Chapter 29

25 1 16
                                    


"Uh, Ma'am?"

Bahagya akong nagulat nang marinig ang pagtawag ng sekretarya ko. I looked up and saw her giving me an awkward smile. My brow slightly propped up and before I can even ask her ay saka ko naramdaman ang mga matang nakatitig sa akin.

Bumaling ako sa harap at doon natantong may mga kasama akong businessmen dito sa conference room. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya  dahil nakatingin sila at hinihintay ang sasabihin ko. Right. Nakalimutan kong nasa meeting ako!

Marahan akong tumikhim at pasimpleng umayos ng upo.

"My apologies," saad ko bago ibaba ang tingin sa mga dokumentong nasa table. I was too pre-occupied na hindi agad nagproseso sa akin ang pinag-uusapan. Damn. Umayos ka, Francesca.

The meeting didn't last that long. Agad ko rin itong tinapos pagkatapos ng ilang pag-uusap at mga tanong. Unti-unti na rin nagsisialisan ang ilang businessmen pero nanatili ako sa pwesto ko habang may binabasang mga dokumento.

"Rhea," I called my secretary.

"Yes, ma'am?" ramdam ko ang kanyang paglapit.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Email me these documents later. I'll be needing them tomorrow," saad ko sabay abot ng iilang papel sa kanya.

"Sure, Ma'am," tumalikod na siya para lumabas ng conference room pero tinawag ko lang din nang may maalala.

"Kamusta 'yung pinaasikaso ko sa'yo kagabi?" I asked.

Sandali siyang napaisip. I arched my brow, waiting for her to answer. "Ah. Okay na po ma'am. Naayos ko na." 

Tumango ako at tipid na ngumiti "Okay. Thank you."

Akala ko ay nagpatuloy na siya sa pag-alis pero pag-angat ko ng tingin ay nandoon pa rin siya. She gave me an awkward smile.

"Sorry po, ma'am. Sige po, mauna na po 'ko."

Muli akong tumango bago siya lumabas nang tuluyan sa conference room. Ilang minuto muna akong nanatili roon bago bumalik sa opisina ko.

Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi ko hinayaan na magkaroon ng pagkakataon na makapagpag-isip ako.

Yes. I am too scared to face it. Hindi ko na kaya pang isipin ang nangyari kahapon. Sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang naging usapan namin ay naalala ko lang ang mukha niya na puno ng sakit at pagsisisi. But I guess, I made it clear already. Siguro naman ay titigil na rin siya pagkatapos kong bitawan sa kanya ang mga salitang 'yon.

I sighed and shook my head once again.

I was in front of my laptop when Rhea talked through the intercom. Hindi ko inalis ang tingin sa monitor ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Good noon, ma'am. Ms. Narciso and Ms. Quiambao are here po. Papasukin ko na po?"

Kumunot ang noo ko at natigil sa pagtatype. Bumaling ako sa intercom at tumitig doon na para bang nakikita ko ang kausap ko.

"Pakisabi lumayas sila."

"Po?"

Bumuntong-hininga ako at hindi na inulit pa ang sasabihin. Ilang segundo lang ay bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa ang dalawang babaeng hindi ko inaasahan na darating ngayon.

"Wassup!" bati ni Rocher sa kawalan. Napahawak agad ako sa sentido ko. Iyon pa lang ang ginagawa niya at parang sumasakit na ang ulo ko.

"Don't worry, we miss you too." si Mianca sabay upo sa sofa ko na naroon. She's wearing a white longsleeve blouse and pair of skinny jeans and nude stilletos. Rocher sat on the other sofa and smiled sweetly at me. She's wearing a peach-colored boyfriend coat and a black tube top inside na ipinares niya sa black skinny jeans and white sneaker shoes. Really? Sa trabaho ba nanggaling ang mga 'to o sa date?

Wish on the Same Sky (Fallen Series #1)Where stories live. Discover now