37

0 0 0
                                    

Wine

~♡~

Minsan, hindi na natin napapansin ang pagtakbo ng oras, ang bawat segundo at minutong nagdaraan sa ating buhay. Ang isang araw ay tila lumilipas sa isang kisap-mata. Ang buwan at mga taon, magigising ka na lang isang araw, ito'y isa nang kahapon.

Hanggang ngayo'y naaalala ko pa rin kung gaano akong nagmaktol. Kung paanong pagtanggi ang ginawa ko. Na tila baga sa bingit ng kamatayan ako hahantong. Na dadalhin ako sa lugar na talagang kinasusuklaman ko. Kung sakaling hindi ako naparito'y pagsisihan ko iyon. Sa isang taong pamamalagi ko roon, nagbunga iyon ng maraming pagbabago. Mga pangyayari na sa unang pagkakataon, dumating sa buhay ko.

Mabilis ang pagtakbo ng sasakyan. Malawak ang daan at mga building na naglalakihan. Huli na nang na-realized kong nandito na kami sa Manila. Siguro'y nawili ako sa pagmumuni-muni kaya't hindi ko na namalayan.

Sa muling pagtungtong ko sa loob ng aming bahay, inilibot ko agad ang aking mga mata. Nothing's changed. They were still the same.

Memories flashed quickly in my mind. It seemed like I was watching them right now. And I was able to see it cleared. Nakikita ko ang masasayang mga ngiti, mga tawanan na palagi naming pinagsasaluhan. Iyong mga bagay na palagi naming ginagawa noong magkakasama pa kaming lahat.

Si Mommy at Daddy, nakaupo kaming tatlo roon sa sala habang nagkukulitan. Si kuya Kevin na busy sa pakikipag-chat, at si ate Sofia na hinihimas ang kaniyang tiyan. Si kuya Gerald na naging parte na rin ng aming pamilya ay masayang kinakausap ang tiyan ng asawa.

"Surprise!"

Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaan nilang paglitaw. May galing sa kanan, mayroon ding sa kaliwa. Mayroong sa likod ng pinto, sa likod ng wall at sa iba pa. Nandito silang lahat. Hawak-hawak nila ang isang malaking banner na ngayo'y nasa harapan ko.

Welcome back, Czarina!

Really? Inalam ba nila ang pagdating ko?

Hindi ko maitatanggi ang sayang naramdaman. Tila napakaespesyal kong tao. Mayroon din silang hawak na mga ballons, ang iba'y may inihahagis sa hangin, mga colored paper na mukhang nag-effort pa silang gupitin.

"Wala akong pasalubong."

They were all pouted.

"Alam ko na 'yang pakulo n'yo. Wala akong pasalubong."

I know it sounded sarcastic. Lumakad ako ng diretso at nilampasan sila roon. Hindi pa ako nakakalayo nang hablutin ng isa ang kamay ko.

I chuckled, inwardly. Sabi ko na nga ba't hindi nila ako matitiis.

"Kahit walang pasalubong basta makasama ka lang namin ngayon."

My eyes widened hearing his voice. Did I really heard it? Or there was a ghost living here? Mabilis ko siyang nilingon at nalaglag ang panga ko. Hindi ko siya nakita kanina.

Gusto kong magsalita. Ang bibig ko'y bumubuka ngunit walang lumalabas doon na kahit anong salita. Hindi ko maidiretso ang sasabihin. My hands were already helping me to figure it out, gesturing. I think, I had a confused look now.

I was surprised he's here, more than that of ballons and the banner.

"Ahm, siya iyong nasa likod ng banner."

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon