Chapter 04

61 4 14
                                    

Sa lahat yata ng mga naging crush ko noon, si Kaizer lang yata ang nalapitan ko ng ganito. Siya lang din ang umamin sa akin na hindi siya kumportable sa attention na binibigay ko. Nakakatawa. Samantalang noon, tuwang-tuwa ang mga ex-crush ko sa tuwing pinaglalandakan ko 'yung feelings ko sa kanila. Pero itong lalaking nasa harap ko, ibang-iba.

"Tititigan mo na lang ba ako hanggang mamaya?" sa wakas ay nagsalita rin siya. Kanina ko pa naman na napapansin na naiilang na siya sa titig ko pero I want to see his reaction kaya nagpatuloy ako.

I chuckled. Ang arte naman.

"Sorry na boss. Pogi mo kasi," natatawang sabi ko. Sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin bago siya umiling at nagpatuloy sa pagkain.

An idea crossed my mind. I smirked and slightly leaned closer to him. Nakapatong sa mesa ang mga braso ko at tinitigan uli siya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. He sighed and raised a brow.

"If you keep on flirting, I'll leave you here," seryosong sambit niya kaya bahagya akong umatras.

"Ito naman, sabi ko nga," sabi ko at umayos ng upo. He shook his head and continued eating.

Humalumbaba na lang ako sa mesa at tinitigan siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon at kasabay na kumakain, "So, kung magiging donut ka, anong flavor?"

Nag-angat uli siya ng tingin sa'kin at tinaasan ako ng kilay, nagtataka sa tanong ko. I smiled cutely.

"Ano nga?" tanong ko ulit nang titigan lang niya ako.

"Are you seriously asking me that?"

Ngumuso ako, "Sagutin mo na lang para may topic tayo. Ito naman eh." reklamo ko pa.

Huminga siya ng malalim, "None. I don't like sweets."

Kumunot naman ang noo ko, "Huh? Bakit? Sayang naman. Kung gan'on 'di ka kumakain ng cake?" favorite comfort food ko pa naman 'yon. Paano ko isshare niyan sa kanya kung hindi pala siya mahilig d'on?

"Why are you asking this?" tanong uli niya. Still confused why I am asking. Hindi ba siya sanay pag-usapan mga ganitong bagay? Kapag si Jom nga kausap ko, mas walang kwenta yung lumalabas sa bibig n'on.

"Topic nga kasi," ulit ko.

"And you chose this because?" nagtaas uli siya ng kilay.

"Wala lang. Wala akong maisip eh,"

"Really?"

"Sige, iba na lang," sabi ko at saglit na nag-isip. Pero feel ko naubusan ako ng iisipin. Ano bang pwedeng pag-usapan kapag siya ang kasama?

"Ubusin mo muna breakfast mo," napatingin ako sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa pancake na hindi pa nga nauubos. Sa sobrang overwhelmed ko sa pagdating niya, nakalimutan ko na ang pagkain ko.

"Busog na ako," sabi ko, "Dumating ka kasi," dagdag ko at ngumiti sa kanya.

"Should I leave then?" tanong niya, nakataas ang kilay.

Sunod-sunod naman akong umiling. Itong lalaking 'to, hindi talaga makagets ng banat ano?

"Ito na kakainin na," sabi ko at sumubo ng pancake.

Ilang minuto rin walang nagkikibuan sa amin. Napansin kong malapit na niyang maubos ang pagkain niya kaya nagmadali na rin ako.

"Wala ka pang klase 'di ba? Saan ka muna niyan?" tanong ko para may mapag-usapan ulit. Hindi ako maggigive-up ano!

Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin, "I'll go home or maybe stay inside the lib," hindi pa siguradong sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now