13

8 2 0
                                    

Jealous

~♡~

Busy ang lahat sa pagsusulat habang ang teacher namin ay busy rin sa kaniyang ginagawa. Nakatingin lang ako kay Rex the whole time.

Seryoso siyang nagsusulat.

Bigla kong naalala 'yong nakita ko kahapon. Zabrina Alcantara isn't a typical girl. Sa unang tingin mo pa lang sa kaniya, mayroon ka nang masasabing hindi maganda.

Naalala ko kahapon habang nasa auditorium kami. Actually, nakaupo pa lang ako noon, sense ko na ang mga matatalim niyang titig sa akin. I just don't know why.

"Czarina."

Lunch time.

We're heading our way towards the canteen when someone calls my name from behind.

Sabay-sabay kaming napalingon. Mabilis na tumatakbo si Rex papunta sa amin. Ang mga kaibigan ko naman ay panay ang sundot sa akin. Minsan nga, nasasaktan na ako dahil kung saan-saan na iyon tumatama.

"Ayan na siya!" Bulong sa akin ni Anastasia.

"Pwede ko bang hiramin si Czarina, saglit?" Hinawakan niya ang braso ko.

"Oo naman, Rex. Basta ganito ah? Ibabalik mo siya sa amin na kumpleto. Walang bahid ng dungis o kahit ano, okay?" Clarise exclaims.

"Oo, iingatan ko 'to."

Parang gusto nang bumigay ng mga tuhod ko. I hate my mind. Iba talaga ang meaning para sa akin ng mga sinasabi niya. One more thing, I hate his hobby na bigla na lang humahawak sa akin. Nakukuryente kaya ako everytime na maglalapat ang mga balat namin.

"San mo ba ako dadalhin?"

"Malalaman mo rin."

Agad niyang hinigit ang mga kamay ko. Ang mga baliw ko namang mga kaibigan ay halos mamatay na sa kilig.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad kami. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti.

Dinala niya ako sa isa sa mga paboritong tambayan ng mga estudyante rito. Marami ritong puno. Masarap ang dampi ng hangin. Occupied naman ang halos lahat ng mga bench dito. At karamihan sa mga nakikita ko, couples.

What? Couples.

"Dito tayo."

Nasa ilalim kami ng isang napakalaking puno. Sapat ito para hindi kami gaanong mainitan ng araw. Mayroon siyang inilatag doon para makaupo kami ng maayos. Pagkatapos, may inilabas siya galing sa loob ng kaniyang bag.

"Oh eto, ulam mo. Luto 'yan ni Mama."

"Really?"

"Oo. Nakakatuwa ka raw kumain. Mukhang nagustuhan mo raw ang ulam na yan." He chuckled.

Busy pa rin siya sa pagkuha ng mga pagkain sa loob ng bag niya. Ako nama'y nakatitig lamang sa kaniya at pinagmamasdan siya. I can't even remember when we get to this close.

Nagsasalita pa rin siya habang kinukuha ang mga pagkaing nasa bag niya. Hindi ako sumasagot, hindi ako nagsasalita. Hinahayaan ko lang siya.

"Pansin ko nga rin na nagustuhan mo. Ang lakas mo palang kumain." Tumawa siya.

Napansin niya siguro ang katahimikan ko kaya't nilingon niya ako. Eto na naman ang mapupungay niyang mata. Ang buhok niya na talagang bumagay sa kaniya, ang ilong niyang kaiinggitan talaga, at ang labi niyang gusto ko ngayong angkinin.

My heart starts to beat violently. Lalo na ng makita kong dumapo ang tingin niya sa labi ko.

"Kain na tayo." He said, diverting his eyes from me.

"Sige. Anyway, bakit ako lang ang isinama mo rito? Dapat isinama na natin sina Ana kung kakainin lang naman pala tayo."

"Gusto ko kasi--"

Naghihintay ako ng kasunod niyang sasabihin. It takes seconds before he continued.

"Kasi para sa'yo lang kasi 'yang ulam na 'yan."

My heart wanted to bursts out my ribcage. Everything in me, parang sasabog na ako sa kilig. I can't even speak. Walang lumalabas na kahit singaw mula sa bibig ko.

"How sweet."

Naagaw naman ang atensiyon naming dalawa nang biglang may nagsalita. I looked up to see her face. Nakatayo siya sa harapan namin.

Her face again.

Nakita kong kumunot ang noo ni Rex.

"'Bat nandito ka?"

"So, siya na 'yong ipinalit mo sa akin?"

Agad akong napatingin kay Rex. Nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatingin kay Zabrina.

Biglang sumikip ang dibidb ko. Iyong kirot na naramdaman ko kahapon habang nakapulupot ang kamay ni Zabrina sa braso ni Rex ay siyang kirot na nararamdaman ko ngayon.

Tumayo si Rex at agad na hinawakan ang braso ni Zabrina. Hinigit niya si Zabrina palayo sa akin. Hindi naman sila ganoon kalayo. I could still see from here their arguments.

Gumagapang pa nga ang kamay ni Zabrina sa braso ni Rex na tila kinakalma ito. Sa kilos pa lamang ay mahahalata na ang malaking pagkahumaling niya kay Rex.

"Ang landi." Napairap ako.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon