05

17 3 0
                                    

Wrong

~♡~

Binili pala nina ate Sofia ang beach na iyon. Narinig ko iyon sa usapan nila ni Mommy.

Sa kahabaan ng taon ay mas lalo pa raw nila iyong pinaganda, nilinis at isinaayos. Maganda raw ang spot nito kaya't dito rin mismo sila nagpatayo ng malaking bahay.

Bukas ay pasisimulan pa lang buksan ang Geraldine's Beach Resort. May dalawang linggo na pala itong tapos. Natagalan lamang sapagkat marami pang papeles ang isinaayos.

Nang sumunod na araw dinagsa agad ang beach na iyon. Kaya't naging busy sina si ate Sofia. May mga nakakatulong naman silang tauhan para i-assist ang mga taong bumibisita roon kaya't hindi ito masyadong tiring.

"Bago ka rito?"

Umaalingawngaw pa rin sa tainga ko ang tanong niyang iyon. Mahinahon at malambing. Noon ko lamang napagmasdang mabuti ang mukha niya. Napakagwapo. Lalo pa akong nataranta dahil sa abs niyang nakabalandra sa akin.

Halos hindi ko rin makuhang makipagtitigan sa kaniya. Para akong nanghihina sa mga titig na iyon. Parang anytime, mawawalan ako ng malay.

Paano ba naman kasi masyadong distracting ang dalawang bagay sa kaniya, ang kaniyang abs at mata.

Naglahad siya sa akin ng kamay. Halos mapatalon ako sa gulat nang gawin niya iyon. Really? Hindi na nga ako makagalaw rito tapos aalukin pa niya ako ng shakehands?

"Ako si Rex." Lumapit siya sa akin.

"C-czarina." I stuttered.

I was about to offer my hand when he suddenly grabs it. I felt my hand land up in him. Napakurap-kurap pa ako at saka marahang nilumod ang laway na kanina pa naka-stuck sa lalamunan ko.

Para siyang may super power. Tila may dumaloy na electricity sa katawan ko mula sa shakehands na iyon.

"Will you please sit down? Nakakahilo ka."

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad-lakad rito sa loob ng kwarto. Hindi maalis sa utak ko ang mga ngiti ng Rex na iyon. Pati ang mga mata niyang tila nilulunod ako.

"Czarina, nahihilo na ako sa'yo." Pagrereklamo na naman ni Ayana.

"You, shut your mouth! Kung hindi mo ako iniwan kanina roon, hindi ako magkakaganito."

"Ano bang nangyari sa'yo? Nakakita ka ba ng multo? Aswang? Bampira? O hindi kaya gwapong lalaki na mala-anghel ang mukha? O yung tipong nakakahimatay ang katawan? Ano? Magsab--"

"Ayan, ayan natumpak mo. Ganyang-ganyan ang nakita ko."

"Ano? Multo? Aswang?"

"Nope. Hindi 'yan. Iyong mala-anghel na mukha." Pagtatama ko sa kaniya.

Hindi siya tumigil na guluhin ang tahimik kong mundo. I had just took a nap, when she suddenly throws me a pillow. She wants me to tell her what was exactly happened between me and Rex. I have no other choice, so I did.

"Pero alam mo ba, may hindi ako nagustuhan sa kaniya eh." I said.

"Ano naman 'yon?"

"Much better sana kung, I'm Rex. Mas cool 'di ba? Ang baduy naman kapag, Ako si Rex." I chuckled.

Kinaumagahan, nag-akit sina Mommy na mag-swimming. Mabuti at may swim-suit sina ate Sofia sa mini store nila kaya't hindi na ito naging problema.

Masaya kaming lahat na nagtatampisaw sa dagat lalo na ang cute na cute na si Geraldine.

Napagdesisyunan namin ni Ayana na umahon at maupo sa buhanginan. Feel na feel niya ang suot niyang sun-glasses. Marami ngayong tao rito sa Geraldine's Beach Resort. May bata, matanda. May panot, may kalbo, may maputi, may maitim at maroon ding sunog.

Ngunit hindi pa rin mawawala ang mga naggagandang dilag at makikisig na mga ginoo. Kaya naman panay ang hunting ni Ayana sa mga gwapong naroroon.

"Look at that boy. Yung nakasandal sa puno. Gosh! Ang hot!"

"Di ako interisado diyan. Saka, tigilan mo na nga 'yang kaharutan mo. May jowa ka na, lumalandi ka pa. Gusto mong isumbong kita kay Sheen?"

"Ikaw naman. Wala akong balak jowa-in ang mga kupal na yan. Madali lang talaga ako ma-attract sa mga gwapo."

"Ang sabihin mo, malandi ka lang talaga."

"Wow. Hiyang-hiya ako sa'yo Czarina Buenaventura. Sino kaya ang halos mamatay sa kaiisip sa isang gwapong nilalang na mala-anghel daw ang mukha? 'Yong tipong hindi ka raw magkakatulog? Mahihimatay raw siya sa abs nito at hindi malaman ang gagaw--"

"Shut up, Ayana!" I narrowed my eyes, "Or else I will tell Sheen what you're doing."

"Okay, okay fine. Easy lang." She chuckled.

Tumahimik din naman agad siya. Naalala ko tuloy iyong nangyari kahapon. Naalala ko si Rex kaya't agaran siyang hinanap ng mga mata ko.

Baka nandito siya. Gusto ko siyang makausap ulit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at iniwan ang babaeng patuloy pa rin sa paghu-hunt.

Naglakad-lakad ako.

Nagbabakasakaling naririto siya.

Gotcha! Nakita ko siyang nakatalikod habang naglalakad. Sa hubog pa lamang ng katawan alam kong siya 'yon.

Tumakbo ako para abutan siya.

"Rex." Hinawakan ko ang braso niya.

"What's wrong with you, Miss?"

Natigilan ako at parang binawian ng lakas. Unti-unti akong nanghina at kusang bumitaw ang mga kamay ko sa pagkakakapit sa braso niya. Agad rin naman niya akong tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

I was wrong. He's not Rex.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon