15

16 2 0
                                    

Trouble

~♡~

Thursday.

Thursday na pero ganoon pa rin kami ni Rex. Pagkatapos ng nangyari kahapon, bumalik ulit kami sa dati.

Walang pansinan.

Nakakapanibago.

Hindi na rin siya sumasabay sa akin umuwi. Bigla-bigla na lang siyang nawawala. Siguro ay pinagbabawalan siya ni Zabrina.

Ang bruhang girlfriend niya.

"Talaga? Bakit hindi mo samin sinabi agad?" Clarise exclaimed.

"I want to keep it for myself muna." I exhaled.

"So, that was she whispered to you? Baka naman nag-aassume lang ang babaeng 'yon?" Nicole bursts.

"Malay natin. Naiinis ako kay Rex. Kung talagang may relasyon sila ng Zabrina na iyon, bakit nagbibigay pa siya ng motibo sa akin?"

"Motives? Baka naman isa ka pang nag-aassume?" Singit ni Anastasia.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka siya pinalo ng bahagya. Natigilan ako sa sinabi ni Anastasia. Napaisip din naman ako, was it all in my dream? Am I just assuming?

"Anong plano mo? Hindi ka titigilan ng Zabrina na 'yon."

"Kung gusto niya ng laro, pagbibigyan ko siya."

"By the way, kailan pala ang start ng practice n'yo?" Nicole asked.

"Mamayang hapon. After class, doon kami sa bahay. Good thing, hindi namin makakasama si Zabrina."

"Talaga? Bakit? 'Di ba nakasama siya as vocalist?" Tanong naman ni Nicole.

"Well, kahapon, sa meeting, dismayang-dismayado siya dahil magso-solo intermission siya. Kaming dalawa ni Rex ang magduduet."

"Mabuti nga sa kaniya." They laughed.

Pagkatapos naming kumain, we decided to go back in our room. Naglalakad kami sa hallway nang makasalubong namin si Zabrina with her friends. She's wearing her full-pack make up. Mapulang labi, makapal na kilay at, mga pisnging mukhang sinampal.

I internally laugh.

Okay naman sana siya, pumapangit lamang siya dahil sa everyday make-up niya.

I saw she raised her eyebrow.

I rolled my eyes.

Pinagtama niya ang aming mga balikat nang magkatapat na kami. Sinadya niya iyon. Agad akong nag-init kaya't nilingon ko siya. She's just a few steps away from me, nahawakan ko agad ang braso niya.

"What?" She bursts suddenly, popping the letter 't'.

"Impakta ka! Bakit mo 'ko binagga?" Mariin kong usal.

"Don't put the blame on me, girl! You are the one who hit me." She lies.

She starts tugging her arm. Kaya't mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko roon, when someone's presence appeared and I noticed him from the corner of my eye. He suddenly held me in one of my arms.

Napatingin ako sa kamay na iyon. I recognized it. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Lalo lamang nagpumiglas ang babaeng hawak ko. Sina Anastasia naman ay nakatingin lamang.

"Rex, look what she's doing to me."

"Pwede ba? Tama na nga! Kayong dalawa, nakakahiya! Dito pa kayo gumagawa ng gulo."

"For your information, 'yang impakta mong girlfriend ang nauna." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.

"No. She's the one who started."

Nanggigigil na talaga ako sa babaeng ito. Paano niya nagagawang magsinungaling? Napairap na lamang ako.

Every liar has this talent to reverse the truth.

"Huwag na kayong magsisihan." He paused. "At anong girlfriend?"

Nakita kong napayuko si Zabrina nang sabihin iyon ni Rex. She takes a step backward.

Naramdaman ko na naman ang biglang pag-angkin ni Rex sa kamay ko. My skin suddenly feels warm from his touch. I feel sheltered. Pakiramdam ko, naging safe ako.

"Pwede ba, Zabrina? Layuan mo na ako. Pati itong si Caz, dinadamay mo."

Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit niya sa kamay ko. Hindi na nagawa pang magsalita ni Zabrina. Tears began to fall from her eyes.

Tumakbo na siya palayo kasama ng mga kaibigan niya kaya't nakahinga na ako ng maluwag. Never comeback, Impakta! My mind speak.

"Kapag ginulo ka pa niya, sabihin mo sa'kin."

Humarap sa akin si Rex. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Nang tinignan ko ang mga mata niya, para akong malulunod. At this point, a millions of emotion runs through me.

Kitang-kita sa kaniyang mata ang pag-aalala, when my eyes automatically land up in his magnetic lips.

"Ana, let's go."

Mabilis kong tinalikuran si Rex. Hindi ako makatagal sa harapan niya. Nate-tempt ako sa labi niya. Baka hindi na ako makapagtimpi. Baka mahalikan ko na siya ng wala sa oras.

Curse this mind!

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon