Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi ko akalaing makikita ko siya rito! Sa dami ng oras na makikita ko siya, ngayon pa talagang kagigising ko lang!
Tumikhim ako at awkward na tumawa.
"N-nandito ka pala,"
He nodded and started walking towards my direction. Naconcious tuloy ako sa itsura ko dahil nga kagigising ko lang at naka-uniform pa ko! Ano ba 'yan, baka mamaya maturn-off na saakin 'to. Hindi pwede!
"I was dragged here..." he shrugged. Umupo siya sa kabilang sofa at ipinatong ang hawak na shot glass sa coffee table na nasa pagitan namin.
Napakurap-kurap ako. Medyo hindi pa nagpproseso na nandito siya ngayon sa harap ko. Kaninang umaga lang, lantaran kong pinaglalandakan na crush ko siya, tapos ngayon para akong tangang nahihiya sa kanya.
He noticed I'm spacing out. First time niyang makita na nakatameme ako. Ngayon lang 'to, crush! Kagigising ko lang! Malay ko bang ikaw bubungad saakin. Nagmake-up lang muna sana ako bago ako natulog!
"Why are you here, anyway?" tanong niya pa.
Lasing na ba 'to? Napansin kong consistent siya sa pakikipag-usap saakin ngayon. Pero kapag nasa classroom kami, kulang na lang sumayaw ako sa harap niya para lang mapansin. Naku, Kaizer, h'wag kang ganyan, baka ma-fall ako, isasama kita.
"Kaibigan ko 'yong nag-invite sainyo rito," sabi ko naman. He nodded. Kinuha niya yung shot glass sa coffee table at inisahang lagok 'yon. Napatitig ako sa adam's apple niya at napalunok din ako ng hindi oras.
Napansin niyang nakatitig ako. Syempre, hindi ako umiwas ng tingin. Ngumiti pa ako. Unti-unti nang nabubuhay ang mga malalandi kong cells pagdating sa kanya kaya maya-maya lang niyan ay babanat na ako. Be ready, baby.
"What?" tanong niya nang mapansin na nakatingin pa rin ako.
Umiling naman ako. "Wala lang. First time kong makita kang uminom. Hindi ako sanay!" saad ko naman. Bahagya akong natawa. Bakit ko ba naisip na hindi siya yung tipo na umiinom? Siguro, dahil ganoon ako? Pero mas okay itong drinking version niya. Mas lalo lang ako naaattract sa kanya.
I saw him smirked, naiiling. Feel ko talaga lasing na 'to. Hindi siya ganito makitungo saakin, e! Pero sana ay lasing na lang siya forever kung ganoon. I laughed at my thoughts.
Sabay kaming napalingon sa pool area nang may marinig kaming hiyawan. I rolled my eyes at napailing. Hindi man ako pumunta roon ay alam ko na ang ginagawa nila. Si Mianca pa? Daming pakulo ng babaeng 'yon kapag may painom session siya.
"Why don't you join them?" napabaling uli ako sa boyfriend ko nang magtanong siya. Naks, boyfriend.
"Hindi ako umiinom," sabi ko habang umiling. Tinaasan naman niya ako ng kilay, mukhang ayaw maniwala sa narinig. Grabe naman siya. Mukha ba akong lasinggera at suki ng bar sa paningin niya? Hindi ako gan'on, babe!
"Totoo!" depensa ko.
"I didn't say anything,"
I almost rolled my eyes "Ang judgemental ng tingin mo, e," sagot ko naman.
He chuckled.
"Tawa ka diyan. Jowain kita, eh."
He shook his head, ignoring my remark. Lagi naman. Pero syempre, keri lang! Kung alam lang niya, magjowa na kami sa utak ko.
"Lasing ka na 'no?" tanong ko para mas mapahaba ang usapan namin. Minsan lang 'to!
Umiling siya. "No."
"Eh bakit parang ang friendly mo yata sa akin ngayon?" tanong ko pa. Napatitig siya sa akin pagkatapos kong tanungin 'yon. I raised a brow and waited for his answer.
YOU ARE READING
Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)
RomanceFrancesca likes Kaizer. But her affection towards him will lead them to face some challenging situations.