21

9 1 0
                                    

Familiar

~♡~

"Alam n'yo na ang gagawin n'yo okay? Humanda na kayo, kasunod na tayo." Rex says, reminding us.

Tahimik akong nakaupo sa backstage. Feeling a bit nervous.

Kumakanta na si Zabrina. Maraming naghihiyawan. Maraming sumisipol, obviously for that boobs of her showing off on her outfit.

Nakatanggap na naman ako ng matatalim na titig mula sa kaniya bago siya mag-intermission. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayaw kong masira ang araw ko.

"Caz, okay ka lang?"

Napatingin ako kay Bryan na katabi ko ngayon. I nodded as a response.

Mataman kong pinagmamasdan si Rex. Katapat ko siya sa upuan. Abala siya sa pag-ayos ng tono ng gitara niya.

"Baka matunaw." Rinig ko bulong ni Bryan

I just rolled my eyes at him.

Napakasipag niya. He can do all things even if it means make him slave so, he can pay the school fees on his own.

Hindi sapat ang kinikita ni tita Alice para punuan ang mga pangangailangan niya.

"Nag-enjoy ba kayo?" Sigaw ng emcee mula sa mikropono.

Pagkatapos magsigawan ng mga estudyante roon, heto na naman ang puso ko, naghaharumentado. Nakakainis. Bakit kinakabahan ako? You can do it, Czarina.

"Ready na ba kayo sa susunod na intermission? Let's give it up to the Dream Band!"

We walked heading to the stage. Halos banggain pa nga ni Zabrina ang balikat ko nang makasalubong ko siya.

Nakakadiri ang suot niya. I rolled my eyes. Dapat hindi na siya nagdamit. Tss!

"We miss you, Rex!" Sigaw ng isang grupo ng mga babae sa baba.

Sikat pala talaga siya sa school na 'to. May mga banner pa ang iba showing their support.

Biglang tumahimik ang lahat nang magsimula nang mag-strum si Rex. Nakaabang ang beatbox kay Bryan. Ang isa pang gitara ay kay Nick.

Si James ang tumugtog kanina kay Zabrina kaya't wala na siya rito.

Inilibot ko ang mga mata ko. Teachers, students and visitors, they're all here. I remember how I sing in the South Band. Marami akong fans doon. Sikat ang banda namin. I can make all these things happen again. You can, Czarina!

"Ito na ang ating huling sandali
'Di na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin, ito na ang wakas."

Nakakabingi ang hiyawan ng mga estudyanteng baliw na baliw sa kaniya. Intro pa lamang, tila hindi na sila mapakali sa kinatatayuan nila, ang mga babaeng nahuhumaling sa kaniya.

"Hawakan mo aking kamay
Bago tayo maghiwalay
Lahat, lahat ibibigay
Lahat, lahat."

The noise is getting harder. Even boys are screaming. Nakakatuwa. May banner din silang ginawa para sa akin.

"Go, future wife, Czarina!" Medyo natawa ako sa nakasulat sa banner na iyon.

I was trying to find out who was holding it, pero hindi ko makita kung sino dahil sobrang crowded sa part na iyon.

"Ganda mo po ate Caz, be mine! - Robert D. STEM 2." Mas lalo akong natawa sa isang ito. Apuradong-apurado. Gustong-gusto akong jowain ah?

"Paalam sa'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw."

Mas lalong umingay. Nakakabingi ang hiyawan. Iba't-ibang mga komento ang maririnig mula sa kanila. Nakakabingi pero masarap sa tainga.

Mas malakas ang sigawan ngayon kesa kanina. Nakakatuwa.

Nang nasa huling bahagi na kami ng kanta, I turned my gaze to him. He was also staring at me. No, I didn't looked away. I want to stare at him, too.

Ang sarap niyang pagmasdan. Nalulunod ako at tila dinadala sa ibang dimensiyon.

"That was amazing! Bagong tandem ba 'to? Mukhang may bagong kayong susuportahan."

Naghiyawan lalo ang mga estudyante nang sabihin iyon ng emcee. Ngumiti ako sa mga taong naroon. Visitors and teachers are also showing off their smile.

This isn't the spotlight of the event but it feels  so.

Nang makarating kami sa backstage sinalubong kami ng greeting mula kay James. Niyakap niya ako. Sobrang galing ko raw kumanta. Mukhang dudumugin daw ako ng mga estudyante mamaya. Natawa ako sa sinabi niya pero pinagwalang-bahala ko na rin.

Nakapagtataka, wala rito si Zabrina. Where is she? Did she walk out?

A few seconds, someone came out. He's heading towards us. Marami siyang kabuntot, and Zabrina's one of them. I can't find his face because the banner was covering his face.

"Go, future wife, Czarina!

"So, it's him. Suddenly, something flashes on my mind.

Why it is sound so familiar?

"Ang tagal naman mag-reply ng future wife ko. Let me guess, kinikilig ka no? HAHA"

Could it be...

"I miss you. Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko? Nagcha-chat din ako sayo."

"Bakit naman kita kailangang reply-an?"

"I'm your future husband, Czarina."

"Future husband mo mukha mo! Tumigil ka, Javier!"

Him?

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon