Parang kinapos ako ng hininga dahil sa narinig. Nakatitig lang ako kay Tita Lynea at hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. It's time to what? Move in? Gusto kong matawa. Hindi ko lubos maisip na nakarating sila sa puntong gagawin nila ito sa amin. Tita Lynea smiled more, tila natutuwa sa pinapakita 'kong reaksyon. Slowly, my eyes darted to my Mom, nakatitig din siya sa akin at pinagmamasdan ang reaksyon ko. So, you actually agreed to this, huh?
"No, Ma. Hindi ako papayag sa gusto mo," pagtanggi agad ni Archer sa ina. Doon pa lang iniwas ni Tita Lynea ang tingin sa akin at bumaling sa anak.
"At bakit hindi, anak?" she slightly raised a brow, "Wala naman akong nakikitang masama roon dahil engaged naman kayo. At isa pa, mabuti na rin ang mapaaga ang ganoon niyong set-up. Para sa hinaharap ay hindi na kayo mahirapan pa ni Cesca na mag-adjust. Right, Elena?" saka siya lumingon kay Mama at nginitian ito.
I watched my Mom as she smiled and nodded to Tita Lynea. Hindi man lang siya kumurap at nagdalawang-isip na gawin 'yon. Sa mga oras na 'yon, wala na akong ibang maramdaman para sa kanya kung hindi ang pagkadismaya. I can't believe she agreed to this. Parang nawala na sa isip niya na anak niya ako at basta-basta na lang pinamimigay sa kung sino.
"Yes. At mas magiging panatag rin ako kung magkasama kayong dalawa. Cesca is currently living alone in that cheap unit without proper security. Hindi ako magiging kampante dahil alam kong mag-isa siya. And you, Archer is the only person I can trust right now."
Hindi ko na napigilan at napatayo na 'ko. They all darted their eyes at me. Bahagya akong hinihingal sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon. I looked at Mom with an intense eyes. Wala ng pakielam kahit pa nakikita ni Archer at Tita Lynea.
"Pasensya na Tita, pero hindi rin po ako sang-ayon sa gusto niyong mangyari," sinabi ko 'yon habang nakatingin pa rin kay Mama. She stared back at me with the same intensity. Nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi niya nagugustuhan ang inaasal ko. I don't care anymore. Hindi ko rin gusto na pumayag siya sa kalokohang 'to.
"But hija, this is also for your own-"
"Pasensya na po," hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na 'ko at naglakad palabas sa restaurant na 'yon. Wala na akong pakielam kahit pa may nakatingin at nakakita sa ginawa ko. All I want to do right now is to get away from this place, from everything, from my Mom. From this bullshit.
Tears pooled my eyes. Huminto ako sa paglalakad para sandaling pakalmahin ang sarili. Inasahan ko na na may mangyayaring ganito. But I didn't expect it to be like this. How could they come up with that bullshit? Mas lalong hindi ko matanggap na ang sarili 'kong nanay ay pumayag sa kalokohang 'yon.
Gan'on na ba talaga? Hindi na ba anak ang turing niya sa'kin? Alam ko may usapan kami pero kasali ba itong pinaparamdam niyang sakit sa sa akin ngayon dahil lang sa deal na 'yon?
Nasa ganoong posisyon ako nang may biglang humigit sa braso ko mula sa likod. There, I saw my Mom again, looking at me with those cold and intense eyes. Mas lalong nagbadya ang mga luha ko sa nakitang emosyon sa mga mata niya. She looks mad and really really disappointed. Kailan ko ba siya huling nakita na hindi tumingin sa akin ng ganito?
"What are you doing, Kylie?" she hissed at me, "Go back inside and apologized to your Tita Lynea," she demanded.
I tried to matched her stares, pero hindi na napigilan ng mga mata ko ang pagpatak ng isang luha. Natigilan siya, "Then what, Ma? Papayag ako sa gusto niyong mangyari? Gano'n ba ang gusto mo? You want me to agree on that bullshit kahit na alam mong ayoko?" I don't care if I sounded so disrespectful right now at kung may makarinig man ay wala na talagang pakielam. Gusto 'ko ng ilabas lahat ng ito. Gusto 'kong malaman niya kung gaano ako naapektuhan sa mga bagay na gusto niyang mangyari. I want her to see me. I want her to realized that I am her daughter. Hindi isang bagay na basta-basta na lang niyang kokontrolin kung kailan niya gusto.
YOU ARE READING
Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)
RomanceFrancesca likes Kaizer. But her affection towards him will lead them to face some challenging situations.