Chapter 34

21 1 7
                                    

It's been weeks since we got back from that three-day vacation in Bohol. Muli kaming namumbalik sa mga kanya-kanyang trabaho. I honestly do not want to end the time there pero alam kong kailangan naming bumalik sa mga buhay namin sa Manila. But that time, I went home with a lighter heart. Napansin kong madalas na rin ang pagngiti ko nitong mga nakaraang araw. Even my secretary noticed it.

"Ma'am, good noon," my eyes darted at the intercom when I heard my secretary talk, "It's already lunch na po. May gusto po ba kayong specific food?"

Bahagyang namilog ang mga mata ko at napatingin sa relo. Oh, shit.

"Uh. I'll eat outside na lang, Rhea. Thank you." I politely said.

"Oh, okay ma'am."

Kaizer invited me earlier to have lunch with him. Sa sobrang busy ko ay hindi ko namalayan ang oras. I immediately checked my phone at hindi ako nagkamali sa naisip na papunta na siya. Sandali akong nag-ayos bago ako bumaba at dumiretso sa lobby. Ang sabi niya ay nandoon na siya at naghihintay.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay tanaw ko na siya mula sa kinaroroonan ko. He's sitting on a sofa in the lobby waiting area. His thighs are spread wide as his elbows rested on his knees. Nakatanaw siya sa phone niya at walang pakielam sa paligid.

"Engineer..." tawag ko sa kanya nang makalapit. Nag-angat siya ng tingin sa akin at naningkit ang mga mata. I smiled at him. Tumayo siya at tuluyang lumapit sa akin.

"Engineer?" ulit niya sa tawag ko sa kanya bago nagtaas ng kilay. Oh, right. Nakalimutan ko na naman.

"Sorry. Marami lang akong iniisip." pagdadahilan ko.

"You always forget it though," he pointed out.

I almost rolled my eyes, "Sa public place lang naman. Kapag tayong dalawa naman, I always call you with your name 'di ba?" I arched a brow.

He nodded, "Yeah I know. But you're my girlfriend. You should call me with my name either we're in private or public place." dagdag pa niya.

Ito na naman po kami. Huminga ako nang malalim at tumango na lang. I get it. We're in a relationship tapos ganoon nga naman ang tawag ko sa kanya. It's too formal. Pero wala naman akong nakikitang masama roon. Hindi ko lang mapigilan minsan dahil nasanay rin ako na ganoon ang tawag sa kanya.

And yes, I am his girlfriend now. Two days after our vacation, I gave him an answer. I decided to give our relationship another chance. I know it won't be an easy journey for us. Alam kong marami pa akong dapat alalahanin at kailangang isipin. Nandoon pa rin ang takot pero naisip ko na mas magiging madali para sa akin na harapin ang mga 'yon kung nandito siya sa tabi ko. It was a hard phase for us in the past weeks. But then, I realized, we've been in too much pain already. Siguro panahon na rin para sabay kaming maghilom sa sakit na idinulot ng nakaraan sa amin.

Hindi rin kami nagtagal doon at inaya na siyang umalis dahil napapansin kong napapatingin na sa amin ang mga empleyado ko. We used his car on our way to wherever. Siya na rin kasi ang hinayaan ko na magdecide kanina kung saan kami kakain kaya wala akong ideya kung saan kami pupunta ngayon. But when he parked his car in front of Jollibee, hindi ko na napigilan ang marahang pagtawa.

"Really?" I asked and gazed at him amusingly.

He just shrugged as he took off his seatbelts, "I'm craving."

Natatawang nailing na lang ako. Noon ayaw niya rito. Tignan mo naman ngayon! The glow up I never expected.

Hinawakan niya ang kamay ko bago kami dumiretso sa loob. The guard greeted us and we smiled back. Pagpasok namin ay ramdam ko ang mga iilang tingin. Hindi na ako nagtaka. We looked really formal with our work attires tapos nandito kami sa ganitong klaseng lugar. Kahit sino ay magtataka at mapapatingin.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now