31

1 1 0
                                    

Someday

~♡~

"Rex."

Agad akong napalingon sa likuran ko.

"Pinuntahan kita sa library." Tumigil siya sandali. "Bakit hindi mo ako hinintay?"

Hinihingal siya nang datnan niya ako.

"Lika, sabay na tayo umuwi."

Araw-araw, dinadalhan niya ako ng lunch box. Tuwing uwian, palagi niya akong isinasabay. Nahihiya na ako. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kaniya.

At higit sa lahat, hindi ko pa rin alam kung kailan ko sasabihing...

Mahal kita, Czarina.

"Lalim ng iniisip mo ah? Tahimik mo diyan."

"Ah, wala naman. Nga pala, kumusta na si Javier? Nasabi mo na bang hindi totoo ang lahat?"

Kinagat ko ang labi ko.

Ang sabi nila, matalino ako. Parang ayokong maniwala. Nitong mga nakaraan lang, madalas palpak ang mga ginagawa ko.

"He left, finally."

"Saan siya pumunta?"

"Bumalik na siya sa Manila. At saka, mabuti na rin 'yon." Ibinaling niya ang tingin niya sa akin habang nagmamaneho. "'Di ba?"

Nang natatanaw ko na ang aming bahay, may kung ano na namang tumusok sa dibdib ko.

Napalumod ako ng laway.

Siguradong magsasabi na naman 'to na kung pwede mag-stay muna siya sa bahay.

Hindi pwede ngayon. Anong gagawin ko?

Nang itinigil na niya ang sasakyan agad siyang nagsalita.

"Pwede bang mag-stay s--"

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

Sorry, Caz.

Hinalikan ko siya.

"Salamat."

Hindi ko na nakita ang naging reaction niya. Pero alam kong effective yun.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan.

Hindi siya pwede ngayon sa bahay.

Bahala na bukas.

"Ano bang ulam 'yan? Nakakasawa!"

Narinig ko agad ang boses ni Tatay nang papasok na ako sa loob ng bahay. Lasing na naman siya.

Napapikit ako ng mariin.

Dahan-dahan akong pumasok. Maingat na kumikilos. Nakaupo si Tatay sa mesa habang nakatayo si Mama sa harap niya.

"Ikaw!"

Kasalukuyan kong ibinababa ang bag ko nang marinig ko ang boses ni Tatay.

Masama ang tingin niya sa akin. Mukhang maaga siyang umuwi ngayon galing sa inuman.

"Pumarito ka!" Utos niya.

Mabilis kong tinungo ang mesa kung saan naroon si Tatay at Mama.

Hindi ako nagsasalita.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tumigil ka na sa lintik na pag-aaral na 'yan!"

"Ronaldo," saway ni Mama.

"Wala na nga tayong makain ipapabaon pa sa'yo!"

Nakakapagod na ang ganito. Palibhasa, wala siyang alam sa mga achievements ko. Dahil kahit kailan hindi naman siya pumasyal sa school. Kahit kailan wala akong nakuhang suporta sa Tatay ko.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon