02

44 5 1
                                    

Javier

~♡~

I was heading downstairs when I saw Javier. He was holding red roses. Anong pakulo na naman kaya ang gagawin niya?

Nang mapansin niya ang presensiya ko, agad siyang napatingin sa akin. I saw him smirked. I hate the way he looks at me. Nababastusan ako.

"You look--"

"You look what?" I said, cutting him off.

"You look beautiful." He continued.

"I knew it." I rolled my eyes. "By the way, ang kapal mo talaga, ano? Bakit mo 'yon sinabi kay Mommy ha? Don't do this again, I warn you."

He just shrugged.

Nagsimula na akong lumakad palabas ng bahay. Hindi ko na kayang magtagal pa roon dahil baka mapatay ko na ang isang iyon.

Ramdam ko namang sumunod na rin siya sa akin.

Something's ringing in my ear.

He was doing a whistle.

I turned.

"Will you stop whistling? Parang nang-iinsulto ka pa, eh."

Padabog kong binuksan ang pintuan ng kotse niya at padabog ding pumasok. Nang makapasok na siya agad niya akong tinignan na tila ini-inspeksiyon niya ako.

I raised a brow.

"Ang ganda mo talaga. You got me fall for you everyday." He winked, handing me the roses.

Caramel-colored spaghetti, reap jeans, and white rubber shoes ang suot ko. Gold heart-shaped earrings at saka light na make-up. Simple pero may dating. Kaya siguro ang lalaking ito panay ang sulyap sa akin.

Nakatingin lang ako sa labas. Iniisip ko pa rin iyong pag-transfer ko sa Quezon Province. Ang dami-dami kong maiiwan at the same time ay mami-miss dito.

Mula nang magka-heart beat ako sa womb ni Mommy nandito na ako, dito na ako nahubog at lumaki ng ganito at sa isang iglap, iiwan ko na ang lugar na 'to.

"Ang lalim yata ang iniisip mo?"

"Mas gugustuhin ko pang kausapin ang sarili ko kesa makipag-usap sa'yo."

Dinala niya ako sa isang sikat na restaurant. All he just do was sat there with his eyes stucked staring at me.

"Anong kukunin mong strand?"

Nabulunan ako sa tanong niyang iyon. Muntik-muntikan na akong mamatay. Agad rin naman niya akong dinaluhan at iniabot sa akin ang isang drink.

"Hindi ko pa alam." Sagot ko habang umuubo pa rin. Lintik naman kasing lalaki 'to. Nakakagulat.

"At saka, bakit ba pati 'yon tinatanong mo?" I looked up to face him.

Manipis ang labi niya at heart-shaped. Mapungay ang mga mata niya at hindi ganoon katangos ang ilong. Sakto lang, bumagay naman sa kaniya. Gwapo sana ang lalaking ito kaso...

"Syempre, dapat palagi akong updated sa mga pangyayari sa buhay mo." He chuckled.

Kaso, assumero.

"Magta-transfer na ako." I said, disregarding his corny banat.

"Ha? Saan? Bakit?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Pupunta ng state ang Mommy at Daddy. Ihahabilin nila ako sa kapatid ko roon sa Quezon Province. Two years sila sa state, so, It only means, tatapusin ko ang highschool doon."

"So, paano na tayo?"

"Walang tayo, Javier. Huwag ka ngang assumero."

Pagkatapos naming kumain, dinala naman niya ako sa isang mall. Habang naglalakad kami, marami ang tumitingin sa amin. Siguro'y inaakala nila na couple kami. He was about to hold my hand pero iniwas ko agad ang kamay ko.

"Kung maglilibot lang naman pala tayo, sana iniuwi mo na lamang ako." Reklamo ko.

"Gusto mo bang maupo muna?"

"Hindi. Gusto ko na lang maglakad nang maglakad hanggang sa mawalan na ako ng sapin sa paa."

"Ganoon ba? O sige. Halika ka."

Mabilis niya akong kinaladkad papunta sa elevator. Nang makarating kami sa third floor ay patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Ang Mokong na ito, talagang papagurin ako? Walanghiya!

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Pagod na pagod na ako. Saan niya ba ako dadalhin?

"Anong gagawin natin dito?"

Hindi siya sumagot.

Pagkatapos niyang bumili ng ticket ay agad niya akong kinaladkad papasok sa loob ng sinehan.

Pumantay siya sa akin sa paglalakad. At agad na naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. I glared at him. And give him a look when I am ready to murder.

Titig na tiig ako sa screen habang nanonood. Hawak ko ang popcorn at maya't-maya ang pagkuha ko roon nang bigla akong natigilan dahil naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

Pinagtaasan ko agad siya ng kilay and give him a look like get your hands off me.

Tumawa lang siya.

"Ang ganda mo pa rin kahit nagsusungit ka. Don't get mad so easily. It was an accident, future wife." He winks.

"Huwag mo nga akong pinaglololoko. Sinadya mong ipatong ang kamay mo sa kamay ko kasi gusto mong makachansing."

It was exactly 8:00 PM, when he thought that it was time to go home. We're on our way home. Tahimik siya habang nagmamaheno. Kanina ko pa iyon napapansin. Nakapagtataka ang biglang pagtahimik niya.

"Anything else to say?" I said.

"Just always remember, I love you."

I sighed.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon