34

0 0 0
                                    

Zabrina

~♡~

"Hindi ko alam kung anong iniisip mo." Umiling muna siya. "Bakit siya? Wala ka na bang mahanap na iba?"

"Saka ang sama-sama naman ng ugali no'n." Dagdag ni James.

"Tama na nga 'yan." Pagputol ko sa usapan nila.

Tumigil silang lahat.

Bumaling sila sa akin na may nangungusap na mga mata. Ilang segundo. Tila baga mayroon akong kasalanan na dapat aminin sa kanila.

Napalunok ako ng laway.

"Problema n'yo?"

Dali-dali nila akong tinabihan, saka kaniya-kaniyang humanap ng magandang puwesto.

I sighed.

"Oh! Teka, teka naman." Pumikit ako nang mariin bago muling nagsalita. "Paano tayo magkakaintindihan kung sabay-sabay kayo."

Mabilis silang tumahimik at umupo ng maayos.

"Ikaw muna, James."

"Kailan pa?" Hindi gaanong malakas ang boses niya. Tila binubulong lang niya iyon.

"Nung isang araw pa." Tumingin ako kay Nick. "Ikaw?"

Binigyan niya ako ng taas-baba niyang nguso kasabay ng kaniyang mga kilay.

Kumunot ang noo ko. Hanggang sa na-realized ko na kung bakit niya ginagawa iyon.

Umiling ako sa pagkadismaya. "Oo."

Nagsigawan sila.

"Hoy, hoy, huwag kayong maingay."

"Wow naman. Masarap ba labi ni Czarina?" Singit ni Bryan.

Napapikit ako ng mariin.

"Malay ko." Inirapan ko sila. "Nung pinaglaruan n'yo kami. Noon ko lang siya nahalikan."

"'Di kami naniniwala diyan."

"Bahala kayo kung ayaw n'yong maniwala. Ikaw Bryan, may itatanong ka pa ba? Para matapos--"

"Aba, oo naman. Ako pa?"
Ngumisi siya.

Umayos muna siya sa kaniyang pagkakaupo.

Binigyan niya ako ng pilyong ngiti.

"Ehem," lumapit siya sa akin. "May bed scene na ba?" Bulong lang iyon. Sapat para marinig naming lahat.

"Baliw ka talaga." Binatukan ko siya. "Syempre--"

"Syempre meron."

"Syempre, wala!" Bulalas ko.

Ang dami-raming pu-pwedeng itanong, 'yon pa talaga? Hindi na ako magtataka kapag dumating sa punto na masaktan ko na sila.

Mga bastos.

"Nick!"

Naagaw ang atensiyon namin ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko ito, isang pamilyar ding babae ang nasilayan ko.

I exhaled.

Mabuti na lang at pinormahan ni Nick ang isang ito, kundi hanggang ngayon nagmimistulang aso pa rin siya sa kakahabol sa akin.

Naupo siya sa tabi ni Nick.

"Kailan pa?" Agad kong tanong kay Nick.

"Last, last week pa."

Tumango lamang ako. Kasunod ay ngumuso ako na tila ginagaya iyong ginawa niya kanina.

Nagtawanan kaming lahat.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon