29

2 1 0
                                    

Assignment

~♡~

"Hey. Pwedeng sumabay?"

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tabing-kalsada.

"So, nasan na ang sundo mo?" Panimula niya.

"Commute lang ako."

Hindi ako tumitingin sa kaniya noon. Masyado siyang maganda. Hindi lang talaga ako makatagal na titigan ang mukha niya. Nahihiya rin akong kausapin siya kaya't pinipili ko na lang na manahimik.

"Ahm, nagulat ka ba?"

Tumingin ako sa kaniya. "Saan?"

"Kasi dito na ako nag-aaral."

"Hindi naman."

Ilang minuto rin kaming hindi nagsasalita. Ewan ko ba. Nang lumingon ako sa kaniya, nakapikit siya habang nakanguso sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Natatawa ako pero pinipigilan ko dahil ayokong ma-offend siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Nothing." Mabilis niyang sagot, saka inayos ang tayo.

"Anyway, malapit nang dumating ang sundo ko. Sabay ka na samin."

Hindi pa ako nakapagsasalita noon, kinaladkad na niya ako papasok sa sasakyan nila.

"Wait Manong, lilipat na po ako sa backseat sasamahan ko na po siya roon."

Napatingin sa akin ang driver nila nang sabihin iyon ni Czarina. Makulit talaga siya. Makulit pero mabait.

"Salamat ah?" Panimula ko.

"Okay lang. Saan ba ang sa inyo?"

"Malapit sa Geraldine Beach Resort."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, biglang may tumawag sa kaniya. Siguro'y boyfriend niya 'yon.

"What?" Iyon ang una niyang bungad sa kausap.

"Bakit naman kita rereplyan?"

Naisip ko na baka nag-aaway sila kaya ganyan siya makipag-usap.

"Future husband mo mukha mo! Tumigil ka, Javier!"

Pagkatapos noon, pinatay na niya ang call saka siya ulit bumaling sa akin.

"Sino 'yon?"

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.

"Ah, wala. Congrats pala." Nag-abot siya sa akin ng kamay.

"Para san?"

"First honor ka pala last year?"

Nginitian ko siya. Nang natanaw ko na ang bahay namin sinabi ko na ibaba lang ako roon sa tabi. At sa huling pagkakataon, nagpasalamat ulit ako.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Mabilis kong ginawa iyon bago ako tuluyang tumalikod.

Pagkatapos noon, halos araw-araw palaging ganoon ang aming eksena.

"Going home alone?"

Tumango lamang ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kinakausap pa rin niya ako pagkatapos kong nakawan siya ng halik.

"Caz?" Tawag ko sa kaniya. "Galit ka ba?"

"Kanino?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi ko sinasadiya 'yong kagabi. Maiintindihan ko kung lalayuan mo ako. Kung iisipin mong may masa--"

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon