala ito ngayon"
Napangiti ako sa sinabi ni tita, hindi dahil sa may sakit si Aviana, kung hindi dahil sa ako ang tinawagan nya sa mga oras na ito.
"Ah sigi po tita papunta na po ako" pagkasabi ko non ay agad akong nagbihis at halos paliparin ko yung sasakyan para mabilis na makarating kila Aviana.
Pumasok ako sa bahay nila at agad ko namang nakita si tita na naglalagay ng tubig at yela sa planggana.
"Tita ako napo dyan, magpahinga napo kayo" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Oh anak eto, ipunas mo itong towel sa kanya tapos eto" tinuro nya sakin ung plangganang may tubig at yelo at konting alcohol "dito mo yan babasain, para bumaba ang lagnat ni Aviana"
"Sigi po ako napong bahala" kinuha ko ang planggana at umakyat na sa kwarto ni Aviana, tulog na tulog ito kaya hindi nya talaga mararamdaman ang pagpasok ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil maalagaan ko sya or malulungkot ako kase may sakit sya.
Agad kong pinunas sa kanya ang basang towel at sa bawt paglapat non sa balat nya ay syang pag daing nito. Hinawakan ko sta sa noo at leeg, mukha ngang mataas talaga ang lagnat. Pinunasan ko ang buo nyang katawan, syempre maliban sa maselang part non.
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...