06

20 3 0
                                    

Confession

~♡~

Ngayon ang huling araw nang pamamalagi namin dito sa Quezon Province. We will go back home. Kaya naman naisipan na ni Mommy na isagawa ang tour.

Kasama namin si Ayana at Geraldine. Nakakapagod ang buong maghapon. Halos lahat ng sulok ng bayang iyon ay pinuntahan namin.

"By the way, paano 'yong banda n'yo?"

"Pag-uwi natin, kakausapin ko sina Michael." Tugon ko.

"Siguradong malulungkot 'yon. Mawawalan na sila ng vocalist."

Pauwi na kami sa bahay nina ate Sofia galing sa pag-tour. Wala na akong magagawa. Useless lang kung maghahabol pa ako. Dito ko na lang siguro ipagpapatuloy ang nasimulan ko. Dahil for now, final na 'to. Dito na talaga ako mag-aaral.

No more but's.

No turning back.

"Siguradong maraming malulungkot sa pag-alis mo. 'Yong mga fans mo sa school pati mga admirer mo. Baka umiyak ang mga yon. Yari ka." She laughed.

"I will miss them, too."

"Magpahinga agad kayong dalawa. Aalis din tayo ng madaling araw."

"Opo, Mommy."

Nang makarating kami sa bahay, agad kaming nagpahinga. Naghihilik na si Ayana habang ako...

"Ako si Rex."

"Ako si Rex."

"Ako si Rex."

Napapikit ako ng mariin. Curse this head! I can't get him out of my mind. Ano ba naman? Ilang oras na lang at ba-byahe na kami papuntang Manila.

Maaga kaming umalis sa Quezon Province. Tahimik ako sa buong byahe. Parang may kung anong kumukurot sa puso ko habang palayo kami nang papalayo sa lugar na iyon.

*

One week had already passed nang makauwi kami rito sa Maynila. I only have one week left to stay here kaya't napagdesisyunan kong kausapin na ang mga bandmates ko.

"Caz, huwag ka nang umalis."

"Paano na kami? Mahirap humanap ng tulad mo. Maglalaho ang South Band kapag umalis ka. Alam mo 'yan."

"I don't want to leave but I have to. Marami pang magagaling diyang iba. Magpa-audition kayo. Napakalaki ng school natin."

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila. Kasisimula pa lamang ng South Band last year. I really don't want to leave but I know they can make it, without me, they can still make it.

Mami-miss ko si Carlo na palagi akong inaasar kay Javier.

Si Jet na napakalambing at napakabait. Halos kapatid na ang turing ko sa kaniya.

My buddy, Michael. Nag-iyak daw ito nang malaman na aalis ako. Ano namang kayang drama iyon? Natawa ako nang sabihin iyon sa akin ni Carlo. Ayaw raw niya akong kausapin kaya't wala siya rito ngayon.

"Let's go. Punta tayo sa bahay nila. Hindi pwedeng aalis ako na hindi ko nakakausap ang kupal na 'yon."

Agad kaming umalis at tinungo ang bahay nina Michael. Nang makarating na kami, agad kaming pinagbuksan ng gate ng yaya nila.

When we get inside, I saw Michael watching Spongebob.

"Anong ginagawa n'yo rito?" Tanong niya nang mapansin ang pagdating namin.

"Huwag ka ngang ganyan. Don't tell me hindi mo alam na magkikita-kita tayo ngayon?"

Inirapan niya ako. Sina Jet at Carlo ay umupo sa kabilang sofa. Ako naman ay tinungo ang ref at kumuha ng alak saka inihain sa kanila.

Hindi ako masyadong umiinom. Hinahayaan ko lamang silang tatlo na magpakasabog. Maya-maya pa ay nagsimula na silang mag-iyakan.

"Mag-ingat ka ron, ha? Kapag may umaway sa'yo sabihin mo lang sa'kin. Hindi ako magdadalawang-isip na puntahan ka ron."

"Ate, mami-miss ka namin ng sobra. Kahit na minsan ang sungit mo. Mahal na mahal ka namin."

Isa na lang ang hindi pa umiiyak. Nagulat kami nang bigla siyang tumayo at kinaladkad ako papunta sa labas. Hindi naman sumunod ni isa sa dalawang nasa loob.

"Bakit mo ako dinala rito?"

"Shit, Caz! Bakit ngayon ka pa aalis?"

"Sorry. Sorry talaga. Hindi ko naman gustong mag-quit." I looked down in disgrace.

"No. Not that." Pag-iling niya. He paused for a while. "Czarina, gusto kita."

Nagimbal ako sa sinabi niya. All this time? Kaya pala iba ang sweetness na ipinapakita niya sa akin. Akala ko, wala lang 'yon. Akala ko, it was a friendly act.

Iniangat niya ang ulo niya at hinarap ako. He was crying.  What should I do? Hindi ako makapagsalita. Napako ako sa kinatatayuan ko. Alam niyang hindi ito pwede. Napag-usapan na namin ito bago pa man namin simulan ang Band na 'to.

"Y-you can't." I stuttered.

Napailing ako. Yumuko ako sapagkat hindi ko na kayang tignan ang mga mata niya. Namumula na iyon. I really don't know what the fuck to do.

"Stop crying."

He edged closer to me. Reaching for my chin. Napatingin ako sa mga mata niyang punong-puno ng mga luha. Inilapit pa niyang lalo ang mukha niya sa akin.

He was about to kiss me!

Napahawak siya sa pisngi niya dahil sa lakas ng sampal ko. Tumulo agad ang luha ko nang gawin ko iyon. Bigla akong napunuan ng inis sa ginawa niya.

Mabilis akong tumakbo palayo habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

Nakakainis! Nakakabastos!

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon