Chapter 08

57 3 17
                                    

Ganoon ang scenario sa mga sumunod na araw. Papasok ako nang maaga, magbi-breakfast sa cafeteria at kasabay kakain si crush. Mukhang napaaraw-araw ang pagpunta ni Kaizer sa guidance eh. Tinatanong ko naman kung bakit ang aga niya at iyon naman parati ang sagot niya. Tumatango lang ako at hindi na nagtatanong ulit. Baka mainis siya at hindi na ako sabayan sa susunod.

Nagstart ang college days at muntik ko pang hindi mapanood 'yung parada! Lintik na report 'yan! Tapos iyong prof ko nagrequest pa ng overtime! Gusto kong maiyak pero wala akong magawa. Mabuti na lang at pinatawag siya sa faculty kaya hindi rin siya nagtagal.

At gaya nga ng sabi ng mga kakilala ko, ang department nila Kaizer ang pinakabongga ang set up kapag ganitong event. Hindi nga raw dapat sila inuna dahil malaking pressure daw 'yon sa mga susunod na college department na magcecelebrate ng araw nila.

Hindi na ako nagulat nang makitang may mga waterguns silang dala. Isali pa na umulan kanina kaya basang-basa ang daan. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang mga ayos nila! Kaya naman pala! Naalala ko na pati si Jom ay ayaw akong papuntahin dahil daw paniguradong tatawanan ko raw siya.

Since halos lalaki lahat ng estudyante sa School of Engineering and Archi, they all dressed up as a woman sa parade nila. As in silang lahat! May mga nakadaster, tube tapos headband talaga. 'Yung iba, halatang nanghiram ng damit sa mga ate or nanay nila.

"Wooooh! Go, Jom! Smile ka sis!" sigaw ni Kianne sa tabi ko habang kumukuha ng video ng kaibigan namin.

Nanlaki ang mga mata ni Jom at napatingin sa gawi namin. He's wearing a yellow ruffle sleeve dress na hanggang tuhod ang haba. Naka-apple hair siya at black doll shoes. Tumawa kami ng malakas. I saw him glared at us at kinuha yung watergun ng kasama niya para barilin kami. Impit kaming napatili dahil muntik na kaming mabasa pero mabuti na lang at nakalayo kami agad.

We were still laughing at kinukuhanan siya ng video. Inirapan niya kami pero maya-maya ay nagpose siya na parang model sa harap ng camera ni Kianne. Mas lalo kaming natawa.

"Gago ka, Jom!" Kianne laughed.

The parade started. Sobrang gulo nila. 'Yung iba sumisigaw, yung iba tumatawa, yung iba ginagamit 'yung watergun para mang-asar. Marami rin ang nanonood. 'Yung mga engineer at archi students na babae ay nanonood lang din at sinusuportahan ang mga kasama nila. Tama nga si Kaizer. It's a huge mess.

Speaking of that guy, kanina ko pa siya hinahanap pero talagang tinotoo niya yata ang sinabing hindi magpapakita. Ang sama! Gusto ko siyang makita!

"Wala yata baby mo," Kianne teased. Mas lalo akong napasimangot.

Nasa gilid lang kami at panay ang tawa namin. Nakita ko rin ang mga kaklase ko sa engineering na mukhang nag-eenjoy sa parade. Hinahanap ng mga mata ko si Kaizer pero nagulat ako nang makita ko roon ay si Archer. Napatingin rin siya sa gawi ko at nanlaki ang mga mata. Nakasuot siya ng pulang daster na hanggang tuhod tapos may bandanang kulay pula na nasa ulo niya. Sandali kaming nagtitigan bago ako tumawa nang malakas.

I saw him covered his chest dramatically. Mas lalo akong natawa. Ngumuso siya at pabirong inirapan ako. Gusto ko sana siyang lapitan at tawagin pero naalala kong kasama ko si Kianne.

"Hoy! Cesca, ayon! Si Kaizer!" agad kong sinundan ng tingin ang direksyong tinuturo ni Kianne. And there I saw Kaizer. He's wearing a long sleeve blue dress na hanggang tuhod at white na rubber shoes. Nakasimangot siya at pasimpleng tumitingin sa paligid na parang may hinahanap.

"Ang unfair! Maganda pa sa'tin crush mo. Kulang lang ng wig!" Kianne laughed.

Ngumisi ako.

"Kaizer!" sigaw ko at kumaway para makita niya. Nakita kong natigilan siya pero hindi siya lumingon sa gawi ko. Natawa ako nang malakas nang bigla siyang naglakad palayo.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now