Naalimpungatan ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. I slowly opened my eyes and an unfamiliar place welcomed me. Dahan dahan akong kumurap-kurap para makapag-adjust ang mata ko sa liwanag. Where am I?
"Doc, gising na po siya," I heard a familiar voice. I slowly faced my right just to see Kianne. Nakatayo ito at nakahalukipkip na parang may hinihintay na lumapit. Tatawagin ko na sana siya pero may biglang pumasok na babeng doctor at ngumiti sa akin.
Saka ko narealized kung nasaan ako. Clinic.
Nagsimulang magtanong ang doctor kung anong pakiramdam ko. I answered her with my weak voice. Habang nagtatanong siya saka ko napansin si Kianne na nakatayo lang at pinapanood ang pagtatanong sa akin nung doctor.
"Nilalagnat ka pa rin," sabi ni Doc pagkatapos akong kuhanan ng temperature, "Kumain ka muna tapos bibigyan kita ng gamot. Your friend went out to buy you a meal, hintayin mo siya," she said and smiled at me. Tumango ako nang marahan. Wala pa rin lakas para magsalita.
Pagkatapos ng ilang tanong ay nagpaalam din si Doc. Narinig kong nagpasalamat si Kianne bago ito bumaling at lumapit sa akin.
I saw her sighed.
"Wala kang klase?" ramdam ko ang pagkapaos ng boses ko.
Umiling siya, "Kanina pa tapos. Three pm na," she answered. Hindi ako nagsalita. Ramdam ko pa rin ang antok at sakit ng ulo ko. Tangina.
"Ang tigas talaga ng ulo mo," biglang sambit ni Kianne. She looked away and heaved a sigh. Halatang hindi siya natutuwa sa nangyayari. I bit my lower lip.
"Sorry..." I managed to say it. Alam ko naman na may kasalanan ako kung bakit ako nandito ngayon. Kung marunong lang akong makinig at kung hindi nga naman matigas ang ulo ko, hindi mangyayari 'to.
Bumaling siya sa akin, her face softened, "Huwag kang magsorry sa akin. Magsorry ka sa katawan mo na inabuso mo," wika niya. Napalabi ako at hindi na lang nagsalita. Bihira lang siyang maging seryoso at medyo kinakabahan ako.
"Parating na si Jom. Kumain ka muna tapos uwi tayo sa unit mo. Doon ako matutulog," aniya at umupo uli sa mono block chair na nasa gilid ko lang.
Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Ayoko rin naman maiwan mag-isa sa unit ko mamaya lalo na at ganito ang sitwasyon ko.
"Ah, oo," biglang sambit niya na parang may naalala. Bumaling siya sa'kin. "Pupunta muna pala sina Rocher dito. Hintayin daw natin sila."
Mukhang nakarating na sa kanila ang nangyari. At mukhang makakaranas ako ng sermon mamaya. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Jom. Akala ko ay mag-isa lang siya pero sumunod kong narinig ang boses nina Rocher at Minaca. I opened my eyes and saw them. Agad lumapit sa akin sina Rocher at Mianca samantalang inabot naman ni Jom ang paper bag na dala kay Kianne.
"Bruha ka! Kinabahan ako sa'yo! Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Rocher habang sinusuri ang buong katawan ko.
"Ayos pa naman..." mahinang sagot ko.
"Anong nangyari? How did you end up like this, ha?" si Mianca.
Sasagot na sana ako pero nahagilap ng mata ko ang pagdating ni Faith. Bahagya pa siyang hinihingal habang nakaukunot ang noo at nakatingin sa akin.
Great. They're all here. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Para akong pasyente na may malalang sakit at dinalaw ng mga kamag-anak dahil nag-aagaw buhay na.
"Wow, kumpleto tayo ah," si Kianne na mukhang napansin din na nandito kaming lahat. Sa dinami-rami naman ng panahon na makikita ko silang kumpleto, ngayon pa talaga.
YOU ARE READING
Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)
RomanceFrancesca likes Kaizer. But her affection towards him will lead them to face some challenging situations.