Chapter 15

53 3 14
                                    


Hello sainyo mga tol eto na

"Cesca!"

Napaangat ako ng tingin mula sa cellphone ko nang marinig kong may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko nang matanaw si Jom mula sa malayo na parang nabagsakan ng langit at lupa. Pagkatapos akong tawagin ay agad siyang naglakad papunta sa gawi ko. Nakatambay ako ngayon sa isa sa mga nagkalat na benches sa campus. Wala na akong exam pero may usapan kami ni Kaizer kaya nandito uli ako.

"Cescaaaa..." naiiyak na tawag pa niya nang makalapit. Para siyang bata na handa ng magsumbong sa nanay. Tinaasan ko siya ng kilay. Umupo siya sa tabi ko at saka humugot ng malalim na hininga.

"Oh, kamusta? Buhay ka pa?" natatawang tanong ko sa kanya. Last day na ng exam nila. Ang alam ko, major subject din nila ang last exam nila kaya hindi na ako nagtataka bakit ganito ang reaksyon niya. Naiiyak niya akong tinignan. Halatang pagod na pagod siya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil nga busy sila at nagfinals week pa.

"Gago yung exam! Walang lumitaw sa nireview ko!" naiiyak na sabi niya. I bit the inside of my cheeks to refrain myself from laughing.  Nakakatawa 'yung itsura niya pero ayokong tawanan dahil alam ko 'yung pakiramdam na hindi sinisipot ng nireview sa exam. Instead of laughing, I spread my arms to give him a hug.

"Halika rito, hug kita," sambit ko at wala sa sariling sumunod naman niya. I gave him a buddy hug and patted his left arm. Ramdam na ramdam ko ang pagod at puyat niya. He sighed heavily.

"Okay na 'tol, tapos na," sabi ko pa para mas gumaan ang loob niya. 

"Ayoko na 'tol..." nanghihinang sabi niya. Marahan akong natawa. Nasa ganoong posisyon kami nang mag-angat ako ng tingin at matanaw si Kaizer na nakakunot ang noo habang naglalakad papunta sa direksyon namin. I smiled and waved at him using my free hand.

Napansin siya ni Jom kaya dali-dali siyang umayos nang upo at kumalas sa yakap ko. 

"Kai, siya 'yung yumakap, hindi ako," depensa niya agad pagkalapit na pagkalapit ni Kaizer sa amin. I scowled at him. Ang walanghiya! Pagkatapos kong aluin, ganito ang igaganti!

Kaizer arched up his brow, "May sinasabi ba ko?"

"Wala bro. Pero parang papatayin mo ko sa tingin eh," pang-aakusa niya.

Kaizer snickered at him and just shook his head. Bumaling siya sa akin.

"Kanina ka pa?" he asked.

Ngumiti ako saka umiling, "Hindi naman."

"Kumain kana?"

"Hindi pa." sagot ko ulit.

"Ako rin bro, hindi pa," pagsingit ni Jom.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw ang dinedate?"

"Ako 'yung classmate bakit?" tinaasan din niya ako ng kilay. Pabiro ko siyang inirapan.

"Sabi ko naman sa'yo, susunduin na lang kita," hindi pinansin ni Kaizer ang asaran namin.

"Hassle nga kasi. Hayaan mo na. Nandito na ako eh," I smiled cutely at him. Huminga lang siya nang malalim. Saka ko napansin na may mga babaeng high school student ang bahagyang napapahinto sa paglalakad at napapatingin sa dalawang lalaki na kasama ko. Nangingiti-ngiti pa sila habang nakatitig pero mukha namang walang pakielam ang dalawang 'to.

"Ay ako'y lalayas na at baka langgamin pa ako rito," tumayo na si Jom at iniwan na nga kami r'on. He'll probably go home now to get some sleep.

"Let's go?" napatingala uli ako kay Kaizer na bahagya pang nakatagilid ang ulo habang nakatingin sa akin.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now