20

21 1 0
                                    

Poem

~♡~

"Bakit hindi ka pa umaalis? May klase pa tayo 'di ba? Mala-late ka na."

"Hindi muna ako papasok." He says.

"Why?"

"Hindi ka kasi papasok." He replied.

Natigilan ako sa pagpapatuyo ng buhok, napakagat sa sariling labi, saka bumaling sa lalaking busy sa pagkuha nang kung ano sa loob ng bag niya.

"Dito muna ako."

"You can't. Baka kung ano pang isipin ng kapatid ko. Baka isipin pa niyang may ginagawa tayong milagro dito."

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita pagsasamantalahan."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Kaya pala kung titigan niya ako kanina ganoon na lang. Tapos sasabihin niyang hindi niya ako pagsasamantalahan?

Weh? 'Di nga?
Pwede naman eh. My mind speak.

"Okay fine. You stay."

Maya-maya pumwesto siya roon sa table. Naka-indian seat siya. Doon niya inilagay ang mga libro at mga unfinished paper works na kinuha niya kanina.

Lessons are getting heavier this past few days. Lots of projects and paper works.

"Alam mo, ang pangit ng damit mo."

Masaya akong nakaupo sa aking kama dahil kasama ko siya ngayon. Nag-iimagine ng mga bagay-bagay tungkol sa aming dalawa nang bigla akong napatingin sa kinaroroonan niya.

Nang bigla siyang nagsalita.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"May problema ka ba sa suot ko?" I raised an eyebrow.

"Trip na trip mo 'yong pormang ganyan no?" Tinignan niya ako. "Ang pangit, mukha kang pokpok."

How dare him to say that straight to me? Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. For Peter's sake! Ako? Pokpok?

Nakuha pa niyang sulyapan ako and what the heck? Where on earth you could find a handsome guy like him rolling an eyes?

Ang taray.

"Magpalit ka na."

Napairap na lamang ako. Kusa siyang tumayo para tunguhin ang pinto. Lumabas siya at sinarudahan ito. Naiwan ako ritong laglag pa rin ang panga.

I was speechless.

Wala rin naman akong nagawa kaya't tumayo na ako. I changed my clothes into a comfortable but presentable one.

I opened the door.

He entered.

"Alam mo bang wala pang nagsasabi sa akin ng ganoon? How could you? At saka sa bahay lang naman ako nagsusuot ng ga--"

"So, ngayon meron na." He said, cutting me off.

Hindi na lamang ako nagsalita. Nakakainis siya. Kung hindi ko lamang siya ano, hay nako.

Kung 'di lang kita crush, susuntukin talaga kita.

Panay lang ang tingin ko sa kaniya. Busy siyang nagsusulat ng kung ano.

Nababagot na ako.

Wala man lang ba kaming gagawin? Hindi man lang ba niya ako kakausapin? Gusto ko rin namang malaman kung nasarapan ba siya sa halik ko kahit game lang 'yon.

Ano ba kasing ginagawa niya?Kumunot ang noo ko. I'm getting curious.

"Sana all maganda ang sulat. Ako kase, mukhang kinahig ng manok, eh." I chuckled, sitting down beside him.

Hindi niya ako pinansin. Ni hindi niya ako nilingon. Patuloy lang siya sa pagsusulat.

Ang sungit.

Napansin ko iyong sinusulat niya. Wala kaming ganoong lesson.

"Ano yan? I can't remember we have lessons like that."

"Hindi 'to sa'kin."

"Bakit ginagawa mo?"

"Pinagkakaperahan ko 'to. Bukas na kasi ang deadline kaya't tinatapos ko na."

Tumango na lamang ako. Pinapanood ko lamang siya. How do he knows all of that. Marunong din pala siyang gumawa ng tula.

"Patingin nga."

Mabilis kong kinuha iyong sinusulat niya. Akma sanang aagawin niya ngunit mabilis akong tumayo.

Nang una kang makita, tila may kakaibang nadama
Sa pagtama ng mga mata, batid kong ikaw na
Anong saya noong nahalikan ka
Ganito ba ang talaga, kapag umiibig na?

"Makata ka pala." I said, grinning.

"Akin na nga 'yan." Inagaw niya sa akin ang papel. "Pwede mahiram laptop mo?"

"Oo naman."

Habang kinukuha ako ang laptop ko, naaalala ko yung nangyari kahapon.

He just claimed me as his girlfriend.

"Teka nga, bakit nga pala sinabi mong girlfriend mo ako?"

He looked at me. "Para tigilan na ako ng Zabrina na 'yon." He paused, "saka para hindi ka na rin niya guluhin."

"So, tingin mo, titigilan ka niya?"

He just shrugged it off.

Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Rex sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na siya umalis. Ni hindi ko alam na nakatulugan ko pala siya.

Nang bumangon ako, may nakita akong note sa side table ko.

"Aalis na ako. Salamat sa laptop."

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon