40

2 0 0
                                    

Returned

~♡~

Nagpatuloy ang masasalimuot na araw kasama si Ayana. Nag-stay siya sa bahay sa loob ng tatlong linggo at worth it naman iyon. I know some part of her still love him, though she kept telling me that everything's over.

"Nakita ko sila ng kabit niya. Napakamalas ko talaga."

"Kabit?" I said.

She turned. "Oo, doon sa mall. Naiirita ako."

"Hindi siya kabit, siya iyong kapalit." I chuckled.

Even her words had to contradict her actions. I knew she was just pretending to be okay when she was not, but I really appreciate that. Sinusubukan niyang lakasan ang loob niya kahit nahihirapan siya.

"Move on na 'ko."

I laughed. "Then, why so being defensive, huh?"

"Instead of annoying me, girl, why don't hurry?" She made a face. "Your baby's been probably waiting."

I smiled.

Almost half of my time here in Manila, I had spent with her. Minsan, pumupunta rin kami sa bar kasama si Javier, lalo na kapag mayroong gig sina Michael.

Also Michael had been doing fine as they got their new vocalist. Okay na kami, at naibalik na rin ang dating samahan. May pagkakataon pa nga na ini-invite nila ako para kumanta. Namiss ko silang ka-jamming, lalo na si Jet na tinuturing ko nang bunsong kapatid.

Everything goes really fine. Wala na akong problema. Wala nang bigat o sama ng loob na dinadala. Nakakahinga na ako ng maluwag.

At ngayon, babalik na ako sa Quezon Province. Hindi ko lang ipinapahalata, pero excited na akong bumalik doon. Kung pwede nga lang huwag nang maligo at mag-empake - itong kasabikan ko, baka ngayon ay nasa byahe na kami.

Pakiramdam ko, isa akong batang sabik na sabik nang pumunta sa lugar na gustong-gusto kong puntahan. Iyon bang hindi ka makatulog sa kaiisip. Hindi ka mapakali na tila baga hindi ka na makapaghihintay pa kahit kaunti.

"Huwag ka nang mag-make up, maganda ka na." Iritado nitong banggit.

"Bakit kaya hindi mo na lang ako tulungang mag-empake? Hindi 'yong pinapanood mo lang ako diyan." I rolled my eyes at her. "At saka, hindi ako nagma-make up, lipstick lang at kilay 'to."

She laughed. "Fine, fine. Ano pa bang kailangang i-pack?"

"Ayan, iyang katabi mong mga damit, ilagay mo na iyan sa loob ng bag."

Hindi na ako makapaghintay na makabalik sa Quezon Province. Gusto ko nang makita si Rex. Gusto ko na siyang mahagkang muli.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nagmensahe.

"I'll be there on the afternoon. Meet me on the seashore."

Ngumiti muna ako saka ibinalik sa bulsa ang cellphone. Narinig ko ang agad na batos ni Ayana na kasalukuyang nakaupo sa kama ko. Patuloy pa rin siya sa pag-eempake ng mga damit habang panay ang sulyap niya sa akin sa salamin.

"Miss him?" She asked.

"Miss na miss." I responded.

Lumalakas na ang ulan. Nakabaling ang ulo ni Ayana habang pinagmamasdan ang bawat pagpatak niyon sa bintana ng sasakyan.

I made to place my head over her shoulder. She noticed. I looked up to see her, then smiled.

"Alam mo, simula nang umalis ka feeling ko wala na akong bestfriend." She started.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon