08

19 2 0
                                    

Curious

~♡~

6th of June.

Maaga akong nagtungo sa school. Maraming estudyanteng nagkakalat ngayon sa buong campus. Bawat estudyanteng nakakasalubong ko ay mataman ang tingin sa akin.

Kung nakakatunaw lamang ang titig, malamang naglaho na ako kanina pa.

Kasalukuyan kong hinahanap ang building kung saan naroon ang room ko.

Nagsimula na ang first day of class. Maraming matatalino sa section na ito, pero syempre hindi ako nagpapatalo.

"Transferee?"

"Yes, Sir." Masigla kong tugon.

Nang sumunod na araw, marami na agad ang gustong makipagkaibigan sa akin. Dinagsa naman ako ng mga tanong buhat sa kanila. Saan daw ako galing. Bakit daw ako lumipat doon. Kung may boyfriend na raw ba ako at kung ano-ano pa.

Marami rin agad ang nagka-crush sa akin kaya't natatawa ako kapag nahihiya silang lumapit.

"Bakit kaya hindi pa rin siya pumapasok?"

"Ano raw bang section?"

"Ang sabi nila'y magiging kaklase raw natin iyon."

Recess time.

Nasa canteen kami ngayon. Busy ang mga new friends ko sa pagkukwentuhan ng kung ano-ano. Hindi ako nakikisali dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila kaya't iginagala ko na lamang ang mata ko at pinagmamasdan ang mga estudyang nagdaraan.

"Czarina?"

"Yes?" Nilingon ko si Anastasia.

"Inform ka lang namin, magiging classmate raw natin 'yong matalino."

"Ha? Sino?"

"Si Rex."

Halos mapatalon ako nang  marinig ko ang pangalang Rex. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi pa rin lubos na nagsi-sink in sa akin iyong narinig ko.

"H-ha? Sinong Rex?"

"Si Rex Arcangel. Siya 'yong first honor namin last year."

Napatango-tango na lamang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Parang nawala ako sa sarili at hindi na muling nakihalubilo sa kanila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya't pinili ko nalang na tumahimik.

"Hala! Excited na akong pumasok siya. Ang gwapo kaya no'n."

Para na akong tuluyang na-stroke sa sinabing iyon ng kaibigan ko. Baka naman ibang Rex ang sinasabi nila.

I try to calm myself dahil hindi na normal ang nararamdaman ko.

Okay. Breathe, Czarina, breathe.

*

Habang nakahiga ako at nakatitig sa ceiling kwarto ko, hindi ko mapigilang hindi mag-isip.

Matalino raw ito. At isa pa, gwapo. Naalala ko na naman nang una kong makita si Rex. May kung ano akong naramdaman noon na hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag.

I decided to closed my eyes. I need to take a rest. Tomorrow will be a long day.

"Czarina?"

"Yes?" Nilingon ko si Anastasia.

"Inform ka lang namin, magiging classmate raw natin 'yong matalino."

"Ha? Sino?"

"Si Rex."

I opened my eyes.

That's fine. Okay self, relax.

Inhale.

Exhale.

Makakatulog ka rin.

"Si Rex Arcangel. Siya 'yong first honor namin last year."

"Hala! Excited na akong pumasok siya. Ang gwapo kaya no'n."

Gusto nang sumigaw ng utak ko. I was having a hard time going to sleep this past few days.

*

Nakaharap ako sa salamin. Pinagmamasdan ang itsura ko. Matangos ang ilong, magagandang mga mata at manipis na labi. Why do I have to feel discontented?

Honestly, okay ba talaga ako?

"Mala-late ka na Czarina kakain ka pa. Bilisan mo."

"Opo ate, nandiyan na."

Pagkatapos kong mag-ayos, dali-dali akong bumaba at dinaluhan ang pagkaing nasa lamesa. I have only five minutes to finished the breakfast.

"Aalis ka na? Hindi ka pa nakakakain ng maayos. Eto, magbaon ka. Baka magutom  ka sa school."

"No need. Okay lang ako ate. Kailangan ko na talagang umalis. Mala-late na po ako e."

Nang makarating ako sa school dumiretso agad ako sa room. Inilibot ko agad ang mga mata ko. Iniisa-isa ko ang mga mukhang naroroon.

Rex isn't here.

Malungkot akong naupo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Siguro ay ibang Rex nga ang pinag-uusapan nila noon. I sighed.

Buong maghapon akong walang gana. Walang gana sa pagkain, walang ganang makipag-usap at walang ganang makipag-participate sa class.

Matatapos na ang isang linggo. It's friday now. Ang bilis lumipas ng araw.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga kinikilos ko. Parang may mali sa akin. Hindi ko alam.

"Anastasia?" I called.

"Oh, bakit?"

"Kailan papasok yung sinasabi n'yong gwapo't matalino?" Bulong ko sa kaniya.

I know it sounds crazy. I just can't help it! I'm getting curious! Oo na! I was expecting it's Rex.

The one I met on the seashore.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko magiging kaklase raw natin iyon."

Napatango na lamang ako saka bumalik sa pagkain. Lunchbreak ngayon. Nasa canteen kami, as usual.

Ganoon pa rin ang eksena. Nagchi-chikan ang mga kaibigan ko habang ako ay patingin-tingin lamang sa mga estudyanteng nasa labas.

Hanggang sa mayroong dumaan. At hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Kitang-kita 'yon ng dalawa kong mata. Malinaw ko 'yong nakita.

"He's here!"

Napalakas yata ang boses ko dahil nakuha ko ang atensiyon ng mga kaibigan ko. Naririnig ko silang nagtatanong ng "who" pero hindi ko sila nililingon.

BABALIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon