04

30 4 0
                                    

Sunset

~♡~

Mag-uumaga na ng makarating kami sa Quezon Province. I was inspecting our room. Malawak at may dalawang kama. Cream ang kulay ng wall kaya't maaliwalas ito sa mata.

Naagaw ang pansin ko ng isang malaking bintana rito. Agad kong tinungo iyon. I was amazed. Nakahalumbaba akong pinagmamasdan ang napakalawak na dagat na nasa harapan ko ngayon.

My attention was then grabbed by the sky above. It was a total jaw-dropped.

Napakaganda.

"Grabe. Ang ganda pala rito. Mabuti na lang talaga sumama ako sa'yo." She said, combing her hair. "Maligo ka na Caz, pupunta tayo sa labas." Dugtong pa niya.

Alas-onse na ng tanghali nang magising ako. Nakatulog pala ako. Nag-aayos siya ng sarili niya. She'd probably been waiting an hour for me to wake up. She was obviously excited to go outside.

It's already 3:00 PM.

Habang naglalakad kami rito sa labas ay kapansin-pansin ang napakapinong puting buhangin. Lumulubog pa nga ng bahagya ang mga paa namin sa bawat paghakbang. Pati ang mga punong kahoy na nagsisilbing lilom rito. Tila inayos sila ng pantay-pantay sa kahabaan ng lugar na iyon.

"Ang ganda talaga rito, Caz!"

Malakas ang hangin. Nakalugay ang buhok ko kaya't panay ang hawak ko roon. Malamig sa balat ang dampi ng hangin hindi tulad sa lungsod. Maaliwalas at sariwa ito.

Ang dagat na ngayo'y tila kumikislap dahil sa araw ay marahang tinataboy ng hangin sa magkabi-kabila.

Nakaupo kami sa loob ng cottage kung saan niya ako kinaladkad. Ilang sandaling naghari ang katahimikan. Tila baga may anghel na dumaan sa pagitan naming dalawa. Or should I say, sa bibig niya pala.

"Kumusta si Javier?"

"Siya kinukumusta mo, siya tanungin mo." Inis kong sagot.

"He's cool naman eh, gwapo. You always hate him. Bad mo naman." She frowned.

"He's not cool. He's not handsome for me, Yana."

Nagkibit-balikat lamang siya. Hindi na niya nagawang magtanong ulit. Siguro'y napansin niya ang pagkairita ko. I almost shout telling her his not's.

"Kukuha lang ako ng makakain."

I stepped out of my seat. She nodded, saka ako sinundan ng tingin paalis. Habang naglalakad ako pabalik ng bahay, sinisipa-sipa ko ang mga buhanging nadaraan ko.

That girl is so annoying.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko agad ang ngiti ni Mommy habang kinukulit niya ang apo. Nakaupo sila sa sala.

I smiled.

When I was a child, ganyang-ganyan din sa akin si Mommy.

"Anak, nariyan ka na pala. Nasan ang kaibigan mo?"

"Nasa cottage po."

Nilapitan ko ang cute na cute na batang nasa lap ni Mommy. Pinisil-pisil ko ang pisngi niya at kinikiliti siya.

She is Geraldine. She was named after her father, kuya Gerald.

Agad rin akong bumalik sa cottage pagkatapos na ma i-prepare ko ang foods. Mas lalo yatang gumaganda ang view nang malapit ng lumubog ang araw.

Sunset.

"Punta lang ako ron." Pagpapaalam ko kay Ayana.

She nodded, and did not even bother herself to look at me. Wala siyang balak sumama sa akin. Busy siyang hawak ang cellphone niya. Nakikipagtext siguro ang babae ito. Napairap na lamang ako.

Ang sarap ng sariwang hangin. Ibang-iba talaga kumpara sa lungsod.

Nakapikit ako habang dinadama ang malakas na hangin. Nang tignan ko ang relo ko, 5:15 PM na.

Titig na titig ako sa langit na ngayo'y iba't-iba ang kulay. May orange, may red, blue, violet, and white clouds. The sky was being painted and decorated. Ang araw na tila namamaalam na ay naghahatid ng ngiti sa bawat makakakita sa kaniya.

Malakas ang hangin kaya't napayakap ako sa sarili ko. Malapit ng lumubog ang araw. Mahigit kalahating oras na rin siguro akong nakatayo rito.

Ilang sandali, may narinig akong mga yabag ng paa galing sa likuran ko. Agad ko iyong nilingon. Nagulantang ako nang makita ang isang topless na lalaki na naglalakad ngayon patungo sa akin.

Mayroon yatang biglang nasira sa sistema ko sapagkat may kakaiba akong naramdaman ng magtama ang aming mga mata. Hindi ko iyon maipaliwanag sapagkat noon ko lamang iyon naramdaman. May kung ano sa mga mata niya.

Nang makita kong kumunot ang kaniyang noo ay saka lamang ako nabalik sa wisyo.

Isang metro ang layo niya sa akin. Ang lalaking katapat ko ngayon ay matamang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kapansin-pansin ang matangos niyang ilong.

Pinagpawisan akong bigla.

I also looked forward before he notices me studying him. Na-stuck yata ako kinalalagyan ko at hindi ako makagalaw, maliban na lamang sa buhok kong nakalugay na tinatangay ng hangin.

Nang sinubukan ko ulit na lumingon sa kaniya ay pinagsisihan ko agad iyon.

Nakatingin siya sa akin.

I looked away.

Napapikit ako ng mariin. Breath self. Breath.

Naririnig ko na ang malakas na kabog ng puso ko. I coudn't stopped them.

"Bago ka rito?"

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon