Chapter 16

55 3 11
                                    

I cried alone that night.

Lahat ng saya na naramdaman ko habang kasama si Kaizer sa maghapon ay sa isang iglap, napalitan ng takot at pagkabigo.

Bakit ba ganito? Lagi na lang. Bakit sa tuwing nakakaranas ako ng kasiyahan para sa sarili ko, agad din iyong binabawi at pinapalitan ng mas masakit na emosyon? Pakiramdam ko wala akong karapatang maging masaya. Para akong nagbabayad sa isang kasalanan na wala akong kaalam-alam. Si Papa, iniwan ako. Si Mama, parang hindi na anak ang turing sa akin. Engaged ako sa taong hindi ko naman gusto. Pati itong buhay ko ngayon, hindi ko naman makukuha kung hindi dahil sa deal na 'yon.

Noon naisip ko na tanggapin na lang lahat ng ito eh. Na sumunod na lang at turuan ang sarili na makuntento. Kasi baka kalaunan, magiging masaya rin ako at mapapagtanto kong ito yung mga bagay na ibinigay talaga para sa akin.

Pero hindi eh. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ako magiging masaya sa ganoon. Kasi alam ko, hindi 'yon ang mga bagay na magbibigay ng saya sa buhay ko.

Nakatulog ako nang gabing 'yon dahil sa pagod sa pag-iyak. Kinaumagahan, agad kong tinext si Archer para makipagkita. I told him that we need to discuss about something. Nagreply din siya at agad na pumayag.

Kumakain ako ng breakfast ng makareceive ako ng text mula kay Kaizer.

From: Kaizer bb ♥

Good morning. Just woke up. Kumain kana.

Unti-unting bumagal ang pagnguya ko habang nakatitig sa message niya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at ang pagbanggit ni Mama sa pangalan niya. Huminga ako nang malalim bago nagtipa ng reply.

Ako:

Yie good morning bb. Yes kumakain ako right now. Ikaw rin, kumain kana.

Hindi ko na alam ang mangyayari ngayon na kilala na siya ni Mama. Akala ko dahil nakaalis na ako sa bahay na 'yon, ay tuluyan na niya akong hahayaan sa mga bagay na gusto ko. That's a part of our deal.

At ngayon, hindi ko akalain na pinapasundan niya ko. Mukhang sinisigurado niya na wala akong ginagawang hindi ayon sa gusto niya.

My phone beeped again. Napatingin uli ako r'on. Nagreply si Kaizer.

From: Kaizer bb ♥

Yup. I'll eat now. Do you have plans for today?

Ako:

Magkikita kami nung pinsan ko sa mall ngayon. Bakit?

From: Kaizer bb ♥

Okay. Ingat ka. 'Wag kang tatanga-tanga sa daan.

Ako:

Wow naman. Ramdam ko 'yung care. Hmp.

Hindi na siya nagreply pagkatapos. Huminga ako nang malalim at matamlay na nagbihis. Parang kinuha ng pag-iyak ko kagabi ang lahat ng energy ko para ngayon. Gusto ko na lang sanang magpahinga pero kailangan ko na rin makausap si Archer. Kailangan na namin mapag-usapan ang plano namin.

Ilang minuto rin, nakarating ako ng mall. Sa Starbucks kami magkikita kaya doon ako dumiretso. Nagtext si Archer na malalate siya nang kaunti dahil may dadaanan siya sandali. I told him to take his time.

Inabala ko muna ang sarili ko sa cellphone ko para hindi ako mainip. I texted Kaizer na nasa mall na 'ko at hinihintay na lang ang 'pinsan' ko. Hindi naman agad ako nag-eexpect ng reply kaya in-exit ko rin ang messaging app.

Fifteen minutes siguro ang lumipas bago dumating si Archer. He apologized again pero umiling lang ako at ngitian siya. Hinayaan ko na muna siyang umorder ng inumin niya bago ako nagsalita.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now