Chapter 32

38 1 6
                                    

This chapter contains R18 scenes. Please read at your own risk.

Sinubukan ko pa uling bawiin ang palapulsuhan ko pero mas lalong naging daan 'yon para higitin ako at sa isang iglap ay buhatin ako na parang isang sako ng bigas. I screamed with his sudden move. Muntik ko pang mabitawan ang camera na bitbit ko sa balikat. Sinubukan kong magpumiglas pero pinirmi niya ang binti ko gamit ang braso niya.

"Kaizer! Ano ba! Ibaba mo 'ko!" I yelled once again. Pero wala yata siyang naririnig! He started to walk towards the near cabin house. Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas pero parang hindi man siya natitinag sa ginagawa ko! Damn him! Makababa lang ako rito! Makita niya!

We went inside an empty cabin house. Tuloy-tuloy ang pasok niya na parang wala mang pakielam kung may tao nga ba sa loob o wala!

I was still trying to get down on his hold nang lumapit siya sa single sofa na naroon at doon ako ibinaba. Bago ko pa siya magawang singhalan ay ikinulong niya agad ako sa pagitan ng mga braso niya at namumungay ang mga matang tumitig sa akin.

I gave him a deadly glare. Pareho kaming hinihingal sa ginawa niya. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako binabalikan ng lakas dahil sa mga naalala kanina.

"Hindi ako natutuwa. Umalis ka diyan." I said coldly. My heart is beating so fast again. Kung hindi siya aalis sa harap ko ay baka tuluyan na niyang marinig 'yon.

He stared at me for a second before his lips curled for a smirk, "I will. Just don't punch me though."

He is too near for me. I can definitely smell his breath with a mix of mint and alcohol. Lalo yatang nagwala ang sistema ko dahil doon. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako anumng oras dahil sa lapit ng mukha namin!

I saw how his eyes lowered to my lips. Hindi rin nakatakas sa akin ang pasimpleng paglunok niya bago nag-angat uli ng tingin sa akin.

"Please... lumayo ka muna..." sinubukan kong pakiusapan siya ng kalmado.

He sighed in a satisfied manner before backing away. Doon pa lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Umayos ako ng upo at wala ng lakas ng loob na tignan siya. Kung kanina ay sobrang tapang at lakas kong sigaw-sigawan siya, ngayon naman ay unti-unti akong bumabalik sa wisyo at kumakalma.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. At dahil hindi ako nakatingin sa kanya, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na mapansin kung nasaan kami.

We were inside a small cabin house. Ito siguro ang mga nabanggit ni Mianca na pinabukas niya raw bago kami dumating.

"Mag-uusap tayo," I heard him say again. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Hindi ko kaya lalo na't ganoon ang mga binitawan kong mga salita sa kanya kagabi. I can just reasoned out that I am drunk but I doubt he would believe me!

"Wala akong sasabihin, sa'yo," I said calmly. Gaya ng nabanggit ko kanina, wala pa rin akong lakas ng loob. Nakakainis! Sana kasi lahat katulad niyang may confidence 'di ba?

I looked at the other side when he suddenly crouched to meet my gaze. Bago ko gawin 'yon ay naabutan ko ang marahang titig niya sa akin.

"Uh huh, but you were avoiding me the whole day." akusa niya.

"Hindi. Busy lang ako." pagdadahilan ko pa. I know it's really dumb to even deny it pero hindi ko mapigilan ang sarili!

"Oh, talaga?" amusement suddenly filled his voice, "Kahit na naaabutan kitang nakatulala lang?"

I sighed frustratingly. Mabilis ang pagbaling ko sakanya, masama ang titig, "Busy akong magpahinga. May problema ka r'on?"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya pagkatapos kong lumingon sa kanya, "Okay. But that's enough rest already. We'll talk now."

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now