Chapter 23

29 2 12
                                    

Note: A looooong chapter

"Mommy are you okay?"

I blinked twice when Kohen called me. Doon ko napagtantong nakatulala na ako at wala na sa atensyon ang pinapanood. I looked at Kohen and gave him a small smile while nodding. Ngumiti rin siya at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood na anime ngayon.

Pasimple akong bumuntong-hininga para pakalmahahin ang sarili. I am here with Kohen pero ang isip ko ay nasa office ni Archer at sa kung sino ang kausap niya ngayon. Hindi ako mapakali. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili na muling umakyat doon at komprontahin ang nangyayari. I didn't see this coming! Hindi kailanman pumasok sa isip ko na makikita silang dalawa na magkasama! Oh well, an Engineer and Architect. But still!

I sighed again. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang mga tanong sa isip ko. I badly need to talk to Archer now.

"Kuha lang si Mommy ng water," paalam ko kay Kohen. He just nodded while his eyes remained on the screen. Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko naman si Manang Gina, ang isa sa mga kasambahay nila na mukhang naglilinis doon. She greeted me and I smiled back. 

"May gusto ba kayong kainin, Ma'am?" she politely asked.

Umiling naman ako saka ngumiti. Lumapit ako sa water dispener doon at sinalinan ang basong kinuha ko sa counter, "Okay lang po, Manang. Kukuha lang po ako ng tubig."

She gave me a smile as an answer. Bumalik na siya sa kanyang ginagawa at hinayaan na ako roon. Balak ko pa sanang dalhin ang kinuhang tubig sa sala pero dahil sa sobrang uhaw sa kaba, doon ko na rin ininom. Isang malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ko nang maramdaman sa katawan ang pagdaloy ng tubig. Nagpapasalamat at kahit papaano ay kumalma ang sistema ko sa mga iniisip.

I was about to leave the dining area nang muling mapukaw ng tingin ko si Manang. I stared at her for a moment before an idea came to my mind. Lumapit ako sa kanya. She immediately sensed me approaching at bumaling sa akin. I gave her another smile.

"Uh, Manang. May itatanong lang po sana ako..." medyo nahihiya pa ako pero hindi ko na masyadong inisip 'yon. I need answers.

"Sige, ano 'yon Ma'am?" tuluyan siyang humarap sa akin, hinihintay ang tanong ko.

I cleared my throat first.

"Uh, gusto ko lang po sanang itanong kung sino 'yung dumating na bisita ni Archer? Kilala niyo po ba?"

I bit my lower lip after. Para akong chismosa sa ginagawa kong pagtatanong. Really, Cesca?

Bahagyang kumunot ang noo ni Manang, mukhang inaalala ang tinutukoy ko. I patiently waited for her answer.

Pagkatapos siguro ng ilang segundo ay muling bumalik ang tingin niya sa akin.

"Pasensya na Ma'am, hindi ko kilala," bumagsak ang balikat ko sa narinig. I guess I have no choice but to wait for them to finish. Pasimple akong bumuntong hininga. Bakit ba ang tagal nila?

"Pero ang alam ko, ang kausap ni Sir ay 'yung taong tutulong sa kanya para sa renovation ng bahay, Ma'am." kumunot ang noo ko sa idinagdag ni Manang.

"Po? Renovation?"

Manang nodded, "May balak si Sir na iparenovate ang bahay. Hindi niya ba nasabi sa inyo, Ma'am?"

Wala sa sariling ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko napigilan ang  mapatanong sa isip ko. Alin pa ba ang ipaparenovate ni Archer sa bahay na 'to, huh? Seryoso ba siya?

This house was given by his dad noong panahon na nagdesisyon siya na bumukod kasama si Kohen. And honestly,  kung titignan mo, ang perfect na nito. Para ng mansyon. Malaki na nga ito para sa kanilang dalawa ni Kohen and now, he wants renovation? Hindi ko maintindihan. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'yon?

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now