09

20 2 0
                                    

Cheek

~♡~

Araw-araw akong inspired. Palaging sinisipag pumasok, always blooming at lalo pang nagpapabida sa school.

Si Rex nga iyong nakita ko last friday.

Rex Arcangel ang full name niya. Bagay na bagay sa kaniyang mala-angel na mukha. Nang makita ko siya noong nakaraang linggo, hinabol ko siya. Sukdulang iwan ko ang mga bardaka ko sa table namin.

Ngunit mabilis din siyang nawala kaya hindi ko na rin siya nakita.

Totoo ngang matalino siya. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya. Kapag sumasagot siya everytime na may recitation, confident na confident siya. Para bagang alam niya lahat ng sinasabi niya. Napakagaling din niyang magpaliwanag kapag nagre-report. Tapos ang gwapo gwapo pa. Higit sa lahat, sexy.

Triple kill.

"Hey. Pwedeng sumabay?" He turned his face on me.

Naglalakad kami ngayon sa corridor. Maraming estudyante ang nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko nga lang alam kung para saan ang mga tingin na iyon. Maybe kase, napakaganda ko.

"So, nasan na ang sundo mo?" Panimula ko.

"Commute lang ako."

Hindi siya tumitingin sa akin. Nandito na kami sa tabing-daan.

Nakahalukipkip siya sa bulsa niya habang pinagmamasdan ang mga sasakyan.

"Ahm, nagulat ka ba?"

Sa wakas tumingin na siya. "Saan?" Kunot-noo niyang tanong.

"Kasi dito na ako nag-aaral."

"Hindi naman."

Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa mga sasakyang nagdaraan.

I pouted. Sungit ah?

Nag-iisip ako ng magandang topic na pwedeng pag-usapan, hanggang..

Sinadya kong ihulog ang mga dala kong libro. Perfect! Agad kong nakuha ang atensiyon niya at tinulungan niya akong pulutin ang mga iyon. Habang pinupulot namin ang mga libro ko, aksidente niyang nahawakan ang kamay ko. Agad na kumalabog ang puso ko dahil doon. Iniangat niya ang ulo niya at nagtama ang aming mga paningin.

Mabilis na ang paghinga ko. Pabilis nang pabilis pati ang pagtibok ng puso ko.

Marahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Mabilis, mabilis na mabilis. Sobrang bilis. Papalapit pa siya lalo nang papalapit. Nakita kong nalaglag ang tingin niya sa labi ko. My eyes land up in him, too. We're about to kiss. We almost kiss.

"Anong ginagawa mo?"

Agad kong inayos ang tayo ko. Napahawak ako nguso ko. That was embarrassing! Anong bang ginagawa ko? Imagining of course. Nakapikit ako habang nakanguso sa kaniya.

What the fuck?

"Nothing." I felt my cheeks blushed.

"Anyway, malapit nang dumating ang sundo ko. Sabay ka na samin." Pag-iiba ko ng topic.

"U-uhmmm--"

"O, heto na pala. Lika."

Hindi pa siya nakapagsasalita nang hinawakan ko na ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko naman naramdamang nagpumiglas siya. Nagpatangay lamang siya sa akin.

Sa backseat siya nakaupo habang ako ay nasa frontseat.

I try to look at him.

He smiled.

Grabe, nakakapanghina.

"Wait Manong, lilipat na po ako sa backseat sasamahan ko na po siya roon." I said.

Nginitian lamang ako ni Manong Boy. Ewan ko ba. Parang kailan lang, halos hindi ko pa magawang makipag-usap sa kaniya. But look at now, I can make it.

"Salamat." Nginitian niya ako.

"Okay lang. Saan ba ang sa inyo?"

"Malapit sa Geraldine Beach Resort."

Someone's calling.

Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko. Sino ba itong istorbong ito? It's Javier. Napabuntong hininga na lamang ako. I gesture Rex to wait for a minute.

"What?"

"I miss you. Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko? Nagcha-chat din ako sayo."

"Bakit naman kita re-reply-an?"

"I'm your future husband, Czarina."

"Future husband mo mukha mo! Tumigil ka, Javier"

I ended the call.

Nakakasira lamang siya ng araw. Future husband, future husband. Ang dami dami niyang pwedeng asawahin ako pa talaga ang trip niya. Humanap na lamang siya ng iba.

"Sino 'yon?" He asked.

"Ah wala. Uhm, congrats?" I offer him a hand.

"Para san?"

"First honor ka pala last year?"

Hindi pa rin ako makapaniwala. Is this for real? Napakabait naman yata sa akin ng tadhana? This man's infront of me is now actually talking to me. It feels like, I won a lottery I've been waiting for years. Kahit tanned-skin siya, ang gwapo niya talaga.

"Diyan na lang po sa tabi."

"Mag-ingat ka." Paalala ko kaniya sa bago siya bumaba ng sasakyan.

"Oo. Salamat ulit."

"Welc--"

I haven't finished a word when he kissed me.

He kissed me on my cheek.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon