07

17 4 0
                                    

Gorgeous

~♡~

"Mag-ingat ka roon. Kapag may problema tumawag ka lang kay Mommy, okay?"

"You understand us, do you?"

Niyakap ako ni Daddy. Agad namang sumunod roon si Mommy. Mahigpit at may pagmamahal ang yakap na iyon. Agad namang tumakas ang mga luha sa mga mata ko.

"Ssshhhh, tahan na. Two years lang, Anak. Mabilis lang iyon." Dad reassures me.

"Ang drama ko naman. Para namang hindi ko na kayo makikita ulit." I chuckled, wiping out my tears.

"Ikaw talaga. Huwag kang pasaway roon. Huwag mong paiinitin ang ulo ng ate Sofia mo."

"I won't. I'll be sure to be kind, as always."

I am now heading towards the white van. I try to look back.

I saw their smile for the last time.

Nakangiti sila habang pinagmamasdan akong papalayo. Napaiyak na naman ako. I try to smile back and quickly turn before they got to notice my tears.

When I get there, Manong Tisoy help me in my things and places it inside.

Nginitian ko siya.

"Paano ba 'yan hija? Wala na akong ihahatid-sundo." He said.

Hindi sapat ang three weeks para makapagpaalam sa lahat ng mga kakilala ko. Hindi ko sila kayang isa-isahin. Iilan lamang sa kanila ang nakausap ko ng personal at karamihan ay nalungkot sa pag-alis ko.

So, I just posted a status on facebook, twitter even in IG.

Dinagsa naman agad ng comments ang post ko. Napapangiti ako habang binabasa ko ang mga iyon. Ngunit kapansin-pansin naman ang isang comment doon na galing kay Javier.

"Kahit iiwan mo na ako, I'll still love you. Kahit saan ka pumunta I will follow you. Kahit hindi mo ako mahal, I'll stay until you do."

Kahit kailan talaga ang lalaking iyon. Wala nang masabing matino. Nakakasuka ang mga lines niya.

Sa kabilang banda, panay ang text sa akin ni Michael. Nagso-sorry siya sa akin. He was drunk that day kaya raw niya nagawa iyon. I'm still mad. Hindi ko siya nire-reply-an.

I feel welcomed nang makarating ako sa Quezon Province. Hindi ko maitangging na-miss ko ang lugar na ito.

Agad naman akong sinalubong nina ate Sofia.

"Tita Caz, where's Lola?"

"Hmm, busy na si Mommy kaya't hindi siya nakasama."

"Ganoon po ba?" Malungkot niyang tugon.

"Don't worry. Nandito naman si Tita. I'll always play with you." I assured her.

"Dito na po kayo titira?"

"Oo. Dito na ako titira para may kalaro ka." I smiled.

Pagkatapos ng kaunting kulitan with Geraldine, nagpunta ako sa cottage kung saan ako kinaladkad noon ni Ayana.

Napangiti ako nang maalala ko siya. Suot ko ang jacket na ibinigay niya sa akin. I decided to took it off.

Ilang sandali, I noticed someone. He was heading towards the seashore. May dala siyang gitara.

My eyes narrowed. He was familiar. I was trying to recognize him. Just as I stepped out of my seat, something pops in my mind.

It was him! Right!

Mabilis akong tumayo at agad na sumunod sa kaniya. I was walking after him when he plucked the string of guitar. Nakaupo siya sa buhanginan.

I smiled.

Nang magsimula na siyang kumanta, kinilabutan ako. Tumaas ang mga balahibo ko. I let out a heavy sigh.

Umupo ako sa tabi niya.

Walang isang metro ang layo namin sa isa't-isa. Pinapakinggan ko lang siya sa paggigitara. Napasarap no'n pakinggan.

"Czarina?" He stopped from plucking.

I quickly turned to him. He remembers me! Weeks had already past and he's still remember me. I smiled internally.

Inilapag niya ang gitara niya sa pagitan naming dalawa. Mataman niyang pinagmamasdan ang araw na ngayo'y namamaalam. Nakatitig lang ako sa kaniya. Studying every inch of him. He never fails to amaze me how gorgeous he is.

"Yeah. But you can call me Caz, anyway." I said.

"Napakaganda."

Nilingon niya ako.

Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko. It just happens that he caught me staring at him. He's probably thingking, I was fantasizing him!

Nakakahiya. Pakiramdam ko'y pumula ang pisngi ko dahil doon.

"Napakaganda ng langit." Pag-uulit niya.

Buong akala ko, akong yung sinasabi niyang napakaganda. I pouted.

This thought quickly disappear as I decided to stare back at the beautiful view. I bit my lower lip. Trying to sink in everthing in me.

How could such creature to have such gorgeous face?

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon