Chapter 30

34 1 23
                                    


"Kai naman..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Mas lalo yata akong nanghina nang makita ko ang mga mata niya. Parang sinaksak ang dibdib ko nang makitang nasasaktan na naman siya ng dahil sa akin.

"Mahal pa rin kita."

Unti-unting napaawang ang bibig ko sa narinig. Hearing him say those words again after years, made my heart feel happiness and pain. Gusto ko na lang maupo at maiyak. Tangina. Ang hirap.

All those lies and fears of mine led us to this situation. Ganoon katindi ang naidulot ko sa relasyon namin noon. At hanggang ngayon, lahat ng ng 'yon ay pinagsisisihan ko. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, I would never talk to him. I won't show him my affection. Hindi ko hahayaang mahulog kami pareho. Pero hindi eh. Heto kami ngayon. Pareho na namang nasasaktan. 

We both can't changed what happened in the past. Pero kaya namin ilayo sa sakit ang mga sarili namin ngayon habang maaga pa.

"I tried..." he swallowed hard, "I tried moving on, Kylie. Ang tagal kong pinilit ang sarili ko na kalimutan ka. But for years, my heart won't stop looking for you. Mahirap din para sa akin dahil gusto kitang makita pero alam kong ayaw mo na."

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako nakagalaw nang bigla siyang lumapit pa sa akin at ipinatong ang noo sa kanang balikat. I was caught-off guard with his move. Mas lalo kong naramdaman ang mabigat niyang paghinga at ang malakas din na tibok ng puso niya.

"Please... just another chance, Kylie. Let's... try again."

Tuluyan na akong naiyak. I was lost of words. Muling nanumbalik lahat ng sakit na naramdaman naming pareho noong mga panahon na 'yon. It was never healed. Pagkatapos pa rin ng ilang taon... nandoon pa rin...

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Walang gustong magsalita at tanging malalim na paghinga at malakas na tibok ng puso naming dalawa ang maririnig. Unti-unti akong kumalma. Kaizer was still leaning on my shoulder.

"Masasaktan ka lang ulit sa akin, hindi mo ba naisip 'yon?" I asked silently. 

"Why? You're gonna hurt me?" he asked back.

I bit my lower lip and gently shook my head, "Hindi..."

"That answers your question, then."

Ilang segundo uli akong natahimik. I took another deep breathe before talking, "Gusto ko ng umuwi..."

Dahan-dahan na umalis sa pagkakasandal sa akin si Kaizer. He looked at me tenderly. Nanghihina uli ako sa titig niya kaya nagbaba uli ako ng tingin.

"I'll court you... this time," he said gently. Hindi ako nagsalita. Kahit pa yata tumutol ako ay hindi  siya papayag. I can sense the determination in his voice. Mas lalong nagulo ang sistema ko. Hindi ko lang alam kung ano bang dapat maramdaman. Sa ngayon, mas nangingibabaw sa akin ang takot sa mga pwedeng mangyari.

He noticed my reaction. Hindi nakatakas sa akin ang kaunting takot at kaba sa mukha niya. Bago pa ako makakalap ng sasabihin ay muli siyang nagsalita, "I'm just informing you. Kahit na tumanggi ka, I'll still pursue you."

I swallowed hard as my eyes wavered in nervousness, "Bahala ka."

Bahagya ko siyang itinulak, ang akala ko ay hindi siya matitinag pero bahagya akong nagulat nang mapansin ang panghihina niya. Bumaba ang isang braso niya at kalmadong tumitig sa akin. I gave him one last glance bago ako tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan ko.

Pagod na pagod ako sa araw na 'yon. Akala ko ay huli na ang nangyari kahapon pero hindi ko inasahan ang nangyari kanina. I was confident he would stop after our conversation yesterday. Hindi ko alam. Hindi ko na alam paano ipapakita sa kanya na mali ang ginagawa niya. Nagsasayang lang siya ng oras.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now