28

7 1 0
                                    

Flasbacks

~♡~

Rex

"Rex, hindi ka pa ba uuwi?"

"Hindi pa po, Ma'am."

"O siya, mauna na ako sa'yo. Heto pala ang susi."

Nakangiti ako nang iniabot sa akin ni Ma'am ang susi ng library.

Palagi akong naglalagi rito sa library bago umuwi. Dito ko inuumpisahan at tinatapos ang iba kong gawain. Kaya't sa akin na lang inihahabilin ng librarian ang susi. May tiwala naman sila sa akin dahil araw-araw na rin naman ako rito.

Nakatitig ako sa papel na nasa harap ko ngayon. Paano ko ba sisimulan ang tulang ito? Wala akong maisip.

Napabuntong-hininga ako.

Ang higit sa lahat na hindi ko lubos maisip, talaga bang kailangan pang ipaggawa ang ganito kasimpleng assignment? Napailing na lamang ako.

"Ang aking crush"

Napapikit ako ng mariin. Ano bang alam ko sa pag-ibig? Kung hindi lang dahil kailangan, hindi ako tatanggap ng ganitong assignment.

Ilang minuto rin akong nag-iisip nang biglang naalala ko iyong unang pagkikita namin ni Czarina.

Problemado ako nang araw na iyon. Kinahiligan ko nang magpunta sa tabing-dagat kapag nalulungkot ako. Mabuti na lamang at mabait ang may-ari ng beach na iyon kaya't pwede roon tumambay.

Habang naglalakad ako, napansin kong may babaeng nakatayo. Mukha siyang nilalamig dahil nakayakap siya sa sarili. Napansin niya siguro ang pagdating ko kaya't nilingon niya ako.

Nang nagtama ang mga mata namin, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Matagal-tagal rin kaming nagkatitigan bago ako nabalik sa wisyo, habang siya ay titig na titig pa rin sa akin.

Kumunot ang noo ko.

Doon lamang siya natauhan. Isang metro ang layo namin sa isa't-isa. Nakatitig lamang ako sa malayo. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

Nang maramdaman ko na sa malayo na rin siya nakatingin, kinuha ko na ang pagkakataon para ako naman ang tumingin.

Nagulat ako nang muli siyang bumaling sa akin ngunit mabalis pa sa kidlat nang umiwas siya.

"Bago ka rito?" Naglahad ako sa kaniya ng kamay.

"Ako si Rex." Lumapit ako ng bahagya.

"Czarina." Sagot niya.

Pagkatapos noon, kahit na hindi ako nalulungkot, palagi na akong dumadako sa tabing-dagat. Hindi ko rin alam kung bakit.

Hanggang sa na-confirm ko na, hinihintay ko pala siya na muling magpakita. Araw-araw akong nagpupunta sa tabing-dagat saktong oras kung kailan ko siya nakita noon.

Ilang linggo rin.

Naggigitara ako noon nang mayroong umupo dalawang metro ang layo sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang makumpira ko na si Caz iyon.

Ilang linggo ko rin siyang hinintay. Ang akala ko, hindi na siya babalik.

"Czarina?" Pagsisimula ko.

"Yeah. But, you can call me Caz, anyway."

"Napakaganda."

Hindi agad siya nakapagsalita. Ako rin naman. At agad kong pinagsisihan nang banggitin ko iyon. Nakatitig lamang ako sa kaniya at totoo ang sinabi kong napakaganda niya.

*

Pagtingin ko sa orasan, 4:55 PM na. Masyado yata akong naaliw sa kaiisip. Kailangan ko nang umuwi. Baka wala na akong masakyan.

Pagdating ko sa bahay, tinulungan ko lamang si Mama sa pagluluto at nagsimula na ulit akong gumawa ng tula. Hindi ko nga alam kung bakit masyado kong pinagtutuunan iyon ng pansin kahit na nahihirapan ako.

Nang una kang nakita, parang ako'y nasa langit na

Agad kong pinunit ang isang pahina ng papel. Ang pangit. Ang corny. Ang hirap gumawa ng tula kapag hindi ka interesado sa topic. Isang line pa lang, nahihirapan na ako. Apat na stanza pa ang gagawin ko.

*

"Ma, aalis na ako."

"May pera ka pa diyan? Heto, idagdag mo sa baon mo."

"Hindi po, Ma. May pera pa naman po ako." Ngumiti ako. "Huwag ka na po sa'kin mag-alala. Aalis na po ako. Baka malate po ako eh."

Maasim ang ngiting binigay sa'kin ni Mama, ngunit sinuklian ko 'yon ng matamis na ngiti.

"Rex."

Nang naglalakad na ako sa corridor ng school, narinig kong tinawag ako ni Bryan. Kasama niya si James at Nick.

Alam ko na ang nasa isip nila.

"Girlfriend mo na pala si, Caz? Bakit di mo kami in-inform?"

"Hindi ko siya girlfriend."

"Don't me. Matagal ko na kayong nahahalata, 'di ba?" Lumingon siya kay James at Nick.

"Oo nga. Dude, huwag mong papakawalan 'yan." Usal ni Nick.

"Isipin mo 'yon? Itinanggi niya si Javier, pre para sa'yo. Ipinakilala ka pa niya sa kuya niya." Dugtong si James.

Napailing na lamang ako. Alam nila na gusto ko si Czarina. At 'yong nangyari noong sabado, no'ng birthday niya, hindi nila alam na walang katotohanan iyon. Walang kami. Hindi ko siya girlfriend.

Nang makarating na ako sa room, nakita ko si Caz kasama ng mga kaibigan niya. Nginitian ko siya, saka ako dumiretso sa upuan ko.

Ibababa ko na sana ang bag ko nang mapansin ko ang isang lunch box roon.

Kumunot ang noo ko.

"Sa'yo ba 'to?"

"Ah, hindi." Sagot nang isa kong katabi.

"Ikaw? Sa'yo 'to?"

Umiling siya.

Inilibot ko ang paningin ko. Nagbabaka-sakali na matunton ang may-ari ng lunch box na ito.

Hanggang sa napatingin ako kay Czarina.

"Para saan 'to?"

"Para sa'yo, syempre." Sagot niya.

"Hindi pa kasi kita nakikitang kumain sa canteen." Pagpapatuloy niya.

"A--"

"At saka, pambawi na rin sa nagawa ko, last saturday." Pagputol niya sa akin.

"Ah, wal--"

"Saka, 'di ba palagi mo 'kong dinadalhan ng ulam kapag sinasabay mo kong kumain? I just wanna make a return for everything."

Nakaupo kami sa ilalim ng puno kung saan ko siya unang dinala para kumain ng tanghalian. Gusto ko sana siyang tanggihan ngunit alam ko rin na wala akong sapat na pera para makakain.

Habang tahimik siyang kumakain, nakatitig lamang ako sa kaniya. Hindi niya iyon alam. Pinagmamasdan ko lamang siya habang nag-iisip kung paano ba ako magsisimula.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon