33

3 1 0
                                    

Inlove

~♡~

So tell me that you love me too."

Tumigil ako nang nabanggit ko na ang linya na dapat kong sabihin.

Nangungusap ang aking mga mata, habang diretsong nakatingin sa kaniya. Bakas ang pagtataka, ngunit naroon ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

Ngayon ko lang nalaman na hindi lamang kapag hinahabol ka ng aso, kapag mag-isa ka sa kwarto, kapag natatakot o kinakabahan ka mararamdaman mong doble sa normal na pagtibok ang puso mo.

Ngayon ko na lang naramdaman na sa ganitong pagkakataon, posible pala na bumilis sa pagtibok ang puso ko nang ganito.

Hindi ko na kayang ilihim pa sa kaniya ang nararamdaman ko, lalo pa't alam ko nang gusto rin niya ako.

Tumayo ako para lapitan siya. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko siya sa kaniyang mukha.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo niya para harapin ako. Hinayaan lang niya akong gawin iyon.

Sa pagtatama ng aming mga mata, tila may kung anong tumusok sa dibdib ko. Masakit makitang puno ng luha ang magaganda niyang mata.

Pati ang ilong niya'y namumula na. Mababatid mo talagang kanina pa siya umiiyak.

"Bakit iniwan mo ako kanina?"

Hindi siya sumagot. Muli siyang tumingin sa baba, tila iniiwasan ang mga tingin ko sa kaniya.

Sa iilang pulgadang layo namin sa isa't-isa, halos naaamoy ko na ang paghinga niya. Kapag sinusuyod ko ang kaniyang mukha, tila tumitingin ako sa isang napakagandang tala.

"Czarina,"

Nang muli niyang salubulungin ang aking mga mata, mas lalo kaming nalapit sa isa't-isa.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya.

Ganoon din siya.

Ang mga kilay niyang nakakunot, ang mukha niyang malungkot, ang mga mata niyang sa labi ko lang nakapokus - ang mukha niya, tila nauuhaw sa iisang presensiya.

Wala na akong naiisip na ibang paraan para gumaan ang kaniyang pakiramdam.

Hindi ko na kayang pigilin pa. Kapag pala nasa ganoong sitwasiyon ka, kusang bibigay ang katawan mo. Yung labi niya. Nakaka-tempt ng sobra.

Ang labi niya ang pinakagusto ko sa lahat. Maganda naman ang lahat sa kaniya, ngunit madalas talagang naaagaw ng atensiyon ko ang maliliit at manipis niyang mga labi.

Tila kapag napapadaan na roon ang tingin ko'y hinihila ako nito papalapit.

Habang iginagalaw ko ang mga labi ko sa kaniya, naghihintay ako ng balik.

At hindi nga nagtagal, ibinalik na niya sa akin ang halik. Sa bawat paghalik ko'y mayroong balik. Mararahang dampi sa bawat sulok ng mga labi. Sa ganitong pagkakataon, halos ayoko nang umalis.

May gumapang agad na kung ano sa buong sistema ko. Parang daloy ng kuryente na nanggagaling sa mga halik na iyon.

Bumitaw ako.

Yumuko siya, humihinga ng malalim. "Is this another part of motives?" Halos bulong lang nang banggitin niya iyon.

"Hindi," huminto ako. "Natakot lang ako. Ano bang laban ko kay Javier?"

Tinignan niya ako. "Akala ko ba matalino ka? You didn't do anything but you already win my heart. Paanong wala? I chose you over him. I'd rejected him." Huminto siya. "Kase ikaw nga."

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan.

"How would you feel, if I told you I love you?"

Natigilan siya.

"E 'di, I love you, too." Parehas kaming tumawa ng bahagya. "More than you think." Pagpapatuloy niya.

At sa muling pagtatagpo ng aming mga labi, tila wala nang bukas na darating. Nilalakbay ko ang bawat sulok ng labi niya. Sa taas, sa baba kahit sa gitna.

Hinawakan ko siya sa mukha.

Inilapit ko siya sa akin.

Hawak-hawak ko ang mga panga niya. Mas lalong lumalalim.

Nagsimula nang gumapang ang kamay niya sa batok ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

At alam kong delikado ito.

"Shit!" Banggit niya sa gitna ng halik.

Bumitaw ako sa kaniya at sinalubong siya ng mukhang may pagtataka.

"I wasn't okay a minutes ago and suddenly, I felt like I'm ready to die now." Tumawa siya.

Muli kong pinunasan ang mga mata niya. "Tama na ang pag-iyak."

"Nakakainis ka kasi eh. Pinahirapan mo pa ako." Umirap siya.

"Sorry na. I love you, ulit." Pinisil ko ang ilong niya.

Umayos ako ng upo. Magkatabi lang kami habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Tila, solo namin ang mundo.

Ngayon ko lang naramdam ang ganitong saya. Sobrang saya. Hindi mawala-wala sa labi ko ang mga ngiti.

"Boyfriend na kita, ah?"

"Hindi pa nga ako nanliligaw eh."

"For what?" Bumaling siya sa akin. "We love each other, I don't see the need of that."

Heto na naman ang pagtititigan naming dalawa. Alam ko na'ng kasunod nito. Nakatingin lang siya sa labi ko.

Nakabaling siya sa akin habang nasa balikat ko pa rin ang kaniyang ulo. Gusto ko ulit siyang halikan kaya't dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya.

Pumikit ako.

"Ops," nakita kong nakataas ang isa niyang kilay habang nasa mukha ko ang isa niyang kamay. "Nakakailan ka na ah? May bukas pa."

Parehas kaming tumawa.

Wala akong kaideya-ideya na darating siya sa buhay ko. Wala akong ideya na pasasayahin niya ako ng ganito. Ang dati kong mundo na halos puno ng lungkot, ngayo'y nabago.

"Valentines na next week."

"Anong gusto mong kanta para sa performance?" Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw at ako, by Moira and Jason."

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon