18

13 1 0
                                    

Girlfriend

~♡~

"Why are you late, Ms. Buenaventura?"

Matalim ang tingin sa akin ni Ma'am habang nakataas ang isa niyang kilay. Nakakatakot ang mukha niyang tila mangkukulam.

Napayuko ako dahil doon. What should I do? Ang sungit pa naman ng matandang ito.

"Ma'am, ano kasi, nasiraan po kase kami." Excused ko.

"Whatever your reasons, you must remember the punishment."

I nodded.

I walked over, looking up to my classmates, standing infront of the class.

Lahat ng mga mata ay nasa akin.

Until my eyes found Rex. Napapikit ako ng mariin nang maalala iyong nangyari kagabi.

Bigla tuloy akong kinabahan.

"What we had yesterday were activities. Ma'am also discussed the different kind of Literary Genre. Which are drama, non-fiction, fiction and poetry. We also classified different types of works into which it must be included." I recited.

After those morning class, we went to the canteen. Todo-todo pa ang mga tanong sa akin nina Nicole kung bakit daw ako na-late nang bigla naming nakita namin si Zabrina.

She was taking her turn for her foods. I rolled my eyes.

Mukhang naramdaman niya agad ang presensiya naming apat kaya't napalingon siya.

She was with her friends. Masakit ang bawat titig na ibinabato niya sa akin ngunit sa palagay ko ay masasakit ang mga titig ko sa kaniya.

Tumayo ako para sana ako kunin ang foods namin. When Zabrina crossed her way against me.

Sinadya ng bruhang banggain ako.

Natigilan ako. Hindi ako makagalaw.

Ang uniform ko, shit! Wala akong pamalit.

Pinagmasdan kong mabuti ang damit ko bago ko ibinaling sa bruha ang tingin ko.

"Ow, sorry bitch. Dapat kase tumitingin ka sa dinaraanan mo." She said, smirking.

Nakita kong tumayo sa pagkakaupo si Anastasia. Suddenly, she grabbed Zabrina's hair. Halos makalbo na si Zabrina sa ginagawa sa kaniya nito ngayon. Sobrang haba pa naman ng buhok nito kaya't halos hindi siya makagalaw.

Nakuha namin ang lahat ng atensiyon ng mga taong naroon kaya't naisip ko nang awatin sila bago pa ito umabot sa guidance.

My friends have the same mind as me kaya't heto sila at inaawat na rin ang dalawa.

Mukha silang ni-rape pareho ng maawat na namin sila. Bigla akong natawa sa mukha ni Zabrina.

"Ikaw ha? Pinalampas ko 'yong mga ginagawa mo noon sa akin pero ngayon?" Tumigil siya para ayusin ang buhok niya. "Hinding-hindi na kita uurungang bruha ka!"

"Pakialamera ka! Ikaw ba'ng nabangga ko? Ha?" She bursted.

"You mess with my friends, you mess with me." Mariing tugon ni Anastasia.

Napangiti ako sa sagot niyang iyon. Sa aming apat, siya itong napakabait yet napakatapang. Sa kaniya ko halos inilalabas ang lahat ng heartaches, heartbreaks, heartattacks, heartburns, etc., basta lahat ng may kinalaman sa puso ko.

Ang sarap sa feeling na mayroon kang kaibigan na isu-support ka sa lahat. 'Yong kaibigang nandiyan palagi para sa'yo. 'Yong kaibigang hinding-hindi ka iiwan through ups and downs.

Yes, she exists, she's Anastasia.

"Ikaw!" Zabrina points out towards me.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit sobrang close n'yo ni Rex ha? May gusto ka siguro sa kaniya, no? Ang kapal mo."

"Hoy, bruhelda! Sa'yo na si Rex kung gusto mo. Isaksak mo pa sa baga mo!" Inis kong tugon sa kaniya.

"Why did he takes such a great liking towards you, ha? Anong ginawa mo sa kaniya?"

"Eh, ano naman sa--"

"Hindi ka gusto, di 'ba? Huwag mo nang ipilit ang sarili mo kasi masasaktan ka lang."

Agad akong napalingon sa likod dahil doon galing ang boses ng nagsalita.

There I saw Bryan, James, Nick and Rex. Nakatingin silang apat sa amin.

I remember something.

"Zabrina, your voice isn't match with Rex. You're going to have your solo intermission. Ayaw mo ba noon? Exposure. Like what you always want."

Ngayon lamang sa akin nag-sink in na si Bryan pala iyong bumara noon kay Zabrina.

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman ko ang kamay ni Rex sa braso ko. Matalim ang tingin niya kay Zabrina.

Nakakatakot ang tingin na iyon. Suddenly, he held my hand, edging closer to me.

"Tigilan mo na ang girlfriend ko. Pinagsabihan na kita, hindi ba?"

Napatingin ako sa kaniya.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon