01

71 7 4
                                    

DATE

~♡~

May mga pangyayari sa buhay natin na bigla na lang dumarating. Mga bagay na hindi natin inaasahan. Mga pangyayari na nagiging daan para sa ating pag-unlad.

Minsan, hindi 'yon nagiging madali.

Ngunit wala tayong magagawa kapag ang tadhana ang nagtakda. Kahit siguro pilitin mong baguhin ang takbo ng buhay mo, kung para saan ka, kung para kanino ka, doon ang bagsak mo.

*

"Ayoko po talagang lumipat ng school. Dito lang ako. Hindi ako aalis dito." I paused. "Kaya ko namang mabuhay dito mag-isa e. Dito ako magtatapos ng pag-aaral. Please, Mom. I promise you, I will--" Naputol ako sa pagsasalita nang bumigat ang tono ng boses ni Mommy.

"Enough, Czarina! Mas safe ka roon. Nandoon ang ate Sofia mo, mas mababantayan ka niya ng maayos."

Mayroon nang nabubuong luha sa gilid ng dalawang mata ko.

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari ang mga ganitong sitwasiyon. Aalis na naman sila at iiwan nila ako.

"Sumunod ka na lang kay Mommy, okay? Kapakanan mo lang ang iniisip namin ng Daddy mo."

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Hinahaplos-haplos iyon na tila pinapakalma ako.

Nakikiusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. It makes me weak, seeing her eyes.

I looked down. I know, concern sila pero hindi pa ako handa.

Binawi ko ang mga kamay ko mula sa pagkakakapit niya at saka siya tinalikuran. Alam kong tutulo na itong mga luha at ayokong makita niya.

Mabilis akong tumakbo at nagtungo sa aking kwarto.

Mabibigat ang bawat paghakbang ng mga paa ko sa bawat baitang ng hagdang dinaraanan ko. Pagkarating ko sa kwarto, agad na naihagis ko ang envelop na hawak ko.

Tears started to fall down.

"Nakakainis!"

Napaupo ako sa kama ko. Mataman kong tinititigan ang mga papel na nakahandusay sa sahig. Naroon na ang lahat ng mga kakailanganin ko para sa paglipat ko ng panibagong school.

I sighed.

In the end, pinulot ko pa rin ang mga kinalat ko. Wala na akong magagawa. Wether I like it or not magta-transfer ako. Kahit pa siguro lumuha ako ng isang drum, wala pa ring mangyayari.

Nahiga na lamang ako sa aking kama. Dinadama ang lambot niyon na yumayakap sa buong katawan ko.

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko nang mapatalon ako sa gulat nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Agad ko iyong kinuha sa bulsa ng jeans ko.

"I miss you, Caz."

Isang text message.

I rolled my eyes.

Wala akong panahong makipagbolahan sa kaniya.

Wala pang isang minuto ang nakakalipas nang nag-vibrate na naman ang cellphone ko.

"Labas tayo mamaya? Treat ko."

"You know what? Nakakagigil ka." Reply ko.

Ang init na nga ng panahon tapos ang init init pa ng ulo ko, sasabay pa siya.

"Nakakagigil? Anong ibig mong sabihin?"

Napairap na naman ako. Ang lalaki talagang ito makulit pa sa makulit. How many times do I have to tell him na wala, as in wala talaga akong feelings sa kaniya. Siya lang naman itong sobrang assumero na gusto ko siya. Kung makapagtext akala mo jowa niya ako.

Ang kapal ng mukha.

Itinabi ko na lamang ang cellphone ko sa malapit na table dito at muling nahiga sa kama ko.

I need to take a rest. I've had enough this day.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Maya-maya, panay ang naririnig kong pagkatok ng kung sino mang tao sa pinto ng kwarto ko kaya't tumayo ako saka tinungo iyon.

"Are you okay now?" She asked as I open the door.

"Opo, Mommy. Pasensiya na po pala kanina."

"That's okay. Anyway, nasa baba si Javier hinihintay ka." Ginulo niya ang buhok ko.

"What?" Gulat kong tanong. "Bakit daw?"

"May date raw kayo?"

"Date?" Pagbalik ko ng tanong.

"Magbihis ka na. Kanina ka pa niya iniintay doon." She smiled.

"But, Mom--"

"Sshh, go with him, Anak, para hindi ka rin nabo-bored dito sa bahay. At saka, ilang araw na lang ang nalalabi para mamalagi ka rito at aalis ka na, diba? Go with him, Anak." Pag-uulit niya saka sinaraduhan ang pinto.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Date? Bakit wala akong alam?

Bigla kong naalala na tine-text nga pala ako kanina ng mokong na 'yon.

"I know you like me. Nagpapakipot ka lang."

I raised a brow.

"Ang tagal naman mag-reply ng future wife ko. Let me guess, kinikilig ka no? HAHA"

So, how did you know?

"Let me date you."

"Nakapagpaalam na ako kay Tita, kaya wala ng problema."

"5:30 PM susunduin kita. Magpaganda ka ah?"

Tinignan ko ang wristwatch ko. 4:47 PM.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon