Chapter 07

52 3 16
                                    

Masaya akong nagbihis pagkatapos n'on. Nakangiti ako habang nagsusukat ng damit sa harap ng salamin. Hindi mawala sa isipan ko ang message ni Kaizer kanina at pakiramdam ko, babaunin ko 'yon hanggang sa pagtulog mamaya.

I chose to wear a simple white shirt na may nakacalligraphy na 'bonjour' sa gitna. Hanggang sa siko ang sleeves nito at itinuck-in ko ang laylayan sa isang nude high waisted long skirt. Nag white shoes lang ako dahil ayokong sumakit ang paa mamaya. After putting my silver watch ay nag-apply ako ng kaunting liptint at powder. I don't do make-ups, unless may occassion talaga.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagbusina ng kotse sa labas. Sandali akong napatitig sa sarili ko sa salamin bago huminga ng malalim. I smiled and went down.

When I opened the gate, nakaabang na ang driver doon at pinagbuksan ako ng pinto sa back seat. I smiled and bowed a bit to thank him.

Nang makapasok sa sasakyan, Archer gave me a small smile. Ganoon din ang ginawa ko.

Napansin ko ang suot niya. It's just a crisp white shirt, black pants and white rubber shoes. Tapos may suot na itim na relo sa kaliwang wrist. Mukhang matchy matchy pa yata kami.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe. Samantalang iyong katabi ko ay busy sa phone niya.

"Gutom kana?" I glanced at him when he asked.

"Oo," sagot ko naman. Kaninang one pm pa ang huli kong kain kaya malamang talaga gutom na 'ko.

He smiled, "Malapit na tayo."

Tumango lang ako. Hindi na uli siya nagtanong pagkatapos.

Nang makarating kami r'on sa restaurant ay agad kaming inasikaso sa nakareserved na table para sa amin. 'Yung driver namin ay naiwan sa labas pero alam kong magbabantay 'yon sa aming dalawa ni Archer.

Nag-order na rin kami at hinihintay na lang na iserve. Archer cleared his throat.

"Sorry I tried to bribe him pero hindi tumalab," I looked at him when he spoke, "Nagulat na lang din kasi ako na may driver. I didn't know our parents finally knew what we're doing," he sighed.

Oo nga. Isa pa 'yon. Nabisto na pala kami. Kapag kasi sineset-up kami sa mga dinner or lunch date kagaya nito, papayag kami pero isa lang talaga ang pupunta para kumain. Pero ayon, nahuli na pala kami kaya may guard na sa labas.

I nodded at bahagyang napangisi, "Okay lang. Hindi ko rin naman inexpect na hindi nila agad malalaman. At least we have free dinner tonight?" I tried to lighten up the mood.

He chuckled and nodded as well, "Well, tama ka. It's just a dinner anyway."

Sumang-ayon ako. Natahimik na lang uli kami nang iserve ang mga pagkain.

"So, you're a friend of Roch, huh?" tanong niya habang naghihiwa ng sarili niyang steak.

Sumubo muna ako bago tumango, "Gulat din ako na magkasama kayo," I answered.

He shrugged, "Madaldal eh," then he chuckled.

Sumang-ayon uli ako. Totoo nga naman.

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now