Chapter 22

42 1 23
                                    

Madaling araw na pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. I was just staring the whole time on my bedroom ceiling, wondering what the hell just happened earlier.

Good to see you again, Francesca.

Gusto kong matawa nang patuya ng muling pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan niya kanina. Good to see me? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o pagdududahan ko ang sinabi niya dahil sa pagkakatanda ko, hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap noong naghiwalay kami.

Yeah, I know it's been years. He moved on already. Halata naman eh. Pero hindi ko lang maiwasang isipin ang sinabi niya dahil noong naghiwalay kami, natatandaan kong sinabi niya na hindi na niya gugustuhin pa akong makita.

So what's with the good to see me?

Nakalimutan na ba niya talaga o baka sinasadya niyang hindi maalala? Pero ano naman ang mapapala niya kung sasadyain niya 'di ba? Hiwalay na kami. Wala na kaming koneksyon sa isa't isa. Well, kung narealized naman niya na okay lang na maging civil kami sa isa't isa, e'di good news I guess? Kasi kung ganoon nga, at least alam kong wala na siyang dinadamdam na galit o hinanakit sa akin kapag magkikita kami.

Huminga ako nang malalim at tumaligid kasabay ng pagyakap sa unan. Napagtanto kong masyado ko yatang binibig deal 'to. Naisip ko na baka nga natutulog na 'yon samantalang ako, ito pa rin, gising na gising.

Puyat na puyat tuloy ako kinabukasan. Ayoko pa sanang bumangon pero hindi ako pwedeng mahuli sa trabaho. Even though I am the CEO, I follow on my own rules. Kaya kahit inaantok at wala sa wisyo, ay nagdrive ako papunta sa opisina. But before that, I took time to passed by the cafe. May kape naman sa office pero mas gusto ko pa rin ang bumibili sa labas.

I went straight to the cafe we went yesterday. Natawa ako sarili nang maisip na wala pang isang linggo at naisipan ko na agad na bumalik roon. I parked my car just in front of the shop. Akala ko noong una ay sarado pa ito but I saw Justice's wife outside na mukhang kakarating lang din. Napatingin siya direksyon ko at hindi nagdalawang isip na batiin ako ng may ngiti sa mga labi.

"Good Morning." I greeted her.

"Good Morning!" her soft voice echoed my ears as she neared me. "Cesca, right?" paninigurado niya.

I smiled and nodded, "Yeah." then I took a glanced at her cafe, "Bukas ka na ba?"

She nodded, still smiling, "Of course, though kararating ko lang pero may staff na sa loob."

Napatango-tango ako. She invited me inside kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod. I looked around at napansin kaagad na hindi katulad kahapon ay maraming tao. May mga iilang customers na pero tahimik lang ang paligid habang may pinapatugtog na relaxing music sa speaker. Napangiti ako nang maramdaman muli ang katahimikan sa sistema ko. Isa na siguro 'yon sa mga dahilan kung bakit napabalik ako sa lugar na 'to.

"So what is your order?" napangiti uli ako nang makita si Lara na nasa counter na ngayon at panandaliang pinalitan ang naka-assign na staff roon. I can't help but to notice na ang hands-on pala niya sa business niya. So admirable.

"One order of Iced Latté," sagot ko naman.

May kung ano-ano siyang pinindot sa maliit na screen bago ulit nag-angat ng tingin sa akin, "Is that all?"

Tumango naman ako at inabot ang card ko. At dahil hindi naman ganoon karami ang order ay hinintay ko na sa mismong receive area ang kape ko. While waiting for it ay narinig ko ang pagtunog ng wind chimes, nangangahulagan na may bagong customer na pumasok. Hindi ko sana papansinin pero nakita kong nginitian ito ni Lara.

"Good Morning, Lorence!" bati nito kaya napatingin tuloy ako sa bagong dating na customer. There I saw Lorence, 'yung kablockmate ko noon. He's wearing a white dress shirt na nakatupi hanggang siko, black slacks and white rubber shoes. May itim na relo rin ito sa kaliwang kamay. He smiled and greeted Lara back. Saka pa lang siya bumaling sa direksyon ko at bahagyang nagulat na makita ako r'on.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now